Part Thirteen - I want you now.

79 4 0
                                    

Inilahad ni Ian ang kamay nito kay Mellisa. Tinanggap iyon ng babae at ngumiti sa lalaki. Simula ng tagpong iyon sa Makiling Highlands, nagbago na ang lahat sa pagitan nila ni Ian.

Ngumiti si Mellisa sa lalaki. "Nag-iba na ba ang desisyon mo ngayong natagpuan mo na ako?" tudyo niya kay Ian. Nagtaas-baba pa ang mga kilay niya.

Napapa-iling at natatawa na lang sa kaniya ang lalaki. "Sa tingin mo ba ay pakakawalan pa kita? Ang tagal kong naghintay sa 'yo, pigil na pigil na nga akong umibig ng iba, hindi ko na talaga palalagpasin ang pagkakataong ito," tugon nito at kumindat pa sa kaniya.

Hinampas niya pa ang lalaki na para bang sobrang kilig na kilig siya. "Mahal mo ba ako?" tanong niya rito.

Alam ni Mellisa na hindi iyon ang tamang panahon para tanungin niya ang lalaki tungkol sa bagay na iyon. Nagbabaka-sakali lamang siya kung masagot iyon nang maayos ng lalaki.

Nagulat na lang si Mell nang hawakan ni Ian ang mukha niya. Napakalapit nila sa isa't isa. Mataman itong nakatingin sa kaniya.

"Oo, mahal kita. Minahal kita kahit hindi kita araw-araw na nakikita. I've always love you from the very first time I met you. Hindi nawala iyon sa paglipas ng panahon. At mamahalin pa rin kita kahit hindi kita nakilala noon. Tadhana na ang nagtakda kung bakit tayo magkaharap ngayon. If this is the first time we met, I know that I will fall in love with you. You're a very special person, Mell. Gago na lang hindi magmahal sa 'yo."

Walang mapaglagyan ang saya ni Harmony, katulad na lang ng ngiti niyang abot hanggang kabilang mundo. Exagerrated man, ngunit iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"Tama na. Naiihi na ako sa kilig," tugon niya sa lalaki.

Tumawa lang si Ian. Maya-maya pa ay lalo nitong inilapit ang mukha nito sa kaniya. He kissed her lips like it was made just for him. It was magical, like Sleeping Beauty, Cinderella, Snow White and the Seven Dwarfs, Aladdin, and nothing can stop them to love each other.

Naglakad si Mellisa at Ian habang magkahawak ang mga kamay nila papasok sa unibersidad na pinapasukan nila. They were walking and smiling like crazy people.

Napatigil sila sa paglalakad nang makasalubong nila ang kaibigan ni Mellisa na si Lira. Titig na titig ito sa kanilang dalawa.

Iwinagayway ni Mell ang kamay niya sa harap ng kaibigan. "Hoy, Lira! Na-ano ka riyan?"

Doon lamang tila nakabalik sa kasalukuyan ang kaniyang kaibigan. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Ian, tapos ay sa kamay nilang dalawa.

"Bakit magkasama kayo?" tanong nito tapos ay tumingin namang muli sa magkahawak na mga kamay nilang dalawa ni Ian. "At saka bakit magka-holding hands kayo?"

Ngumiti siya sa kaibigan niya. "Ipinakikilala ko nga pala sa 'yo si Leonard na mas kilala ng lahat bilang Ian."

Napanganga ang babae. "Da ef? Paano nangyari iyon? Bakit hindi mo man lang siya nakilala no'ng una mo siyang makaharap rito sa school?"

"Lira naman, ang tagal na no'ng huli kaming nagkita. Malamang na nagbago na ang itsura niya. Sobrang bata pa namin noon," tugon ni Mellisa rito.

"Sabagay," sambit ng kaniyang kaibigan. "Teka nga pala, paano niyo nalaman na kayo 'yong mga batang nagkakilala dati?"

Ngumiti si Mell at nilingon niya si Ian. Nakangiti rin sa kaniya ang lalaki at kinindatan pa siya nito.

Ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Lira. "Hindi lahat ng bagay inaasa sa tadhana, Lira. Pareho naming hinanap ang isa't isa, at ang mga puso namin ang gumawa ng paraan para muli kaming magtagpong dalawa."

Napangiwi si Lira dahil sa sinabi ni Mellisa. "Nyaks! Kadiri naman, Mell. Nagkita lang kayong dalawa, ganyan ka na magsalita. Simpleng tanong lang naman ang binigay ko sa 'yo, kasing lagkit naman ng kakanin ang sagot mo," litanya nito at nilagpasan na silang dalawa ni Ian.

Natawa na lang siya sa kaniyang kaibigan. Sinipat niyang muli ng tingin ang kamay nilang dalawa ni Ian. Labis ang tuwa niya ngayong may nobyo na siya.

That was her fantasy when she was in high school. At nang mag-kolehiyo siya ay paminsan-minsan ay naiisip niya pa rin kung pwede pang mangyari sa kaniya iyon. One example is to bump into someone who will be her so called forever-a man who can be with her anytime, a man who will cherish her, a man who will love her. Ngunit lagi na siyang naglalakad pauwi ng kanilang tahanan para maging posible ang bagay na iyon, pero hindi nangyayari. And she was actually walking at night. So, posibleng ang makabungguan niya ay kung hindi isang masamang tao, isang tambay. And so, she guessed that she have to live with that-to be alone. She set her mind on being single. She shrugged. Ngunit kung ganoon ang mindset niya, hindi niya pa rin ipinagsasawalang-bahala ang paghahanap kay Leonard. At ngayong nahanap na niya ang lalaki, all she could dream about is their future.

***

I'll Swim To your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon