Part One - Pesteng Lalaki and Annoying Girl

146 6 0
                                    

“Hindi mo na ba talaga siya nakita?” tanong ni Lira kay Mellisa nang maikwento niya rito ang tungkol kay Leonard.

Kaibigan at kaklase niya si Lira sa university na kaniyang pinapasukan.  Nasa third year na sila.

“Hindi eh.  Pagkatapos kasi no’n, hindi na masyadong nagyayaya ng swimming si Ninang.  ‘Pag niyaya naman niya ako, nasasaktong hindi ako pwede,” sagot niya naman sa kaniyang kaibigan.

For her, being Mellisa Manansala is somewhat normal…a normal person, a normal 19-yeat old student, a normal freakingly insane person.       

Pitong taon na ang nakalipas simula nang huling magtagpo ang landas nila ni Leonard.  At dahil nga isa siyang freakingly insane person, gumawa siya ng paraan para mahanap ang lalaki.

Sumisimple siya ng pagtatanong sa kaniyang Ninang kung kilala ba nito ang binata na nakasama nila sa swimming noon.  Nagtetext din siya kay April kung nakikita nito si Leonanrd.  I also tried finding him in Facebook.  But of course, she can’t.  She doesn’t even know his last name.  Tanga na kung tanga, pero ano ba ang magagawa niya?  Hindi naman niya naisip n’ong mga panahon na iyon na tanungin ang buong pangalan ng lalaki.  Hindi naman niya akalaing magkaka-interes pala siya rito.

“Ano bang apelyido niyang Leonard na ‘yan?  Baka kilala ko,” sabi ng kaniyang kaibigan at tumawa pa ito.

“Iyon na nga ang mas matindi kong problema eh.  Hindi ko kasi alam.”

“Ayy nako naman, girl!  Ang shunga mo rin, ‘no?  Paano mo siya mahahanap kung hindi mo naman pala alam ang apelyido niya?  Mag-move on ka na lang.  Marami namang nagkakagusto sa ‘yo diyan.  Sila na lang.”

Marahil tama nga si Lira.  Dapat ay mag-move on na lang siya.  Maraming taon na rin naman ang nakalipas.  Maraming taon na ang kaniya sinayang para lamang hanapin si Leonard.  Hindi na nga rin malinaw sa kaniyang isipan ang itsura ng lalaki.  Pero ewan niya ba.  Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit sinasayang niya ang oras niya sa paghahanap kay Leonard na imposible nang makita niya pa.  

She sighed.  “Hayaan na nga.  Tara na, Lira, baka ma-late pa tayo sa next class natin.  Teka, anong oras na ba?” tanong niya sa kaniyang kaibigan.

“10:27,” tugon naman nito.

Nanlaki ang mga mata ni Mellisa sa sinagot nito.  “Hoy, ano ka ba?  10:30 ang next class natin.  Let’s go!”

Tumakbo siya hila-hila ang kaniyang kaibigan papunta sa classroom nila.  Nasa fourth floor iyon.

They were running on the last staircase when someone bumped into her.  She got mad, of course.  Naiinis siya dahil nagmamadali na nga sila, may hinayupak pa na humadlang.

Nilingon niya ito nang may nanlilisik na mga mata dahil sa galit.  Lalaki pala.  Bwisit.      

“Aray naman!  Bakit ka ba nangbabangga, ha?!” bulalas niya sa lalaki.

“Anong nangbabangga?  Bukod sa nakaharang kayo sa daan, hindi pa ninyo tinitingnan ang dinaraanan niyo, annoying girl!” tugon naman ng lalaki.

“Anong annoying girl?!  Peste ka!  At kami pa talaga ang nakaharang sa daan?  Kita mong nagmamadali kami.”  Kapal ng mukha.

“Mell, ‘wag ka na muna makipagbangayan diyan.  Late na tayo, oh,” bulong ni Lira sa kaniya.

Mellisa rolled her eyes on the guy.  “Tabi!” sigaw niya rito sabay hila niyang muli kay Lira.

Tumakbo ulit sila nang mabilis hanggang sa makarating na sila classroom nila.  Ngunit sa kasamaang-palad, sarado na iyon.  Ibig sabihin, nasa loob na ang professor nila at hindi na sila pwedeng pumasok.

Sa kasamaang-palad, sira na ang buhay ko dahil sa kasamaan ng lalaking iyon!

“Ah!  Nakakainis talaga ‘yong lalaking iyon!  Dahil sa kaniya, na-late tayo!”  Napasabunot siya sa kaniyang buhok.  “Nakakainis talaga!

“Ano ka ba, girl.  Hayaan mo na.  Ngayon lang naman tayo aabsent eh.  At saka okay lang ‘yan.  Buti ka pa nga nadikitan mo siya.  Eh ‘yong ibang mga babae diyan, gagawin ang lahat makadikit lang sa kaniya,” sabi ni Lira.

Nilingon niya ang kaniyang kaibigan habang nakabusangot pa rin ang mukha niya.  “Ha?  Ano’ng pinagsasasabi mo diyan?”

Nanlaki ang mata ng kaniyang kaibigan.  “Wait, hindi mo kilala ang nakabangga mo kanina?”

Tumaas ang kilay niya sa tanong ng kaibigan niya.  “Hindi.  At wala akong balak na alamin,” aniya.

“Hay nako!  Kaya naman pala ganiyan ka sa kaniya dahil hindi mo siya kilala.  Siya lang naman po ang campus crush dito.  Maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya dahil sa kaniyang katalinuhan, talent, an gang kaniyang angking kagwapuhan.  He’s no other than Ian Cruz.  May nakapagsabi nga sa akin na may karugtong pa ‘yong pangalan niya, kaso ‘di na raw nito ginagamit.  No one knows why,” litanya nito sa kaniya.  Her rolled eyes on her.  “Ang tagal-tagal mo na rito sa school natin, hindi mo pa siya kilala.  Ano ka ba naman, girl!”

She also rolled her eyes on her friend.  “Wala akong pakialam kung ano man ang tunay niyang pangalan, as much as I don’t care who he is!  At hindi ako kailanman daragdag sa mga tangang babaeng nagkakagusto sa kaniya!”

Tinawanan siya ng kaniyang kaibigan.  “Sigurado ka ba diyan?  Sana lang hindi mo kainin lahat ng sinabi mo.”

Tinaasan niya ito ng kilay.  “Hindi naman iyon pagkain, ‘no!”

“Hmmm…we’ll see.”  And her friend gave her a smirk.  Creepy.

“’Tsura mo, ha!  May pa ‘we’ll see, we’ll see’ ka pang nalalaman diyan.  Tara na nga.  Kain na lang tayo sa canteen.

Kasalukuyan silang nakapila canteen para bumili ng pagkain.  Pang-apat sila sa pila.  At dahil upon ordering ang pagluluto ng pagkain, nagkwentuhan muna si Mellisa at si Lira.  Paminsan-minsan ay naisisingit pa ng kaniyang kaibigan ang pagkukwento tungkol kay James.

“Nirereto mo ba ako sa kaniya?  Please lang ha, hindi kami close,” sabi niya rito.

“Ito naman!  Nagkukwento lang naman ako,” tugon ni Lira.

“Manang, pabili nga po ng chicken!”

Lumingon si Mellisa sa lalaking sumigaw.  Awtomatikong tumaas ang kaniyang kilay nang makilala kung sino iyon.  Hanggang dito ba naman?  Lalo pang umarko ang kilay niya sa kadahilanang nasa hulihan ito ng pila ngunit umo-order na ito.  Hindi na naman niya napigilan ang kaniyang sarili.

“Hoy!  Mahiya ka naman sa aming mga nakapila.  Bawal ang singit, mabaho!” sigaw niya sa lalaki.

“Hindi, okay lang naman sa amin,” sabi ng babae sa likod ni Lira.

“Oo nga.  Okay lang din sa akin, Kuya Ian.  Sige, bili ka na ng food mo,” sabi naman ng nasa unahan ko.

Lalong tumaas ang kilay ni Mellisa.  Tila umabot na iyon sa bubong ng canteen.  Ang tanga talaga ng mga nagkakagusto rito!  Sila na nga ang sinisingitan, tapos okay lang sa kanila?  What the heck?!

Tinignan niyang muli ang lalaki.  Nakangiti naman ito nang nakakaloka sa kaniya.  She rolled her eyes on him.

“Nakakainis talaga!  Peste talaga siya!  Ano bang problema niya sa akin, ha?  Lagi na lang siyang nang-iinis!” litanya niya nang makaupo na sila para kumain.

“Relax ka nga lang diyan, Mell.  At saka isa pa, wala naman siyang problema sa ‘yo.  Sadyang inis ka lang talaga sa kaniya.  Kaya sa tuwing nagkakasalubong ang landas niyo, nanggagalaiti ka,” tugon naman ng kaibigan niya.

“Whatever!  Basta, hindi ko siya gusto, at hindi ko siya magugustuhan kahit kalian!”

Napa-hagikhik bigla ang kaniyang kaibigan.  “Baka naman siya ang may gusto sa ‘yo.”

Tinignan niya ito nang masama.  Her friend just raised two hands while still laughing at her.  Mellisa rolled her eyes.

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon