Papasok na si Mellisa sa gate ng university nila nang may bigla na lang humarang sa dinadaanan niya. Tinignan niya ito nang may pagtataka.
“Hi, Mell. This is for you,” bati nito sabay abot ng isang bungkos ng mga bulaklak.
She sighed. “Salamat dito, Nate, pero alam mo naman na hindi mo ako madadaan sa pabigay-bigay mo ng flowers,” aniya rito.
“Chocolates, you like? Haharanahin ka ng banda namin, gusto mo iyon? O ipagsigawan ko kaya sa buong campus na mahal na mahal kita? Anything for you, Mellisa. Handa akong gawin ang lahat mapasaakin ka lang.”
Napangiwi siya sa sinabi nito. “Nate, I know that you’re a good person. Gwapo ka, talentado, mayaman, at mabait. Marami ang pwedeng magkagusto sa ‘yo diyan. Hindi mo kailangang ubusin ang oras mo sa akin dahil wala pa sa plano ko ang magka-boyfriend.
Ngumiti ito. “Handa akong maghintay hanggang sa maging ready ka na.”
“Ang kulit mo naman, Nate, eh. Diyan ka na nga!” Tinalikuran na niya ang lalaki at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng campus.
“Mellisa, saglit lang naman! Pagbigyan mo na ako!” narinig niya pang sigaw nito ngunit hindi na niya ito nilingon.
Lumakad lang siya nang lumakad hanggang sa makarating siya sa gymnasium. Doon ang first class nila ngayong araw.
“Hi.”
Lumingon siya sa nagsalita. Napabuntong-hininga na naman siya.
“Anong ginagawa mo rito, John? May kailangan ka ba?”
Ngumiti ito. “Wala naman. I just want to give these to you,” anito sabay abot ng tatlong kahon ng tsokolate.
Gusto pa ata nitong magkasakit ako.
“John, thank you, pero sana last mo na ‘to ng pagbibigay ng chocolates or any thing sa akin, ha? Wala kasi akong balak magka-boyfriend sa ngayon. Nagsasayang ka lang ng time, money, and effort. So, sige na. Pumunta ka na sa klase mo. Thank you,” sabi niya rito sabay talikod niya. Hindi na niya hintay na makasagot ito para hindi na humaba pa ang usapan.
“Ang lakas mo namang mambasted! Ikinaganda mo ‘yan?”
“Ayy, tipaklong!” Nilingon niya ang taong dahilan ng pagkagulat niya. Inirapan niya ito. Bakit nga ba napapadalas ang pagtatagpo ng landas nila? Nakakainis na, ha!
“Tinanggap mo nga ‘yong binigay niya, binasted mo naman. Lakas!” dagdag pa nito.
“At least I said thank you. At saka ano bang pakialam mo?! Ano bang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?”
"Ang lakas mo naman makapangbasted! Ikinaganda mo na yan?"
“Wow, ha! Ang confidence mo, ‘di na ma-reach! Wala kang pakialam kung nandito ako. Bakit, iyo ba itong gym?”
“Nakakagigil ka talaga! Ang galing mong manira ng araw! Diyan ka na nga, peste!” Tinalikuran niya ito, at dumiretso na siya papunta sa P.E class nila.
Nakita niya si Lira at ang iba pa niyang mga kaklase na nakaupo sa bleachers ng naturang gym. Actually, special class lang itong P.E class nila kaya mayroon silang mga kaklase na hindi naman nila kapareho ng kurso.
Nilapitan niya si Lira. “Ano bang gagawin natin ngayon?” tanong niya rito nang makaupo rin siya sa bleacher.
“Swimming daw eh.”
“Wow! Talaga? Nice, makakapag-swimming na ulit ako.”
Her friend gave her a sad look. “May problema,” anito.

BINABASA MO ANG
I'll Swim To your Heart
Genç Kurgu"I just met him on the pool one day. Isang araw na nagpabago sa takbo ng buhay ko." -Mellisa Please do grab a copy of my novel entitled, "Chances", which is published under Precious Hearts Romances. Thankiiee, guys! :*