Part Eight - Back to Reality.

89 4 0
                                    

Huling araw na nila sa resort.  Napagpasiyahan ni Mellisa na ilaan ang kaniyang oras sa paglangoy sa dagat sapagkat mamayang tanghali pa naman ang alis nila sa lugar.

Napahawak siyang bigla sa kaniyang leeg.  Wala siyang nakapa roon.  Bigla siyang kinabahan.  Nawawala ang kwintas na bigay sa kaniya ng kaniyang ina.

Hinanap niya iyon mula sa dagat.  Sumisid siya para mas madali niyang mahanap ang naturang kwintas.  Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya iyon na nakaipit sa isang bato.  Umahon siya at tinitigan ang kwintas. 

It looks so precious in her eyes.  That white gold star-shaped pendant seems to be her most precious gem.  It was a gift from her mother on her seventh birthday.

She’s been so careless these days.  Marahil ay tama nga si Ian na hindi siya marunong mag-ingat dahil lagi na lang siyang nadidisgrasya.  Pati ang kwintas na bigay ng kaniyang ina ay nadamay pa sa kapabayaan niya.

Napagpasyahan niya na tumigil na sa pagbababad sa dagat.  She walks into the water to reach the shore.  Ngunit, ikinagulat niya ang pagkakaapak niya sa isang madulas na bagay sa ilalim ng dagat.  Naging dahilan iyon para madulas siya.  Pinilit niyang pigilan ang pagkakalubog niya sa tubig, but she can’t.  Unti-unti siyang hinihigop ng tubig pailalim.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa nangyayari sa kaniya.  Ang alam niya lang, unti-unti na siyang dinadalaw ng antok.  Ngunit bago pa siya mawalan ng malay, nagawa niya pang tawagin si Ian sa kaniyang isipan.

Naramdaman ni Mellisa ang tubig na lumalabas mula sa kaniyang bibig.  Napaubo siya.  Unti-unti niyang binubuksan ang kaniyang mga mata.  Bumungad sa kaniya ang mukha ni Ian.  Nananaginip ba siya?  Ian is continuously giving her a cardiopulmonary resuscitation.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya sa lalaki.

“I’m saving you,” anito at patuloy pa rin sa ginagawa sa kaniya.

“Yeah, I know, but I’m awake now,” aniya pero hindi pa rin nagpatinag ang lalaki.

“Just to make sure,” tugon ni Ian at binigyan uli siya ng CPR.

Napataas ang kilay ni Mellisa.  Hindi niya alam kung CPR pa rin ba ang ginagawa ng lalaki, o iba na.

“Ian, hinahalikan mo na ako.  Baka lalo akong mawalan ng hininga,” sabi ni Mellisa sa lalaki.

Doon lamang napatigil ang lalaki sa ginagawa sa kaniya.  Tinitigan siya ng lalaki at saka napabuntong-hininga.  Inalalayan siya ni Ian patayo.

“Thank you,” aniya, ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa lalaki.

Mabilis siyang tinalikuran ni Ian at naglakad palayo.  Napahawak si Mellisa sa kaniyang labi.  His gentle little kisses on her lips made her feel special.

Napalingon siya sa kaniyang paligid.  Nakatingin sa kaniya ang lahat ng mga estudyanteng naroroon.  She made a peace sign and walks out of the scene.

She walks down the hallway of their university.  It’s been three days since they left Batangas.  Mellisa felt like everything that has happened there was just a dream.  It was hard to accept that she needs to go back to reality.  It was really hard…when the person she’s with in her dream is the same person she’s bumping into every single day of her reality.

Tamad na tamad ang pakiramdam niya ngayon.  Dapat ay may klase siya sa mga oras na ito.  Ngunit, wala siya sa kaniyang sarili ngayon kaya nalimutan niya ang tungkol sa klase niya.  Na-late siya ng dating at tuluyan nang hindi nakapasok.

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon