Titirahin na ng kabilang grupo ang bola. Kailangan nilang manalo. Iyong ang nasa isip ngayon ni Mellisa. Dahil kung hindi mangyayari iyon, may consequence na katapat.
We need to win this game.
Hindi mahilig maglaro si Mell ng volleyball. Sa totoo lang ay hindi talaga siya marunong maglaro ng kahit na anong ball games. Ngunit kailangan nilang manalo ng mga kagrupo niya. She will give her best. Kapag natalo sila, siya na naman ang pagbubuntunan ni Ian at kung anu-ano na naman ang ipagagawa sa kaniya.
She won’t allow that.
Tinira na ng kabilang grupo ang bola. Tinatantya nila ang direksyong pupuntahan ng bola. Hindi niya napaghandaan ang pagkakataong iyon. Papunta sa kaniya ang bola.
Oh, no!
Pakiramdam niya ang naka-slow motion ang lahat. Mula sa magkalaban na grupo, mga nanunuod, ang bola…lahat.
“Mell, tirahin mo!” sigaw ng kagrupo niya.
Twelve-inch far. She braced herself.
“Mell!”
Ang akala niya ay natira niya ang bola. Narinig niya ang sigawan ng mga estudyante roon. Nilapitan siya ng mga ito. Blurred ang mga ito sa paningin niya. The last thing she knew, everything went black.
Idinilat niya ang mga mata niya. Inikot niya ang paningin niya sa kaniyang kinaroroonan. All white…every thing was colored into white.
Is this heaven? Kinusot niya ang mga mata niya. Tanga! Ang lakas mo mag-joke, Mell. Hindi bagay sa ‘yo, aniya sa kaniyang isip.
Bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa niyon si Lira. Nanlaki ang mata ng kaibigan niya nang makita siya.
“Mell!” Kaagad itong lumapit sa kaniya. “Are you okay? May masakit ba sa ‘yo? Anong kailangan mo? Sabihin mo sa akin. Bakit hindi ka nagsasalita? I think I need to call a doctor! Mell, speak to me!”
Tiningnan niya nang masama ang kaniyang kaibigan. “Paano naman ako makakapagsalita, eh ayaw mong tumigil sa kakasalita diyan.”
Ngumuso ito sa kaniya. Hindi bagay. Ang sarap hampasin ng lampshade, sa isip-isip niya. “Nag-alala lang naman ako sa ‘yo. Kanina ka pa kasi hindi gumigising,” sabi ni Lira.
Napakunot ang noo niya. “Why? What happened?”
“Natamaan ka ng bola sa ulo. You don’t remember?”
Saka niya lang naalala ang lahat. “What time is it?” tanong niya rito.
“Ten PM na.”
Nagulat siya. “Gano’n ako katagal nakatulog? Simula umaga hanggang gabi?”
“Yes.” Tumango pa ang kaniyang kaibigan. “At maghapon ka rin niyang binantayan.”
Nalukot na naman ang noo ni Mellisa. Hindi niya naintindihan ang huling sinabi ng kaniyang kaibigan. “Ha?”
Ngumiti ito. “Si Ian, siya ang nagbantay at nag-alaga sa ‘yo. Kaaalis niya lang kanina about fifteen minutes ago.”
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “No way! That’s impossible.”
“Possible, my dear. He already did.”
Utang na loob, she owe him one.
Pwede bang utang na labas na lang?
Hindi malaman ni Mellisa kung tama ba ang gagawin niya. Ngunit hindi na siya makakaatras pa dahil naroon na siya sa tapat ng kwarto ni Ian.
Kumatok siya. Nakaka-tatlong katok pa lamang siya ay bumukas na ang pintuan. Iniluwa niyon ang isa sa mga kasamahan ni Ian sa swimming team.
“Oh, Mellisa, ayos ka na ba?” tanong nito sa kaniya.
Nginitian niya ito. “Yes, I’m fine. Thank you for asking.”
“Ano nga pala ang sadya mo rito?”
“Nariyan ba si Ian?” nahihiya niyang tanong.
Ngumiti lang ang lalaki. Iyong ngiti na tipong nang-aasar. Anong problema nito? Akala niya pa naman ay mabait ito, pero bakit parang ipinaparamdam nito sa kaniya na kalokohan ang pagpunta niya roon?
Tinalikuran siya nito at saka isinara ang pinto.
Did he just…did he shut the door? Maybe he just closed it…but he fucking shut the door in front of my face! bulalas niya sa kaniyang isipan.
Oh, my God! I can’t believe it. Akala niya pa naman ay nag-alala ito sa kaniya kanina dahil nagtanong ito kung ayos nab a siya, ngunit pakitang-tao lang pala nito iyon. Bigla siyang nakaramdam ng matinding inis.
Naglakad na lamang si Mellisa pabalik sa kwarto niya, ngunit hindi pa siya nakakalayo sa kwarto nila Ian ay narinig niyang bumukas uli iyon. Lumingon siya roon at iniluwa na niyon ang taong hinahanap niya.
“What are you doing here? Gabi na. Pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga,” anito.
Ito kayang lalaking ito, ayos lang? Kagigising ko lang, patutulugin uli ako? Lupit!
Isasara na sana ni Ian ang pinto pero pinigilan niya iyon. “Wait. Gusto ko lang sana magpasalamat sa pagbabantay mo sa akin kanina.”
“I did not,” tugon ng lalaki at mabilis na isinara ang pintuan.
Kinalampag ni Mell ang pintuan ng kwarto nito. Wala siyang pakialam kung makabulahaw man siya ng mga natutulog. Sobra na kasi ang inis na nararamdaman niya.
Binuksang muli ng lalaki ang pinto. This time, magkasalubong na ang mga kilay nito. Ginantihan rin ito ni Mellisa sa mas lukot na kilay.
“What?!” singhal ng lalaki sa kaniya.
“Anong hindi binantayan? Kasasabi lang sa akin ni Lira na ikaw daw ang nagbantay at nag-alaga sa akin.”
Naihilamaos ni Ian ang mga kamay sa mukha. “Okay, I did. Ayos na? Now, go to your room,” anito.
Tinalikuran na siya ng lalaki. Hindi niya hinayaan itong tuluyang makaalis kaya hinawakan niya ang braso ng lalaki para pigilan. Hinila niya ito palabas ng kwarto.
“Ano bang problema mo? Naglakas-loob na nga akong puntahan ka rito para lang magpasalamat sa ‘yo, and all I can get from you and your fucking roommate is shutting the door in front of my face?! That’s absurd, Ian!” hindi niya napigilang bulalas sa lalaki.
“What’s my problem? You’re asking me what my problem is?! Okay, fine, I will tell you,” anito at lumapit pa itong lalo sa kaniya. “My problem is you.”
Nanlaki ang mata ni Mellisa. “Me? Bakit naman ako ang naging problema mo?! Wala naman akong ginagawa sa ‘yo!”
“Wala? Meron, Mellisa! And also, you are fucking stupid and fucking annoying!” sabi pa nito. Nahilamos ni Ian ang mga kamay nito sa mukha. “Dapat iniwasan mo ‘yong bola! Tignan mo tuloy ang nangyari sa ‘yo, buong araw kang walang malay! Why are you so clumsy? Pinag-alala mo kaming lahat!”
“Just because of that kaya ka nagagalit sa akin ngayon? Lagi lang naman akong nadidisgrasya kapag nasa paligid kita. Isa ka kasing peste sa buhay ko. Teka nga…” Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ng lalaki. “…nag-alala ka sa akin? Imposible! Does that mean that you care for me?”
Hindi siya sinagot ng lalaki. Tinalikuran lamang siya nito at pabagsak na isinara ang pintuan.
Can she take that as a yes? She smiled.

BINABASA MO ANG
I'll Swim To your Heart
Teen Fiction"I just met him on the pool one day. Isang araw na nagpabago sa takbo ng buhay ko." -Mellisa Please do grab a copy of my novel entitled, "Chances", which is published under Precious Hearts Romances. Thankiiee, guys! :*