Pilit kumakawala si Mellisa sa pagkakatali niya sa upuan na iyon. Napabuntong-hininga na lang siya nang hindi siya magtagumpay. Mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa katawan niya. Bukod doon, wala siyang makita dahil sa sako na nakatakip sa ulo niya.
“Seriously, uso pa ba ‘to? Korni niyo, ha!” sigaw ni Mellisa sa kawalan. Tila siya lamang ang naroroon.
Sinubukan niyang muli na makawala sa lubid na nakatali sa kaniya, pero wala pa ring nangyari. Napatigil si Mell sa kaniyang ginagawa nang makarinig siya ng mga nag-uusap.
“Where is she?”
“Nandoon po sa dulo.”
“May nakakita ba sa inyo?”
“Wala po ata, Ma’am.”
“Ata? Hindi kayo sigurado? Ang stupid niyo talaga kahit kailan!”
Natunugan niya ang boses ng isa sa nagsalita. Iyong lider ata ng mga goons na dumukot kay Mellisa. Isa iyong babae. Napairap siya nang makilala niya ang boses na iyon.
Naramdaman niya ang pagtatanggal ng sako na nasa ulo niya. She plastered a smile on her lips before the sack has been removed from her head.
Napataas ang kilay ni Tania nang makita siya. “Ikaw lang ang kilala kong na-kidnap na nga, nakangiti pa,” sabi nito.
“Oh? So, bukod sa akin, may iba ka pa palang na-kidnap? Tsk. Tsk. Sayang, maganda ka pa naman,” sabi naman niya sa babae.
Ngali-ngaling lumapit sa kaniya ang babae na tila sasabunutan siya sa sobrang inis, ngunit napatigil ito nang magsalita siyang muli.
“Well, ikaw lang naman kasi ang pumasok sa isip ko na maaaring gumawa nito sa akin, kaya hindi ako natakot. At isa pa, masasayang lang ang lakas ko kung magnganga-ngawa ako rito. Feeling ko naman, nasa pambatang show ako. Anong gusto mong gawin ko? Sumayaw? Kumanta? Tell me, little princess,” aniya sa tonong nang-aasar.
“Huwag mong pagtawanan ang kaya kong gawin sa ‘yo. Magsisisi ka lang kapag ginawa mo iyon,” tugon ni Tania.
“Pwede ba, Tania, stop this nonsense drama of yours? Nagsasayang ka lang ng oras, eh. Ano bang gusto mo? Candy? Pengeng piso, ibibili kita sa tindahan.”
Inirapan siya nito. “Una pa lang, I told you to get away from Ian! But you didn’t listen to me. Ayan tuloy ang napala mo.”
“Patayin mo na lang kaya ako kesa marinig ko iyang kaartehan mo?”
“Alam kong ikaw ang babaeng matagal nang hinahanap ni Ian, but I won’t let you take him away from me!”
Napakunot ang noo ni Mellisa sa sinabi ng babae. “What do you mean?” tanong niya rito.
“Don’t play dumb, Mellisa! Alam kong ikaw ang babaeng iyon.”
“No, I’m not.”
“Yes, you are!”
Kainis na ‘tong hinayupak na ‘to, ah! “Seriously, hindi ako iyon. Pwede ba, wala akong pakialam sa drama ninyong dalawa ni Ian.”
Napakunot na rin ang noo ni Tania. “Hindi, imposibleng hindi ikaw ang babaeng iyon, dahil simula nang dumating ka, nawalan na ng oras si Ian para sa akin.”
“But I am not that girl you are talking about, okay? Wala akong paki sa inyong dalawa. Can you untied me now, so I can go home?”
Lumapit na nang tuluyan si Tania kay Mellisa. Hinawakan niyon ang buhok niya at hinigit.
BINABASA MO ANG
I'll Swim To your Heart
Ficção Adolescente"I just met him on the pool one day. Isang araw na nagpabago sa takbo ng buhay ko." -Mellisa Please do grab a copy of my novel entitled, "Chances", which is published under Precious Hearts Romances. Thankiiee, guys! :*