Chapter 24

332 12 0
                                    

Magkasama kaming umuwi ni Bianca sa condo. At dahil nandoon na rin si Mang Dante, ito na ang nag-drive para sa amin. Wala kaming imikan ni Bianca habang daan. Alam kong iniisip nito ang nangyari sa kanya at sa ginawa ng asawa n'ya dito.


Hindi ko maiwasang maawa dito. Hindi pala talaga lahat ng buhay may-asawa ay masaya. Mayroon ding ganitong mga pangayayari na hindi mo talaga maiiwasan. Pero naniniwala akong kahit ano pang away ang mangyari sa pagitan ng mag-asawa, hindi dapat nauuwi sa pisikalan ang lahat. Nakakaawa ang babae sa ganoong sitwasyon.


Tingin ko kay Bianca ay napaka-fragile na tao. Parang hindi nito kayang manakit ng ibang tao. Napakaamo pati ng mga mata nito. Napakawalang puso naman ng asawa nito kung ganito na sasaktan lang din pala n'ya ito pagkatapos nilang magsumpaan sa altar.


Pagkarating namin sa condo, pinaupo ko muna ito sa sofa at pagkatapos ay inihanda ko ang bathtub. Kailangan iyon ng katawan nito para ma-relax.


Sinilip ko ito. Nakita ko itong nakatayo at iginagala ang paningin sa buong paligid. Parang pinag-aaralan nito ang bawat sulok noon. Hindi ko na iyon pinansin. Naninibago lang siguro ito sa lugar.


"Bianca ready na ang banyo. Pwede ka ng maligo," nakangiting sabi ko dito.


Lumingon ito sakin at kiming ngumiti. "Nakakahiya naman sa 'yo, Marga. I could have just check-in in the nearby hotel para di kita maistorbo dito."


"Forget about it. You're already here. So just feel at home and relax," sabi ko sa palakaibigang tono.


"Thank you so much. But, this was just for tonight, Marga. Nakakahiya naman kung mauulit pa ito." Anito.


Iginiya ko na ito sa papunta sa banyo at pagkatapos ay namili ako ng damit na hindi ko pa naiisuot. Sinamahan ko na rin ng malinis na underwear. At dahil dalawa naman ang kwarto sa condo ni Troy, ang isang kwarto ang ipapagamit ko dito para makapahinga ito ng husto.


Dahil sa pangyayaring iyon napalapit ang loob ko dito. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko kailangan ko itong protektahan laban sa asawa nitong hindi ko pa naman nakikilala.


**


Gaya ng pangako ko kay Mommy umuwi ako ng San Bartolome kinabukasan. Pero bago 'yon, inihatid ko muna si Bianca sa bahay ng mga ito. At sinigurado kong nasa maayos ito ng iwanan ko. Hind naman na ako pinatuloy nito sa loob, dahil baka daw magulo pa ang bahay nila.


Hinayaan ko na lang ito sa bagay na iyon. Pero bago ako umalis binilinan ko ito na tawagan ako anytime 'pag kailangan n'ya ng tulong. Tumango naman ito. Hindi pa rin palagay ang loob ko, pero may tiwala naman ako dito.


And speaking of San Bartolome, dahil na rin sa pangungulit ni Gina, napapayag na ako nitong um-attend sa reunion namin. Minsan lang naman daw iyon kaya daluhan ko na at marami na rin daw akong na-missed na balita tungkol sa mga batchmates namin. Isa pa raw, baka hindi na naman nila ako mahagilap sa susunod na reunion.


Abala ako sa pag-aayos ng aking sarili ng pumasok si Mommy sa kwarto ko. Masuyo nitong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin habang nag-aayos.


Natatawa ako sa ibinibigay nitong tingin sa akin. "Just say it Mommy. Hindi 'yong tinititigan mo ako ng ganyan," sabi ko dito.


"Well, kailan ko ba ikaw huling nakitang ganito kaaliwalas ang mukha? Kahit papaano, masaya akong bumabalik na ang totoong Marga." Mangiyak-ngiyak na sabi nito.


"Mommy..." saway ko dito, "huwag ka ngang ganyan."


Pakunwang suminghot-singhot ito. "I am just very happy, Marga. After all what happened, you've never give up."

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon