PROLOGUE

422 10 2
                                    

PROLOGUE

"Mellisa, alas siyete na oh.  Baka hinihintay ka na ng Ninang mo sa kanto.  Bilisan mo na diyan," sigaw ng kaniyang ina mula sa labas ng kwarto niya.

"Opo, ‘Ma.  Sandali na lang po ito.”

Sasama si Mell na mag-swimming sa kaniyang Ninang Cora kasama ng iba pa nitong mga kaibigan.  Napakabait ng Ninang niya dahil lagi siya nitong isinasama sa mga lakad nito.  Ngunit, kaniyang hinihiling na sana ay makasama rin ang kaniyang kaibigan na si April dahil matanda na ang Ninang niya at ang mga kasama nito.  At least she has someone to accompany with when April is arounMatapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit ay nagpaalam na siya sa kaniyang ina.  Sumakay na siya ng tricycle para mas madali siyang makarating sa kinaroroonan ng kaniyang Ninang.  Pagkaraan lamang ng limang minuto ay kaagad niyang nakita ang sasakyan nito at kaniyang nilapitan.

"Good morning po, Ninang!" bati niya rito nang pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan.

"Good morning din, Mellisa.  Oh, sa likod ka na sumakay.  Tabi kayo ni April.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.  Hindi niya akalaing matutupad ang kaniyang hiling na makasama ang kaniyang kaibigan.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng sasakyan.  At doon nga ay naabutan niyang ngiting-ngiti ang kaniyang kaibigan.

"April!  ‘Buti nakasama ka?" tanong niya rito.

"Oo nga eh.  Excited na ako!"

"Saan nga raw pala tayo magsi-swimming?  Sa Monte Vista ulit?"

Iyon kasi ang palagi nilang pinupuntahan.  Nakasanayan na niya iyon.

"Hindi.  Sa Makiling Highlands Resort daw, eh." sagot ni April sa kaniya.

"Wow!  Mabuti naman sa ibang lugar naman tayo ngayon.  Excited na rin ako!" aniya.

Tuwang-tuwa talaga si Mell sa nabalitaan niya na sa ibang lugar naman sila magsi-swimming.  Bagong adventures na naman ang mararanasan nila ng kaniyang kaibigan.

"Ako nga rin eh!" tugon naman ng kaniyang kaibigan.

Habang patuloy na nagmamaneho ang kaniyang Ninang patungo sa Makiling Highlands, silang dalawa ni April ay nagkwentuhan muna.  Matagal din silang hindi nagkita at ngayon ang tamang oras para magkwentuhan dahil maya-maya lang ay magpapakasaya na sila.

"Wow!  Private pool pala tayo eh.  Ang ganda naman dito," sabi ni Mell nang makarating na sila sa Makiling Highlands.

May dalawang pool sila roon, isang pambata at isang pangmatanda.

"Mell, tara na dali!  Ipasok na natin itong mga gamit natin para makapagbihis na tayo," sabi naman ni April.

Dinala na nga nilang dalawa sa kwarto ang mga gamit nila.  Maraming higaan doon sa kwarto nila.  Nasa sampung double deck ang mga iyon.  Tama lang naman iyon sa kanila dahil marami silang makakasama roon.

Pinalitan na rin nila ang kanilang mga suot ng bathing suit na dala nila.  The two of them were always like that when it comes to swimming.  They were just so excited and happy. They love being in the pool.

Nang makarating na sila sa swimming pool ay lumublob kaagad sila roon.  Lahat ng masasayang bagay ay ginawa nila roon.  They spent their day in the pool.  Lunch and dinner lamang ang pahinga ng dalawang magkaibigan.  Hindi uso sa kanila ang pulikat.  Sa katunayan ay inabot na sila ng gabi roon na sila na lamang ang natitira.  Ang iba nilang mga kasamahan ay kung hindi naman mga tulog na, nasa videoke area ang mga ito ng Makiling Highlands.

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon