Part Eleven - Swim your thoughts

69 1 0
                                    

"Matagal-tagal na rin ang lumipas no'ng huli kitang makasama sa swimming.  Masaya ako na pumayag kang sumama sa amin ngayon," sabi ng Ninang ni Mellisa.

Binigyan niya lamang ito ng ngiti at pagkatapos ay tumingin siya sa labas ng sasakyan.

Mahabang panahon na nga ang nakalipas, ngunit batid ni Mellisa ang bilis ng takbo ng panahon.  Marahil ay dahil sa paghahanap niya sa isang tao na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin natatagpuan.

Silang dalawa lang ng kaniyang Ninang ang nasa sasakyan.  Ang Ninang niya ang nagmamaneho ng sasakyan, samantalang siya naman ang nasa tabi nito.

Napalingon siya sa likod.  Naaalala niyang iyon dati ang pwesto nila ng kaibigan niyang si April.  They were having fun at the back seat.  She wonders what her friend is doing right at this moment.

Binalik na niya ang tingin niya sa harapan.  Nararamdaman na niyang malapit na sila sa kanilang pupuntahan.

"Anong iniisip mo?"

Napalingon si Mellisa sa Ninang Cora niya.  Nakangiti ito ngunit diretso pa rin ang tingin nito sa daan.

"Wala naman po," tugon niya.

Nilingon siya nito saglit, pero binalik rin kaagad ang tingin sa daan.  "Alam kong meron.  Sige na, sabihin mo na sa akin."

Bumuntong-hininga si Mellisa bago siya magsalita.  "Alam niyo po, hindi ko pa rin po talaga lubos maisip kung totoo ngang nakilala ko si Leonard.  Walang kahit isa sa inyo ang nakakakilala sa kaniya."

"Mell, hindi rin naman ako sigurado kung hindi ko nga siya kilala.  May ibang bata rin naman tayong kasama noong huling beses kang sumama sa swimming namin.  Siguro ay hindi ko lang nakausap iyong Leonard na sinasabi mo kaya hindi ko siya maalala."

"May sinabi po siyang pangalan ng kasama niya dati pero hindi ko pop matandaan kung sino iyon.  Baka po apo o inaanak rin po siya ng isa sa mga kaibigan mo, Ninang."

"Posible nga iyang sinasabi mo.  'Wag kang mag-alala.  Iyong mga kasama nating mga kaibigan ko noon, sila pa rin ang kasama natin ngayon.  Pwede natin silang tanungin mamaya," anito at lumingon sa kaniya para ngumiti.  "Nandito na tayo."

Napalingon si Mellisa sa unahan.  Nanlaki ang mata niya.  Bumabalik sa kaniya ang lahat ng ala-ala.

Bumaba siya ng sasakyan.  Umakyat siya ng hagdan papunta sa private pool.  Doon mas lalong bumalik sa kaniya ang lahat ng nangyari noon.  Nagulat na lang siya nang may tumapik sa balikat niya.

"Are you okay, Mell?"

Lumingon siya.  Napabuga siya ng hangin mula sa malalim na paghinga.  "Okay lang po."

Nakatingin lamang si Mellisa sa pool kung saan niya nakilala si Leonard habang ang iba ay kumakain ng hapunan.  Nagbalik na naman sa kaniya ang ala-ala kung saan ang muntikang pagkalunod ni Leonard ang dahilan kung bakit sila nagkakilala.

She's trying to analyze everything.  Ang muntikang pagkalunod, hindi niya ito nakita noong una, walang matandaan ang Ninang niya at ang kaibigan niya tungkol sa lalaki, lahat, parang panaginip.

Natutop niya ang kaniyang bibig nang may mapagtanto.  Ayaw niyang isipin na maaaring gano'n nga ang dahilan kung bakit hindi niya mahanap-hanap ang lalaki.

Maybe Leonard was already dead when she met him.  Marahil ay nagparamdam sa kaniya ito noong mga panahon na iyon.

Hindi maiwasan ni Mellisa nang tumayo ang kaniyang mga balahibo.  No.  Napaatras siya palayo sa pool.  No.  Naiiyak na siya.  Pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na isipin ang bagay na iyon ngunit hindi mawala sa kaniyang isip ang itsura ni Leonard na duguan ang mukha.  No.  Napahakbang muli siya patalikod.

Patuloy siyang umaatras hanggang sa may nabunggo siya.  Nanigas siya sa kinatatayuan niya.  Ayaw niyang lumingon dahil natatakot siya.

Ngunit sa kasamaang-palad ay pilit siyang pinapaharap ng kung sinumang nasa likuran niya.  Nang makaharap niya ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata.

Biglang nag-flash ang mukha ni Leonard.  Mabilis siyang napaatras.  Nakarating siya sa gilid ng pool hanggang sa hindi na niya nabalanse ang kaniyang katawan.

Naramdaman na niya ang akmang pagbagsak niya sa tubig, ngunit mabuti na lamang ay naiwasan iyon ng lalaki.  Hinila siya nito patayo hanggang sa mapayakap siya sa katawan nito.

Mabilis ang paghinga ni Mellisa sa pagkakataong iyon.  Mahigpit ang kapit niya sa damit ng lalaking nasa harapan niya.

"Ayos ka lang?"

Tumaas ang tingin niya sa lalaki.  Hindi niya napigilan ang mga luha niyang dumaloy sa kaniyang pisngi.  "Ian..."


*************************

This is also available on Booklat.


—Please do grab a copy of my novel entitled, "Chances", which is published under Precious Hearts Romances. Thankiiee! :*

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon