Marga
Present day.
“Ma’am please fasten your seatbelts. We’re going to land soon,” ang pukaw ng stewardess sa aking pagbabalik tanaw.
Dagli akong sumunod dito. Ilang sandali na lang at makakaapak na akong muli sa Pilipinas. Hindi na rin mawala-wala pa ang kaba sa dibdib ko. Maliit lang ang Pilipinas, lalo na ang Manila. Hindi nalalayong magkita kami ni Franco.
Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi si Franco ang ipinunta ko rito. Trabaho. At doon lang dapat nakatuon ang atensyon ko. At kahit magkita pa kami, hindi na ako ang Marga dati. Naging blangko ang anyo ko.
Nasabi nang lahat sa akin ni Troy ang mga detalye tungkol sa aming investor na gustong magbukas ng branch ng Artemis Grill dito sa Manila. Si Mr. William Lorenzo, may-ari ng Lorenzo Group of Companies. Ang kompanya nito ay nagve-venture sa iba’t ibang klase ng negosyo. May restaurants, malls at kung anu-ano pang businesses ito. Kaya sabi ni Troy, isa rin daw magandang opportunity iyon para sa business namin. Hindi naman nagkakamali doon si Troy, hindi rin naman kasi nga basta-basta ang mga negosyo ni Mr. Lorenzo.
Ilang saglit pa papalabas na ako ng terminal. Nakita kong nakaabang na sa akin si Kuya Benedict sa labas. Nang masigurado nito na wala na talaga akong sakit, bumalik na rin ito ng Pilipinas. Mas gusto daw nitong magsilbi sa sariling bansa. Isa na ito ngayong cardiologists sa Makati Medical Center.
“Kuya!” tawag ko dito at dali-daling naglakad papalapit sa kinatatayuan nito. Sinalubong naman ako nito ng mahigpit na yakap.
“Welcome home, Marg,” nakangiting sabi ni Kuya sa akin.
Gumanti ako ng ngiti dito. “Thanks, Kuya,” sabi ko at kumawala ako sa yakap nito. “Bakit ‘di mo isinama si Brandon?” Ang tinutukoy ko ay ang tatlong taong gulang na anak nito at ni Daisy.
Marami na talaga akong namissed na family occasions dito sa Pilipinas. ‘Ni hindi ko rin nakuhang um-attend sa kasal nito na ikinatampo nito ng husto sa akin. At ngayon ay may anak na ito na siya namang bagong kaligayahan nina Mommy at Daddy.
“Hay, naku! Magkukulit lang ‘yon habang naghihintay sa ‘yo.” Kakamot-kamot sa ulong sabi nito.
“Gusto ko na ulit makurot ang pisngi ng batang ‘yon,” na-eexcite na sabi ko. Last year pa kasi ang huling pagkikita namin, nang dalawin ako ng mga ito sa Singapore.
“Maraming ka ng pagkakataon para doon. Hindi naman siguro masama ang magbakasyon kahit minsan sa trabaho mo.”
“Kuya, I am the CEO, remember?” hindi kasi pumayag si Troy na hindi ako ang maging CEO ng business namin at mas pinili nito ang maging COO. Hindi naman na ako nakipagtalo pa dito sa bagay na iyon, dahil alam kong hindi ako mananalo dito.
“Oo na. Oo na,” ang sumusukong sabi nito. “Work first before anything else.”
Nagkibit ako ng mga balikat at sumakay na sa kotse nito. Sa isang condo sa Makati kami tumuloy. Pag-aari ‘yon ni Troy, dahil paminsan-minsan ay naririto rin ang binata sa Pilipinas para dumalaw sa pamilya nito.
“By the way, how is Troy?” tanong ni Kuya pagkabuhay nito ng makina ng sasakyan.
“He’s doing great. Actually we’re expanding our business on Paradise Hotel. Kaya siya nag-iintindi doon at ako naman dito sa Pilipinas.”
“Wow! That’s great news. Unti-unti ng lumalago ang business n’yo. At magkasabay pa talaga ang expansion, ha?” bilib na bilib na sabi nito.
“Oo nga eh.”
Hindi ko lang masabi kay Kuya na ‘yon lang naman ang naging dahilan ng pag-uwi ko dito, kaso baka biglang maghinampo ito. Sa loob ng labing-tatlong taon na hindi ko pag-uwi, alam kong bawat araw ay inaasam-asam ng mga ito na babalik din ako sa Pilipinas for good.
Nakarating kami sa condo unit ni Troy na kung anu-ano lang ang napag-usapan. Marami na talaga akong napalagpas na mga pangyayari sa Pilipinas. Tinulungan ako nitong mag-akyat ng aking mga gamit. Nang matapos ay sandaling iginala nito ang mata sa paligid.
“Kakaiba din ang taste ni Troy, ano?” komento nito ng makitang kulay dilaw ang pinta ng condo, sabay upo sa sofa. Buti na lang kulay maroon iyon, kung hindi baka pati iyon tanungin ni Kuya.
Napangiti na lang ako. Hindi kasi alam nito ang tunay na pagkatao ni Troy. Magaling kasing magtago ang isang ‘yon maliban na lang kung talagang safe ang sekreto nito sa isang tao.
“Ikaw talaga, Kuya. Kakaiba talaga ang taste ‘non sa buhay.”
“Hindi pa ba s’ya nanliligaw sa ‘yo?”
Natawa na ako ng todo sa tanong nito. “Never in his wildest dream.” Makahulugang sabi ko dito.
“Why? What’s wrong with that? You’re both single.”
Umiling lang ako bilang tugon dito.
Maya-maya pa ay tumayo na rin si Kuya. “I’ll go ahead,” sabi nito. “Call me if you need anything. And by the way, Mommy is asking, kelan ka daw pupunta ng San Bartolome.”
Nagkibit lang ako ng mga balikat. “I’ll just call her, Kuya.”
Tinitigan muna ako nito ng matagal bago tumango-tango at tuluyan ng nagpaalam.
I don’t think I could set foot on San Bartolome. Bulong ko sa sarili ng makaalis ito. At may lungkot na lumukob sa puso ko. Ilang sandali rin akong nag-isip at pagkatapos ay isa-isa ko ng inayos ang aking mga gamit. Isang araw lang ang pahinga ko at pagkatapos ay ime-meet ko na si Mr. Lorenzo.
***
Nakarating ako ng Lorenzo Group of Companies pasado ala dyes ng umaga. Dito ang nakatakdang meeting namin ni Mr. Lorenzo. Tiningala ko ang mataas na building na may tatlumpong palapag.
Mukhang hindi talaga basta-basta ang investor namin. Sa isip-isip ko.
Huminga ako ng malalim before walking confidently papunta sa lobby. Naka-ready ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. May mangilan-ngilang tao doon na napapalingon sa akin. Kahit ternong pants na corporate attire ang suot ko at balot na balot, hindi maikakaila ng mga ito ang magandang hubog ng katawan ko. And as usual, my deep set of dimples were shown which always captured everyone’s attention.
“Hi! May I know Mr. Lorenzo’s office? I have an appointment with him today,” magiliw na bati ko sa receptionist pagdating ko sa reception area.
“May I know your name, Ma’am?” magalang na tanong ng receptionist sa akin. Mababakas sa mukha nito ang paghanga mula sa akin.
“Marga. Marga Agustin.” Nakangiting sabi ko dito.
“Okay, Ma’am. Kindly wait for a moment.”
“Thanks…” Tumatango-tangong sabi ko.
Hindi naman nagtagal at ibinigay sa akin ng receptionist ang go signal at ang impormasyon kung saan naroroon ang office ni Mr. Lorenzo. Nasa twenty-ninth floor ito. Mabilis ko naman iyong natunton, dahil exclusively for executives lang ang lahat ng nasa palapag na iyon.
Kumatok ako sa pintuan na may nakalagay na Office of the CEO. Isang nasa mid-30’s na babae naman ang nagbukas niyon. Sa hinuha ko ito ang sekretarya ni Mr. Lorenzo.
Muli akong ngumiti. “Hi! I’m Marga Agustin. Mr. Lorenzo is waiting for me.”
Niluwagan ng sekretarya ang bukas ng pinto. “Please, come in Ms. Agustin,” sabi nito at pumasok na ako sa loob. “This way, Ma’am.” At iginiya ako nito papunta sa mismong pintuan ng office ni Mr. Lorenzo.
“Sir, Miss Agustin is here,” pagbibigay alam ng sekretarya kay Mr. Lorenzo sa presensya ko.
“Let her in,” ang narinig kong sabi ng may ‘di katandaang boses.
Nginitan ako ng sekretarya bago tuluyang pinatuloy sa loob. Isang may katabaang lalaki na nakasalamin ang nakita kong nakaupo sa swivel chair. Halos kasing-edad lang ito ng Daddy ko. Kagalang-galang sa suot na suit.
Malapad itong nakangiti sa akin, na ginantihan ko rin naman.
“Miss Agustin, finally!” ang may kagalakang sabi nito pagkakita sa akin sabay tayo at lumapit sa akin. “Come in. Come in,” anito habang iginigiya ako sa isang visitor’s chair sa harap ng lamesa nito.
“Thank you, Mr. Lorenzo.” Sabi ko ng makaupo na. Ito naman ay bumalik sa iniwan nitong swivel chair kanina.
“Troy didn’t tell that you’re very beautiful,” ang humahangang sabi ni Mr. Lorenzo habang pinapasadahan ako ng tingin.
“And Troy didn’t tell me you’re such a joker Mr. Lorenzo,” magiliw kong sabi dito. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
“Oh! I’m just telling you the truth,” sabi pa ni Mr. Lorenzo na lalong lumapad ang pagkakangiti. Hindi ko alam, pero mukhang magkakasundo kami. “By the way, what do you want? Coffee? Tea? Or juice?” tanong ni Mr. Lorenzo.
“Just plain water, Sir.” At pagkasabi ko noon ay agad itong nagdial sa intercom.
“We haven’t formally introduced ourselves. I’m Marga. Marga Agustin.” Pakilala ko sa sarili at inilahad ko ang aking kamay sa harap nito.
“William Lorenzo,” sabi ng lalaki sabay abot sa kamay ko. “I’ve heard a lot about you, Ms. Agustin. Sabi ni Troy, you’re an excellent business partner.”
Isang simpleng ngiti ang isinagot ko dito pagkatapos, “I haven’t asked Troy about this, but how did you two met?” tanong ko rito. Base kasi sa pagkukwento nito matagal na silang magkakilala ni Troy.
“Oh, that?” tanong nito. “We met at a business conference in Singapore two years ago. We attended that same conference and we chatted along the way. He told me that you two owned a restaurant there. Then he invited me and I was very glad that I accepted it. I really loved the food. So I asked him immediately if I could invest on your business and expand it here, in the Philippines. But, he said he’ll think about it first,” tumigil muna ito sandali bago nagpatuloy.
“We both have our contacts with each other after that. And I was convincing him for almost two years now, then just until recently he said he’ll give it a go. Pero sinabi niya rin na kailangan niya munang sabihin sa ‘yo.” Mahabang salaysay ni Mr. Lorenzo.
So, ibig sabihin matagal na palang may offer ng expansion ang business namin hindi lang sinasabi ni Troy sa akin. At iisa lang ang nakikita kong rason kung bakit nito ginawa ‘yon, iniisip nito ang sasabihin ko. Hindi nga ba at labag naman talaga sa kalooban ko ang magpunta dito sa Pilipinas? Kaya naiintindihan ko si Troy sa parteng ‘yon ng desisyon nito.
“Well… all I could say is, thank you for patiently waiting and for continuously convincing Troy, Mr. Lorenzo.”
“I’m a businessman. I know what’s worth my money, and I also knew your restaurant worth it.” Anito.
Binuksan ko ang aking bag at kinuha doon ang business proposal na ako mismo ang naghanda. Ito ay base sa mga impormasyong ibinigay ni Troy sa akin. Binigyan ko ito ng isang kopya. Binuklat naman nito iyon.
“So, this place you offered, I think this is a good place to start for me. And Troy also agreed with it. I’ll just inspect the place maybe in the afternoon?” tanong ko rito na ang tinutukoy na lugar ay ang pagpwepwestuhan ng itatayo naming branch ng Artemis Grill dito sa Pilipinas.
“I am glad you like this place,” sabi nito na ang pansin ay nasa picture ng lugar na ipinadala nito mismo sa amin. “It’s very practical to open your restaurant in this area. Bukod sa malapit lang iyan mismo dito sa building ko, marami pang ibang businesses sa part na iyan ng Makati,” dugtong pa nito.
Tumatango ako. At ipinagpatuloy namin ang usapan tungkol sa pag-e-exapand ng restaurant namin. Hindi naman mahirap kausap si Mr. Lorenzo, halos lahat ng nakasaad sa business proposal ay sinasang-ayunan nito, maliban sa isang bagay. Kailangan, isa sa amin ni Troy ang mismong magma-manage ng lugar.
Sinabi ko dito na iko-konsulta ko muna kay Troy ang bagay na iyon, pero alam ko na agad ang isasagot ng kaibigan ko. At doon ako nababahala nang husto.
**
Tinawagan ko si Troy bago magpunta sa magiging location ng restaurant namin.
“Yes, Dear,” bungad nito pagkasagot sa telepono nito. “Kumusta ang Pilipinas?” tanong nito sa nagbibirong tinig.
“You have a lot of explaining to do.” Agad kong sabi dito.
“And what was that?” tanong nito at narinig kong may kinakausap ito sa kabilang linya.
Napairap na lang ako sa hangin. As if naman na matatanong ko pa ito kung ganoong busy naman pala ito.
I sighed. “Do you want me to call you later?”
“I’m sorry, Marga. I was here at Paradise. Inaayos ko ang ibang detalye sa expansion natin dito,” hinging-paumanhing sabi ni Troy sa akin.
“That’s fine. I’ll just call you later then.” At nagpaalam na ako dito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang (Unedited)
RomanceNagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya p...