Part Ten - Screw my Heart!

90 1 0
                                    

Usually, during weekends, Mellisa would go for a walk around their village or spend time with her friends.  Hindi lang naman si Lira ang kaibigan niya.  Dumaan rin naman siya sa elementary at high school.  At kung minsan, nagkikita sila ng mga kaibigan niya.  But today, she doesn’t want any of that.

Maghapong nagkulong si Mellisa sa kaniyang kwarto.  Magulo ang kaniyang isip ngayon, and she doesn’t want to mess up everything around her, so she decided to just stay in her room.

She checked her phone.  Six missed calls and nineteen text messages, how was that?  Hindi na niya tinignan kung sino ang mga tumawag at nag-text sa kaniya.  Sigurado siyang galing sa mga kaibigan niya ang mga iyon.  Hindi rin naman siya makakasama sa mga lakad ng mga ito kaya walang dahilan para sagutin niya ang mga iyon.  She heard knocks on her door.

“Mellisa…”

Tumayo siya kaagad sa kaniyang higaan para pagbuksan ang kaniyang ina.  Ngumiti ito sa kaniya nang makaharap niya ito.

“Bakit kanina ka pa hindi lumalabas diyan sa lungga mo?” tanong nito sa kaniya.

“Gusto ko lang magpahinga, ‘Ma,” tugon niya sa kaniyang ina.

“Mamaya ka na uli magpahinga,” anito sabay abot sa kaniya ng isang maliit na papel.  “Pakibili muna ang mga iyan sa grocery store.”

Binasa ni Mell ang nakasulat sa papel.  Napakunot ang noo niya.  “Para saan ang mga ito?  May handaan ba?” tanong niya sa kaniyang ina.

“Pupunta rito ang Ninang Cora mo mamaya.”

“Si Ninang lang pala ang pupunta, bakit ang dami naman ata ng mga ito?”

“May mga kasama siya.  ‘Wag nang msyadong maraming tanong.  Sige na, bilhin mo na ang mga iyan para makapagluto na ako.  Gamitin mo na muna ang card mo.  Ang Papa mo na ang bahala sa pagbabalik ng nagastos mo.”

“Can I use the car?”

“No,” mabilis na sagot ng kaniyang ina.  “Malapit lang naman ang pupuntahan mo.  Mag-tricycle ka na lang.”

“Fine.  Magbibihis lang ako,” aniya at saka pumasok muli sa kaniyang silid.

She wears her usual going-to-grocery-store outfit.  A hoodie, maong shorts, and her rubber shoes can describe her mood for today…indescribable.  Ipinapanalangin na lang ni Mellisa na hindi iyon umabot hanggang sa magkita sila ng Ninang niya.

           

Pakiramdam ni Mellisa ay isa siyang zombie habang naglalakad sa grocery store.  Hanggang doon ba naman ay dinadalaw siya ni Ian sa kaniyang isipan.

She placed the pasta on her basket.  Hindi niya alam kung tama ba ang mga pinamimili niya dahil hindi na niya magawang tumingin pa sa listahan na binigay ng kaniyang ina.  Sa tingin niya nga ay naihulog na niya iyon sa kung saan kanina.

“Good afternoon, Ma’am!  Do you want to try our hotdogs?  Masarap po ito,” biglang sulpot ng isang lalaking promodizer sa harap niya.

Tiningnan niya ito nang masama.  “Anong paki ko sa hotdog mo?!” bulalas niya rito.  Wala siya sa mood makipag-usap sa kung sinoman.

“Sorry po, Ma’am.  Baka lang po gus—”

Hindi na niya hinintay pang matapos ang sinasabi ng promodizer.  Tinalikuran na niya iyon.  Hinanap niya na lang ang mga kailangan niya pang bilhin.

May kumalabit sa kaniya.  Hindi na siya nag-abala pa na lingunin iyon.  Sigurado siyang ang promodizer na naman iyon.

“I’m not really interested with your hotdog,” aniya at inilagay ang dalwang bote ng mushrooms sa basket niya.

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon