Part Six - I have decided.

88 3 2
                                    

Tatlong flag na lang ang kailangan nilang makuha sa dagat para manalo sila.  Three more to go, Mell…

Habang unti-unti nababawasan ang mga flag sa dagat, palalim naman nang palalim ang kinaroroonan ng mga iyon.  Kinuha ng ka-grupo ni Mellisa ang isang flag.  Dalawa na lang…

Binilisan ng ka-grupo niya ang paglangoy.  Sa wakas ay nakuha naman nito ang isa pang flag.  Ibig sabihin ay isang flag na lang ang natitira.

Kay Mellisa na nakasalalay ang pagkapanalo nila.  Mas malayo at mas malalim na ang lalanguyin niya.  Sinimulan na niya iyon.

Narating naman niya ang kinaroroonan ng huling bandera.  Kinuha niya iyon.  Ngunit sa ‘di niya inaasahan ay nadulas iyon mula sa kaniyang kamay at lumubog sa tubig.  Sinisid niya iyon.

Hinanap niya ang naturang bandera.  Mabuti na lamang ay may kulay iyon kaya madali niyang natagpuan.  Inabot niya iyon.

Pagka-angat niya mula sa ilalim ng dagat ay itinaas niya kaagad ang flag kahit hindi pa siya makadilat dahil sa may katagalan na paglubog sa dagat.  Narinig na niya ang mga sigawan at palakpakan ng mga estudyante.  Pinunasan niya ang tubig sa kaniyang mukha gamit ang palad niya at siya’y ngumiti.

Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, natagpuan niya na lang si Ian sa harapan niya.  Hindi niya lubos maisip kung paano napunta ang lalaki doon.  Ang alam kasi ni Mellisa ay hindi makaka-attend si Ian para sa activity ngayong umaga dahil sa naimbitahan ito ng pamilya ni Tania.

Napansin ni Mell ang pagkakakunot ng noo ni Ian.  Mukhang galit ang lalaki.  Ano na namang nagawa ko?

“Bakit ganiyan ka makatingin?” tanong niya sa lalaki.

“Gusto mo ba talagang magpakamatay, ha?!” singhal nito sa kaniya.

Nagulat siya sa pagsigaw ng lalaki sa kaniya.  “A-ano bang—”

“Bakit ba ang hilig mong lumapit sa disgrasya?!” singhal na naman ng lalaki sa kaniya.

Hindi siya nakasagot.  Bigala na lang hinawakan ni Ian ang braso ni Mellisa at hinila palapit sa ibang estudyante.

“H-hoy!  Saglit lang…bitiwan mo nga ako!” pagpupumiglas niya sa lalaki.

Nilingon siya nito.  Nanlilisik sa galit ang mata ng lalaki.  Natakot tuloy siya rito.  “Manahimik ka riyan!”

“O-opo,” iyon na lang ang naisagot niya.

Ang akala ni Mellisa ay bibitawan na siya ng lalaki kapag nakarating na sila sa mga kumpol ng mga estudyante, ngunit hindi pala.  Tuluy-tuloy ang paghila sa kaniya ni Ian hanggang sa mapadpad sila sa magubat na bahagi ng resort.

Halos tabi-tabi na ang mga puno roon.  Walang ibang tao roon bukod sa kanilang dalawa.

“B-bakit mo ako dinala rito?”

Tinakpan niya ang kaniyang katawan.  Baka rape-in siya ng lalaki.  Kung sakali mang mangyari iyon, hahabulin niya pa ito para pakasalan siya.  Ha!  Mautak ito, bui!

“Bakit ba lagi mo na lang inilalagay sa panganib ang buhay mo?!” tanong na naman sa kaniya ni Ian.

Ano ba ang pinagsasasabi nito? tanong niya sa kaniyang isipan.  Oo, malalim ang nilangoy niya kanina, pero kaya niya naman iyon.  Gusto sana niyang matawa sa ikinikilos ng lalaki, ngunit isinantabi niya na lang iyon.  Baka kasi bigwasan siya ni Ian, kaya ‘wag na lang.

“Alam ko naman ang ginagawa ko, ‘no!  At saka kayang-kaya ko naman iyong challenge kanina.  Ano ba ang ikinagagalit mo?” tanong niya rito.

“Muntik ka nang malunod kanina!” sigaw ng lalaki.

Huh?  Wala naman siyang naaalalang muntik na siyang malunod kanina.  Maayos naman niyang natapos ang game.  Dapat ay nagagalit na rin siya ngayon dahil kanina pa siya sinisigaw-sigawan ng lalaki , kaso gumana ang teasing mode niya.

Sinundot ni Mellisa ang tagiliran ng lalaki.  “Ayiee…nag-aalala ka sa akin, ‘no?  Sinisid ko lang naman ko lang naman ‘yong lumubog na flag kaya ‘wag ka nang magalit,” aniya at putuloy na sinusundot ang tagiliran ni Ian.  “Dali na…”

Hinampas ni Ian ang kamay niya.  “Tigilan mo nga ako!” singhal nito sa kaniya.

Tinalikuran siya ng lalaki at iniwan sa gubat na iyon.

Pikon!

Ngunit hindi maalis sa isipan ni Mellisa na natuwa siya sa paraan ng pag-aalala ni Ian sa kaniya.

Why is that he always occupies my mind?  Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang inasta ni Ian kaninang umaga.  Hindi tuloy siya makatulog ngayon.  Nakakainis!

Sumagi na naman tuloy sa kaniyang isipan ang tungkol sa paghahanap niya kay Leonard.  Paano kaya kung kalimutan niya na lang iton?  Pakiramdam niya kasi ay wala nang kwenta ang paghihintay niya na muling magtagpo ang landas nila.

Pwede niya naman siguro subukang umibig sa taong nandyan lagi sa tabi niya, ‘di ba?

Tama, bukas ay aamin na niya ang tunay niyang nararamdaman para kay Ian.  Pwede namang mauna ang babae na umamin sa nararamdaman, ‘di ba?

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon