Chapter 16

381 12 0
                                    

Marga
The Doctor’s Hospital, Singapore.
Exactly one year and half after I arrived here in Singapore, my doctor’s talked to me and to my parent’s. They told them that my cancer spread to my lymp nodes. And the tumor could possibly occurred again.
Hinipo ko ang kaliwang dibdib ko, kung saan ako inoperahan. Nanlumo ako. After so many sessions of radiation therapy, wala pa ring ipinagbago ang kalagayan ko. Mas tamang sabihin na lumala pa nga iyon.
Unti-unti na akong nanghihina. Hulog na hulog ang dating maganda kong katawan. Ang dati kong  mahabang buhok na alon-alon, ngayon ay napalitan na ng isang beanie para di mahalata ang kalbo kong ulo. Hindi na rin ako halos makatayo pa ng walang alalay, kaya lagi na akong naka-wheelchair.
My mom cried in the corner. Nahahabag ako para dito. Mula nang malaman ni mommy ang kalagayan ko, halos gabi-gabi ko siyang nakikitang umiiyak sa isang sulok. At halos dumoble rin ang edad nito.
Narinig kong tumikhim si Daddy. Hindi mman ito nagpapahalata, pero ramdam na ramdam ko ang matinding pag-aalala nito para sa akin. At si Kuya, mas pinili nitong samahan kami rito. Nag-apply ito dito sa ospital na pinagdalhan niya sa akin at mabilis naman itong natanggap. Ang dahilan nito ay para daw ma-monitor nito ang kalagayan ko.
Masakit makita ang pamilya ko sa ganitong kalagayan. Gustong-gusto ko ng sumuko pero nananaig pa rin ang pag-asa sa dibdib ko. Hanggang sa marinig ko ang sunod na sinabi ng aking doctor.
“I’m sorry. Please prepared yourselves. Because of Marga’s condition, I don’t know if she can handle the next treatment we will do to her.” Pagtatapat ng doctor sa amin.
Doon unti-unting gumuho ang pag-asa sa dibdib ko. And my Mom cried even louder. My Dad and Kuya let out out a heavy sigh. Pero sa halip na umiyak, isang nanghihinang ngiti ang iginanti ko sa mga ito.
“It’s alright, Mom, Dad, Kuya,” sabi ko sa mga ito at isa-isa silang tiningnan. “I’ll get through this… we’ll get through this,” pagbibigay assurance ko sa mga ito.
Nakita kong tumigil sa pag-iyak si Mommy at mahigpit akong niyakap. “We will, Anak. We will,” bulong nito sa akin.
Nanghihina man ang aking katawan ngunit pinilit kong suklian ang yakap nito. Hindi man ganoon kahigpit sa dati, pero gusto kong ipakita at ipadama sa mga ito na lalaban pa rin ako hanggang sa dulo.
Bago ako sumabak sa panibagong therapy sinabihan ko sina Mommy at Daddy na umuwi muna ng Pilipinas. Alam kong maraming naiwang gawain ang mga ito doon lalo na si Daddy. Iniwan lang nito sa mapagkakatiwalaang tao ang plantasyon at ang resort. Si Mommy naman, ibinilin lang lahat kay Manang Lourdes ang pag-aasikaso sa buong bahay. At alam kong kakailanganin nila ito para  mapaghandaan ang mas matindi pang pagsubok sa aming buhay.
***
Naging crucial ang dalawa pang taon na lumipas sa akin. Halos igupo na ako ng sakit ko. Ilang beses din akong inilabas-masok sa ICU, dahil sa tindi ng therapy ko na halos hindi na kayanin ng katawan ko.
Minsan isang beses habang nasa loob ako ng radiation room, nag-flat line ako. Hindi magkaintindihan ang mga doctor noon. Maging si Kuya na nakamasid sa labas ay dali-daling pumasok sa loob, ngunit hindi ito pinayagan ng mga duktor ko na makialam. Protocol ng ospital na hindi pwedeng makialam ang sinumang kapamilya kahit ito pa ay empleyado ng ospital, maliban sa mismong duktor ko. Walang nagawa si Kuya kundi panoorin ako habang inire-revived ng mga naroroon. Nang magising ako nasa loob na ulit ako ng ICU at nakikita ko ang walang tigil na pag-iyak ni Mommy. Isang pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa mga ito, sapagkat pakiramdam ko hinang-hina na ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
But then, sa loob ng mga panahong ito, hindi ko nakakalimutang magdasal. Na kahit konting pag-asa man lang ay makakita ako. At siguro, nakulitan na ang rin ang nasa itaas sa akin. Dahil malipas pa ang isa pang taon, finally, nakarinig din ako at ang pamilya ko ng magandang balita.
“You’re body is responding really good with the hormone therapy,” nakangiting simula ni Dr. Chua, isa itong breast cancer specialist dito sa Singapore. “I think the least I could say is, you already passed through the hardest stage. It’s early for me to say my congratulations, but I think you should hear it now. Congratulations Miss Agustin. You really fought well,” dagdag pa nito.
Nagliwanag ang mukha ko, at unti-unti’y sumilay ang napakagandang ngiti sa aking mga labi. Ngayon ko lang yata nagawa iyon simula ng ipasok ko dito sa ospital.
Pati si Mommy at Daddy ay masayang-masaya sa balitang narinig. Hindi magkandamayaw ang mga ito sa pagpapasamalat sa doctor, habang hawak-hawak ng mga ito nang mahigpit ang mga kamay ko. Sa wakas nalalapit na ang paggaling ko. Maari ko ng gawin ang mga nais ko. Hindi na ako matatali dito sa ospital. Makakalabas na ako at…
Nawala ang ngiti sa mga labi ko, pagkaisip sa iisang taong ‘ni minsa’y hindi nawaglit sa isipan ko. Si Franco. Hindi kumpleto ang lahat ng ito kung wala siya. Ang mga masasayang ala-ala namin ang nagbigay lakas sa akin upang labanan ang sakit ko. Na sa bawat pagsalang ko sa mga therapy, palaging mukha nito ang nasa isip ko. Kaya kahit sobrang hirap at sakit ng aking mga pinagdadaanan, tiniis kong lahat iyon upang makita siyang muli. Upang makasama siya.
Ngunit, alam kong imposible na ‘yon. Alam kong malaki ang kasalanan ko rito at alam ko ring walang kapatawaran iyon. Pero sa kasulok-sulukang bahagi ng puso ko ay umaasa pa rin akong mapapatawad pa rin ako nito.
“We will just need a further check-ups on you, and do you’re regular sessions. When the cancer cells eventually fades out, then you’re free to go back to your normal life.”
Ang mga katagang iyon ni Dr. Chua ang tila nagpabalik sa malalim kong pag-iisip. Nginitian ko ito. “Thank you, Dr. Chua,” sabi ko dito. Tumango lang ang doktor at nagpaalam na sa amin.
“Thanks God! You’re getting better soon.” Masayang sabi ni Mommy sa akin.
“I know you’ll get through this at hindi ako nagkamali roon. Konting panahon na lang anak maaari na tayong bumalik ng Pilipinas,” sabi naman ni Daddy.
Sabay akong nakaramdam ng pagkasabik at pagkalungkot sa sinabi nitong iyon. Hindi ko alam kung anong daratnan ko sa Pilipinas. Ang kaninang iniisip ko ay nagbigay sa akin ng malaking takot.
Bigla akong natakot na harapin si Franco, pero kailangan kong tibayan ang loob ko. Mahal ko siya at handa akong harapin kung ano man ang magiging kahihinatnan ng ginawa ko sa kanya. Hindi ko na hinihiling pang babalik siya sa akin, ang mahalaga mapatawad niya ako.
At sa puntong ‘yon ako nalulungkot. Limang taon kaming naging magkasintahan at isang araw kaming naging maging mag-asawa, pero lahat ng ‘yon ay nasira dahil sa mga naging desisyon ko. Nakakapanghinayang man na dito mauuwi ang lahat, ngunit kailangan kong tanggapin ang katotohanan.
Paminsan-minsan ay nakikibalita ako kina Gina at Nicole. Oo. Alam ng dalawa kong kaibigan ang naging kalagayan ko. Sa kanila ko rin nalaman na naaksidente si Franco pagkagaling sa amin. Mas lalo akong nanghina ng malaman ko iyon. Kaya nong time na ‘yon ipinasok ako sa ICU.
Sabi ng mga ito, hanggang ngayon daw ay binata pa rin si Franco at kahit papaano ay may nakagaan iyon sa aking pakiramdam. Na baka hinihintay pa rin ako nito. Na baka mahal pa rin ako nito. Umusbong sa dibdib ko ang pag-asa, kasabay ng pananalanging sana ay maunawaan ako ni Franco kapag nagkita na kami at maipaliwanag ko sa kanya ang lahat.
**
Sa wakas nga, pagkatapos ng mahigit limang taon, wala na ang mga cancer cells sa katawan ko. Sinabi ng doctor na maaari na akong umuwi ng Pilipinas. Kaysaya-saya ko ng araw na iyon. Halos nakabalik na rin ang dating sigla ko. At ang buhok ko ay unti-unti na ulit bumabalik sa dati.
“Salamat naman sa Diyos at makakauwi na tayo,” masiglang sabi ni mommy habang nag-eempake ito ng mga gamit namin.
Papalabas na kami ngayon ng ospital. Dadaan muna kami sa tinutuluyan ng mga ito dito sa Singapore bago bumalik sa Pilipinas.
Sa wakas, hindi na ako mag-aamoy ospital.
Natawa ako sa isiping iyon. Hindi rin naman kasi ako nakakalabas sa ospital mula nung ipasok ako dito. Kaya, ito na ang pinakahihintay ko. Ang makawala sa amoy ng ospital at makapagsuot ng damit na gusto ko. Hindi hospital gowns.
Pagdating namin sa tinutuluyan nina Mommy mabilis akong nagbihis. Pupunta ako ng mall at ipamimili ko ng pasalubong sina Gina at Nicole, pati na rin si Franco. Ti-next ko ang mga kaibigan ko kung ano ang gusto nilang pasalubong, tuwang-tuwa naman ang dalawa ng malaman na uuwi na ako ng Pilipinas. Ngunit, may isang bagay ang nagpabago ng isip ko. Nalaman ko sa mga ito na nag-asawa na daw si Franco.
Namanhid ang buong katawan ko sa nalaman. Pakiramdam ko bumalik ang sakit ko. Nanghihina ako at hindi makagalaw. Durog na durog ang puso ko. Nais kong tumakbo, magtago, at takasan ang sakit na aking nararamdaman, pero saan? Saan ako pupunta?
Wala na… wala na akong babalikan pa sa Pilipinas. Tuluyan ng nawala ang pinakamamahal ko. Hindi na kahit kailan maibabalik pa sa dati ang lahat. Hindi na babalik pa qsi Franco sa akin. At kasalanan kong lahat iyon. Kung sana lang… maraming kung sana lang…
Kahit sabihing kasal kami, maraming dahilan si Franco para ipawalang bisa iyon. O wala naman talagang bisa iyon sa umpisa pa lang, dahil isang agreement lang ang pinirmahan namin.
Umiyak ako ng umiyak. Walang patid ang pagdaloy ng mga luha ko. Mas marami ang nailuha ko ngayon kaysa noong lisanin ko ang Pilipinas. Napasukan ako ni Mommy sa ganoong tagpo at alalang-alala ito sa nakikita sa akin.
“Marga, hija. Anong nangyayari?” tanong nito na kababakasan ng pagkatakot ang tinig.
“M-mommy…Mommy…” tanging nasambit ko sa pagitan ng aking pagluha.
Agad ako nitong niyakap. Hindi man nito alam ang pinagdadaanan ko, pero nagpapasalamat na rin ako na naririto siya sa tabi ko.
Matagal bago ako tumigil sa pag-iyak. Hanggang sa makaramdam akong pagod at tangayin ng anyok ang aking diwa.
**
Nang sumunod na araw, nagpasya akong lumabas. Mag-iikot ikot. Baka sakaling mabawasan noon ang nadarama ko.
Nakarating ako sa merlion park. Napakalinis at napakaganda doon,  pero hindi nagre-rereflect sa utak ko ang aking nakikita.
Iginala ko ang paningin sa paligid, kakaunti lang ang mga turistang naroon palibhasa ay weekdays. Pumili ako ng lugar na wala talagang katao-tao. Naupo ako doon at tumingala sa nakapagandang kalangitan. Asul na asul ito. Tila walang pagbabadya ng pagsama ng panahon.
Nang mangalay ang leeg ko, napatingin ako sa gawing kanan ko. Nakita ko ang isang magkapareha. Kinukuhanan ng picture ng lalaki ang girlfriend nito. Napangiti ako ng malungkot, naalala ko na naman si Franco. Ganoon din kasi ito. Marami kaming mga pictures at karamihan doon ay nasa amin. Si Franco mismo ang kumukuha ng mga pictures na iyon. May hilig din kasi ito sa photography.
Hindi ko namalayang tumulo na naman ang aking mga luha. Pero hinayaan ko lang iyon. Pasasaan ba’t masasaid din ‘yon at darating din ang araw na hindi na ako makakaramdaman pa ng sakit.
Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Tanong ng kabilang bahagi ng isip ko.
Napailing-iling ako. Hindi ko rin alam. ‘Ni hindi ko nga alam ang kahihinatnan ng buhay ko. Ang alam ko lang noon ay balikan si Franco kung tatanggapin pa niya ako, ngunit wala na ang pag-asang iyon.
May narinig akong tumikhim sa likuran ko na ikinagulat ko.
“Maybe you need this,” sabi ng baritonong tinig at may iniabot ito sa akin.
Isang panyo. Natawa ako ng walang kabuhay-buhay.
“Are you gonna get it?” tanong pa rin ng boses sa likuran ko.
Doon lang ako lumingon. Isang matipunong lalaki ang nakita ko. Mataas ito at may kaputian. Matangos rin ang ilong nito. Handsome? Yes. But not as handome as Franco.
“Did I passed?” nakalolokong tanong nito.
“I don’t think so.” Noon ko lang nahagilap ang boses ko. Sabay tayo at akmang aalis na ako ng pigilan ako ng lalaki.
“Hey. Sorry for invading your privacy, but do you want a cup of coffee? I think you need one,” pag-aalok nito na ikinagulo ng isip ko.
Estranghero kami sa isa’t isa pero heto ito at inaalok niya akong magkape. Pero napaisip ako. Mas maigi na siguro ito para mawala ang iniisip ko.
Isang tango ang isinukli ko na nagpangiti dito. Kung sa ibang pagkakataon maho-hooked na ako dito, pero hindi pa nakakawala sa puso ko ang anino ni Franco.
Dinala ako nito sa isang malapit na coffee shop. Magalang nitong tinanong ang order ko at pagkatapos ay ito na mismo ang nag-order. Naupo kami malapit sa may salamin.
“By the way, I am Troy Gascon,” anito at inilahad ang kamay.
“Marga. Marga Agustin,” sabi ko at iniabot ang palad nito.
“Are you a tourist here? Where are you from” tanong nito sa pala-kaibigang tono.
Nangiti naman ako. “You could simply say that I am a tourist here. I’m from the Philippines,” sagot ko.
“Really? Well, kamusta naman kababayan?” sabi nito na ikinabigla ko.
Marunong itong mag-tagalog? Kunot-noong tiningnan ko ang lalaki. Wala sa itsura nito ang pagiging pinoy.
“Oh well, I’m Filipino-Singaporean. My business ako dito,” mabilis na sagot nito ng mapuna ang pagtitig ko sa kanya.
Tumango ako. Marami pa itong sinabi at paminsan-minsan ay napapangiti ako. Magaang kasama si Troy at mabilis na makagaanan ng loob. Hindi ko alam na ito pala ang magiging simula ng lahat.
Hindi ako sumama kina Mommy pabalik ng Pilipinas. Kahit anong pilit ng mga ito ay wala silang nagawa. Wala na akong dahilan pa para bumalik sa Pilipinas. At kung babalik man ako, paano kung magkita kami ni Franco? Ngayon higit kailanman, mas nanaig ang takot sa puso ko. Ayoko ng guluhin ang buhay nito. At wala na ring saysay kahit magpaliwanag ako dito. Hindi na noon maibabalik ang lahat ng nawala, at hindi rin noon mapagtatakpan pa ang kasalanang nagawa ko dito. Kaya mas pinili kong manatili na lang sa Singapore.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon