Ian was really amazed with Mellisa. Hindi ito katulad ng ibang babae na puro papansin lang ang alam. In fact, hindi pa nga siya nito gusto, at talaga nga namang kinaiinisan siya nito. Natatawa siya sa isiping iyon. Gusto niya tuloy laging asarin ang babae.
Ngunit parang iba ang kinahahantungan niyon. Ayaw niyang isipin kung anuman iyon pero awtomatikong iyon ang nararamdaman niya.
Matagal na niyang inilian ang puso niya para iisang babae. Hindi nga lang niya alam kung nasaan na ito, pero pangako niya na hahanapin niya ito saan mang dako ng mundo. At ang kaisipan na maaari siyang magkagusto sa ibang babae ay hindi maaari.
Iniwas na niya ang kaisipang iyon sa kaniyang isip at nagbihis na lang siya after the special class he handled. May klase pa kasi siya kasunod niyon.
“Ian, wait!” habol sa kaniya ni Vince nang palabas na siya ng banyo. Si Vince ay kaklase ni Ian sa isang subject at naging kaibigan niya na rin.
“Oh, Vince, bakit?” tanong niya rito.
“Sasama ka ba next week?”
Nagtaka siya sa tanong ng kaibigan niya. Wala naman siyang naaalala na may lakad sila sa susunod na linggo. “Next week? Bakit, anong meron next week?”
“Ano ba ‘yan, ‘pre! Ikaw pa naman ang organizer ng swimming natin next week, tapos hindi mo alam?”
“Loko! Magtatanong ba ako kung alam ko? Bakit ba hindi ako nasabihan tungkol diyan?”
“Hindi ko alam kung bakit hindi ka nasabihin. Tanungin mo na lang si Ma’am Iza tungkol diyan. Lahat daw ng students dito sa school ang sasama. Magkakaroon dawn g swimming tutorial sa dagat, kaya sa beach tayo. ‘Yong mga magtuturo raw ay iyong mga kasamahan mong swimmers dito sa school. And, of course, you’re the head.”
Nanlaki ang mata niya sa narinig. “What?! I wil be the head, pero hindi ako na-inform?! Ang astig naman nila, grabe!” bulalas niya.eh.”
Napabuntong-hininga na lang si Ian. “Oh, sige. ‘Pre, salamat!”
Dumiretso muna si Ian sa office ni Ma’am Iza, ang director ng school nila, bago siya pumunta sa next class niya.
Nang makarating siya sa naturang opisina, kumatok siya ng tatlong beses. Pinapasok siya nito sa loob. He found her sitting in her chair while signing some papers.
“Good morning po, Ma’am Iza,” bati niya rito.
Nilingon siya nito at ngumiti. “Oh, Ian, what can I do for you?” tanong nito sa kaniya. “Please sit down,” yaya nito sa kaniya.
“Thank you, Ma’am, pero hindi rin naman po ako magtatagal. I just want to asked you about the swimming next week.”
“Oh, yes, I’m sorry about that. I’m really busy checking and signing these papers. About tha, you will be the head coach for this swimming program. It will be in Batangas. May nakausap na ako roon para mapa-reserve na ‘yong beach. When you get there, just feel free to contact me if you want to confirm something, and also, please inform me what is happening there, ‘casuse I won’t be with all of you. Madami akong meetings and seminars na pupuntahan next week. So, I’ll leave everything to you, Ian. Ikaw na ang bahala sa kanilang lahat. And by the way, three days kayo roon.”
“Ah, sige po, Ma’am. Salamat po.”
“Sige, salamat din.”
Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng opisina ng director. Napabuntong-hininga na lang siya. Mabigat kasi ang responsibilidad na ibinigay sa kaniya. It will be a hard week.
BINABASA MO ANG
I'll Swim To your Heart
Novela Juvenil"I just met him on the pool one day. Isang araw na nagpabago sa takbo ng buhay ko." -Mellisa Please do grab a copy of my novel entitled, "Chances", which is published under Precious Hearts Romances. Thankiiee, guys! :*