“Ian Cruz lang ba talaga ang pangalan mo?” tanong ni Mellisa kay Ian.
Nang marinig niya ang kwento nito, may ideyang pumasok sa isipan niya. Maaaring magkaparehas lang sila ng kwento, ngunit hindi rin namang imposible na maging totoo ang hinala niya. Hindi kaya…?
“Hin—”
Sasagutin pa lamang ng lalaki ang tanong niya nang biglang may babaeng humawak sa balikat ni Ian. Napalingon silang dalawa sa babaeng iyon.
“Oh my God, Ian! Dito rin pala ang outing niyo? Wow! So, pwede nap ala tayong magkasama.”
“Tania…”
“I’m so happy talaga, Ian!” sabi pa ng babae at biglang yumakap pa kay Ian.
Parang linta. Nakakainis! Teka, bakit ako naiinis?, tanong niya sa kaniyang sarili. Inalog ni Mell ang ulo niya para hindi na niya isipin iyon.
Pinakatitigan ni Mellisa ang babae na nagngangalang Tania mula ulo hanggang paa. Maganda si Tania, maputi, matangkad, at mukhang mayaman. Hula ni Mell ay maarte ang babae. Kung kumilos, hindi man lang mahiya! Parang wala ako rito.
“Kayo pala ang pamilya na kasabay naming nagpa-reserve rito,” sabi ni Ian sa babae.
“Yes,” sagot ni Tania. “At siguro naman ay pwede ka na sumama sa reunion naming tutal nasa iisang beach lang naman tayo,” sabi pa nito at patuloy pa rin itong nakayakap sa lalaki.
Pinakinggan niya lang ang pag-uusap ng dalawa. Tila ba nakalimutan na siya ng mga ito.
“Hindi pa rin pwede. Ako ang head ng activity na ‘to, kaya kailangan na lagi nila akong kasama. Oh, I forgot, Tania, this is Mell, my schoolmate,” pakilala ni Ian sa kaniya sa babae.
“Hi,” bati ng babae sa kaniya ngunit may kasamang pag-irap.
Sabunutan ko kaya ‘to? “Hi,” bati niya rin dito.
“Look, Tania, maaga pa kasi kami bukas. Kung ako sa ‘yo, magpahinga ka na rin,” sabi ni Ian kay kaniya at pagkatapos ay sa kaniya naman bumaling ang lalaki. “Let’s go, Mell. Magpahinga na rin tayo,” sabi nito sa kaniya at sabay lumakad na. Sumunod na lang siya rito.
“B-but Ian…” protesta pa ni Tania.
“Take a rest, Tania,” tugon ni Ian sa babae nang hindi lumilingon.
Nakarating sila sa tapat ng hilera ng mga kwarto nila. Nandoon lang sila sa tapat, at hin pa sila pumapasok sa loob. Nagpapakiramdaman lang silang dalawa.
“Ahm, Ian, pasok na ‘ko,” sabi niya sa lalaki sabay lakad niya palapit sa pintuan ng kwarto niya.
“Mell…”
Napalingon siya kay Ian. “Yes?” tanong niya rito.
“Ah, wala. Goodnight,” tugon na lang ng lalaki saka diretsong pumasok sa kwarto nito.
Anong problema n’on?
Maagang nagising si Mellisa nang araw na iyon. Hindi kasi siya makatulog nang maayos. Siguro ay namamahay lamang siya.
Lumabas siya ng kanilang kwarto para magpahangin muna. Pumunta uli siya sa kubo na pinagtambayan nila ni Ian kagabi. Seven AM pa lamang ng umaga. Nine AM pa naman ang simula ng training nila sa paglangoy.
Umupo siya roon. Muli na naman niyang naisip ang nangyari kagabi. Posible kaya na si Ian at Leonanrd ay iisa? Hindi. Imposible mangyari iyon. Ang alam niya ay hindi marunong lumangoy si Leonard. Kabaligtaran ito ni Ian na napakalagaling naman sa larangang iyon. At saka pangalan pa lang ay magkaiba na sila.
BINABASA MO ANG
I'll Swim To your Heart
Fiksi Remaja"I just met him on the pool one day. Isang araw na nagpabago sa takbo ng buhay ko." -Mellisa Please do grab a copy of my novel entitled, "Chances", which is published under Precious Hearts Romances. Thankiiee, guys! :*