Part Seven - He knows.

91 5 2
                                    

Huling gabi na nila sa resort ngayon at bukas ay uuwi na sila.  Nang mapagdesisyunan niyang ipagtapat na kay Ian ang nararamdaman niya para rito, buong araw na hindi mapakali si Mellisa.  Kanina pa siya humahanap ng tiyempo para lapitan ang lalaki at makausap, pero kapag minamalas nga naman!  Nakalimutan niyang si Ian nga pala ang head ng program na ito kaya ang lalaki ang punong abala sa huling activity nial rito sa resort.

Pinagmasdan niya ang lahat ng estudyanteng naroroon.  Ang bawat isa ay nakaupo sa mga punong-kahoy o di kaya naman ay sa mismong buhanginan.  Nakapalibot silang lahat sa isang bonfire na pinagtulung-tulungan nilang likhain kanina.

Napalingon siya sa katabi niya.  Napangiti siyang bigla.  Sinadya niya talaga na tumabi kay Ian para madali niya itong makausap.  “Ian…”

Napalingon sa kaniya ang lalaki.  Hindi niya inaasahan iyon.  Sa isip niya lang gustong banggitin ang pangalan ng lalaki, but she said it out loud.  Hindi na siya makakaatras pa kaya paninindigan niya na lang.

“Pwede na kitang makausap?” tanong niya rito.

Seryosong tinitigan siya ng lalaki.  “Tungkol saan?”

Tumayo si Mellisa.  “Doon tayo malapit sa dagat,” aniya at nauna nang maglakad.

Sinundan naman siya ng lalaki.  Ayaw niyang marinig ng ibang estudyante ang pag-uusap nilang dalawa.

“Ano naman ang gusto mong pag-usapan natin?  Bilisan mo lang dahil magsisimula na ang huling activity natin dito sa resort,” anito.

Tinitigan ni Mellisa ang dagat.  Malakas ang hampas ng mga alon, kasing lakas ng tibok ng puso niya.

She deeply inhaled the air.  “Simula nang magkahiwalay ang mga landas namin, hindi na ako tumigil sa paghahanap sa kaniya…”  She paused.  Nilingon niya si Ian at tinitigan sa mata.  “…until you came in the picture.  Hindi ko namalayan na nawala na ang interes ko sa paghahanap sa kaniya.”

Hindi agad nakasagot si Ian sa sinabi niya.  Mukhang nagulat niya ata ang lalaki.  Tinitigan lamang siya nito.

“What are you talking about?” tanong nito sa kaniya.

Ngumiti siya sa lalaki at itinuon muli ang paningin sa dagat.  “May nakilala akong isang lalaki dati.  Matagal na panahon na iyon at bata pa ako.  Nalaman ko na may gusto siya sa akin.  Excitement fills my heart.  I don’t know why.  Gusto ko siyang makilalang mabuti kaya hinanap ko siya.  Unfortunately, sa maraming taon na lumipas, hindi ko na maalala ang itsura niya.  And I never got to talk to him nor see him.  Until I decided to end the searching…”  Nilingon niyang muli si Ian.  “…again, because of you.”

Napakunot ang noo ni Ian.  “Ano namang kinalaman ko diyan?”

Inirapan niya ito.  Manhid!  “Hindi pa ba halata?  Bakit ko ba itinigil ang paghahanap sa lalaking gusto ko?”  Nanatiling hindi nakatingin ang lalaki sa kaniya at hindi sumasagot.  Kainis!  “Dahil may iba na akong gusto!  Buti sana kung gusto lang e, pero mahal ko na siya.”  Gano’n pa rin ang reaksyon ng lalaki.  Kaunti na lang talaga ay babatukan na niya ito.  “Manhid ka ba talaga?  Ikaw ang tinutukoy ko, ulol!”

“A-ako?” turo pa ni Ian sa sarili niya.

“Ayy, hindi, sila,” turo ni Mell sa ibang estudyante.

“Sila?” turo rin ni Ian sa mga iyon.

“Ikaw…nakakabwisit ka na, ha!  Pwede ba, seryosohin mo naman ang sinabi ko?  Alam ko namang para tayong aso’t pusa kung mag-away, pero hindi ko rin naman maitatanggi na iyon din ang dahilan kung bakit kita nagustuhan.  Oo, halos lagi kang nakasigaw sa akin at gano’n din ako sa ‘yo, pero bakit nakikitaan ko pa rin iyon ng kagandahan?  Hindi ko gusting mag-assume, pero sana parehas tayo ng nararamdaman para sa isa’t isa,” litanya ni Mellisa.

Napansin niya ang kawalan ng reaksyon ni Ian sa sinabi niya.  She suddenly felt embarrassed.  She felt the numbness of her whole body…of her whole being.  Gusto niya maiyak, o sabihin na lang na iyon talaga ang nakatakdang mangyari.  Nararamdaman niyang mabibigo siya.  At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

Ipinukol ni Ian ang paningin sa dagat.  “I’m sorry.”

“I-I’m sorry?  For what?” tanong niya rito kahit na alam niya kung para saan ang sinabi ng lalaki.  Gusto niya lang patunayan na totoo ang hinala niya…masaktan man siya.

“Patawarin mo ako kung iyon ang nakikita mo sa mga ikinikilos ko towards.  Thank you for your love, but I can’t accept it.  May nagmamay-ari na ng puso ko.  Hanggang sa mamatay ako, sa kaniya ko pa rin ilalaan iyon dahil nabubuhay ako para sa kaniya.  Patawarin mo rin ako kasi hindi pa ako handa.  Hindi pa ako handa na bitawan siya.”

Tania, she thought.  Tumalikod na si Ian sa kaniya.  Bago ito tuluyang umalis ay inulit nito ang mga katagang iyon.  I’m sorry, ang mga salitang hindi niya inaasahang babanggitin ng lalaki.  Mga salitang hindi niya inaasahang makukuha niya para sa pagtatapat niya ng damdamin.

Tuluyan na siyang iniwan doon ng lalaki habang nakikipagsabayan ang mga luha niya sa pag-agos ng tubig sa dagat.

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon