Chapter 33

534 18 4
                                    

“Ouch! That hurts Marga,” anitong kunwari'y nasaktan habang sapu-sapo nito ang dibdib. “Hindi mo na ba talaga ako natatandaan?” at ikiniling nito ang ulo sa akin. Nakalolokong ngumiti ito. “Sabagay, all this time kay Franco lang nakatuon ang atensyon mo.” At tila bumangis ang mga mata nito. Kakaiba ang galit na nakikita ko doon.
Hindi ako umimik. Hindi ko talaga maalala sa aking isipan ang lalaking ito.
“Nang dahil sa boyfriend mo, napilitan akong lumipat ng school.”
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nitong iyon.
Ngingisi-ngisi ito sa akin, “Yes, Marga. Ako lang naman ang ilang beses mo ng binasted at ipinahiya. At ‘di pa kayo nakontento ni Franco. Sapilitan akong pinalipat ng mga magulang ko sa ibang eskwelahan dahil sinabi mo daw sa kanila na muntik na kitang rape-in noon. At alam mo ba? Mula noon nagkandaleche-leche na ang buhay ko. At iyon ay dahil sa pangigipit ni Franco.”
Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nito. Wala akong natatandaang—
Si Franco! Mabilis na pick-up ng utak ko. Ito lang ang alam kong tanging gagawa noon. Pero alam kong ginawa lang nito iyon para protektahan ako.
“Anong ibig mong sabihing nagkandaleche-leche ang buhay mo nang dahil kay Franco?” iyon ang katanungang gumugulo sa isip ko.
Lalong tumindi ang galit na nasa mga mata nito. “Huwag ka ng magmaang-maangan Marga. Alam kong alam mo ang sinasabi ko.”
Umiling ako. “Please, Greg. Wala akong alam sa sinasabi mo.” Sabi ko sa nakikiusap na tinig.
Tumingin ito sa kawalan at tila inalala sa isipan ang nangyari dito. “I was imprisoned for using drugs. At dahil doon itinakwil ako ni Papa. Hindi niya daw maaatim na may anak siyang drug addict.” Mapait na turan nito.
“Anong kinalaman ni Franco doon?” naguguluhang tanong ko.
“I was in college back then, sa ibang University. Dahil hindi ko na magawang bumalik pa sa SPC. It was my first time hanging out with my friends in a bar. At doon kami nahuli. And I know only one person who could do that to me. Ang taong may malaking galit sa akin..Si Franco,” tiim-bagang na sabi nito.
“But Franco doesn’t know anything about what you were saying. I know him. Hindi siya gagawa ng ganoon lalo pa—”
“Huwag mo ng ipagtanggol si Franco! Hindi lahat kailangan niyang sabihin sa ‘yo.” Nagbabaga ang mga matang sabi nito sa akin.
Natahimik ako. Ayokong i-pursuade ang nadaramang galit nito. Baka mas lalo ko pa iyong ikapahamak.
Narinig kong may mga yabag na papalapit sa amin. Narinig siguro ng mga ito ang sigaw ni Greg. Iniluwa ng pintuan si Bianca at ang dalawang lalaking mukhang goons kanina.
“Gising na pala ang mahal na Prinsesa,” patuyang sabi ni Bianca. Nilapitan ako nito at mahigpit na hinawakan sa pisngi. “Ano kayang reaksyon ngayon ni Franco?” nakalolokong tanong nito at humalakhak. Nagtawanan din ang mga kasama nito pati na si Greg.
Bigla akong kinabahan. Naging mailap ang aking mga mata. Anong ibig sabihin nito? Alam na ba ito ni Franco? Nagpa-panic na sabi ko sa aking sarili.
Ngayon ako nakaramdam ng matinding takot. Hindi para sa sarili ko, kundi para kay Franco. Baka kung ano ang magawa nito.
“Kung gusto mo kaming gantihan, ako na lang ang saktan mo. At huwag na huwag mong sasaktan si Franco!” matapang na sabi ko dito.
Bigla nitong binitawan ang aking mukha. Nanlilisik ang mga mata nito at ubod lakas akong sinampal. “At bakit ko naman sasaktan si Franco? Ikaw! Ikaw ang sasaktan ko!” at isa pa uling malutong na sampal ang pinakawalan nito.
Pakiramdam ko nangangapal ang pisngi ko sa tindi ng sampal nito. Naramdaman ko din ang pagdaloy ng sariwang dugo sa gilid ng labi ko.
Isa pa sana uling sampal ang ibibigay nito sa akin ngunit napigilan ni Greg ang mga kamay nito. “Tama na,” mababa ang tinig na sabi nito.
Marahas itong nilingon ni Bianca. “At hanggang dito ba naman may tagapagtanggol pa rin ang babaeng ito.” Duro sa akin ni Bianca.
“Hindi ko ipinagtatanggol si Marga. Ayoko lang madungisan ang mga kamay mo at makita iyon ni Franco. Baka lalo siyang hindi mapasayo,” makahulugang si ni Greg.
Bigla namang nagbago ang aura nito. Tila kumalma ito sa sinabing iyon ni Greg. “Tama ka. Hindi ko dapat dungisan ang kamay ko dahil sa malanding babae na iyan,” padarag na sabi nito at nilinga ako. “Ito ang tatandaan mo Marga, ha? Franco is mine! Walang sinumang babaeng makakaagaw kay Franco mula sa akin. Pag-aari ko siya habang-buhay! Isaksak mo d’yan sa kokote mo!” sumisigaw na sabi nito sa mukha ko habang dinuro-duro ang ulo ko at pagkatapos ay nag-walk out na ito.  Sumunod dito ang dalawang lalaki na parang goons.
Hindi ako umimik. Sinundan ko lang ito ng matalim na tingin. Ngayon ako nakaramdam ng tunay na galit para dito. Hindi ko hahayaang saktan pa ulit ako nito ng walang kalaban-laban.
At kahit kailan hindi magiging pag-aari si Franco ng kahit na sinuman! sabi ko sa sarili.
Nanatili lang akong tahimik at hindi kumikibo pagkaalis ni Bianca. Tiningnan ko si Greg na tahimik na nakamasid lang sa akin. Pero sa mga mata nito may nasisilip akong konting awa. Hindi ko iyon maintindihan, ngunit hindi ako nagpadala dito. Dahil alam kong may motibo din ito kung bakit nakipagsabwatan kay Bianca.
Madilim pa rin ang paligid ng igala ko ang aking paningin, pero sa tantya ko malapit na ring mag-umaga dahil hindi naman ako ganoon katagal na nakatulog. Blangkong ibinalik ko ang aking mga mata kay Greg.
“Masaya ka ba sa nakikita mong anyo ko? Anong balak n’yong gawin sa ‘kin? Papatayin niyo ba ako? Magsalita ka Greg,” lakas-loob na kastigo ko dito. Gusto kong malaman kung ano ang sasapitin ko sa kamay ng mga ito.
Ngumisi ito. Nawala ang kanina’y nababanaag kong awa sa mga mata nito. “Well, I asked your rich husband for a plenty of ransom money. ‘Yon man lang ang kabayaran sa ginawa niyang pagsira sa buhay ko,” nakaismid na sabi nito. “Kapag nakuha na namin iyon, Bianca will kill you and claimed back Franco,” nakakikilabot na sabi nito.
Pero hindi ako nagpadala sa takot na unti-unting umuusbong sa puso ko. “Ganoon ba?” isang balak ang nabuo sa isip ko, dahil sa sinabi nitong iyon. “Gusto mo bang patayin na lang ako nang ganoon ni Bianca?” tanong ko dito at nginitian ko ito ng matamis.
Tila nalito ito sa pagbabago ko. Naging mailap ang mga mata nito.
Ito na ang pagkakataon ko, sa loob-loob ko.
Pinapungay ko ang aking mga mata. “Come, Greg. Alam kong may natitira pa ring pagnanasa d’yan sa sarili mo para sa akin. Ayaw mo bang samantalahin ang pagkakataong ito? I’m willing to oblige, you know,” malamyos na sabi ko.
At nakita ko ang dahan-dahang pag-usbong ng pagnanasa dito. Hindi iyon maikakaila sa reaksyon ng katawan nito. “Your body is saying it loud,” nakangiting sabi ko habang nakatutok ang mga mata ko sa pundilyo nito.
Namula ang mukha ni Greg. Pero dagli rin iyong nawala at inilang hakbang lang nito ang pagitan namin. Pagkatapos mabilis ako nitong hinalikan sa leeg. Para itong hayop na hayok na hayok sa laman sa klase ng paghalik nito.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kagat ang ibabang labi upang hindi lumabas ang tili sa bibig ko. Nararamdaman ko ang matinding pagnanasa nito. Ang gigil nito ay idinaan niya pagkagat sa leeg at braso ko. Maya-maya pa naramdaman ko ang marahas nitong paghila sa pang-ibabaw ko. Napunit iyon at nahantad sa mukha nito ang dibdib ko.
Tumigil ito. Ang pagnanasang kanina pa nito nararamdaman ay mas tumindi pa. Hindi magkaintindihan ang kamay nito kung alin ang hahawakan.
At nang ibaba na nito ang zipper ng pantalon ko, nagsalita ako. “Aren’t you going to untie me? Gusto mo bang ituloy ito ng ‘di mo man lang nararamdaman ang mga haplos ko?” malambing na sabi ko sa punong tenga nito.
Hindi naman nag-atubiling gawin iyon ni Greg. Mabilis nitong kinalag ang tali sa mga kamay ko at agad akong binuhat sa lamesang naroroon. Kasunod noon ang paghuhubad nito ng damit, habang ang kamay ko ay inaabot ang kandelabrang nasa gitna ng lamesa. Saktong pagharap ni Greg sa akin ay agad kong ipinukpok sa ulo nito ang kandelabra. Natumba ito, kaya dali-dali akong nagtatakbo palabas. Bahagya ko pang narinig ang pagmumura nito.
Hindi ko pa man nararating ang pintuan ay may humablot na sa akin. Ang isa sa lalaking kasa-kasama ni Bianca.
“At saan ka pupunta?” sabi nito sa nakalolokong tono.
Tiningnan ko ang aking pinanggalingan. Nakita kong mabilis ang mga hakbang na ginagawa ni Greg palapit sa amin, habang itinaaas nito ang pantalon. Nakita kong may dugong dumadaloy sa pisngi nito. Agad ako nitong inundayan ng suntok sa sikmura na halos ikawala ng aking ulirat pagkalapit na pagkalapit sa amin.
Ngayon ako nakaramdam ng tunay na takot. Halos panawan ako ng ulirat sa lakas ng suntok nito. Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko hinang-hina ako. Binuhat ako ng malaking lalaki. Pero ‘di pa man kami nakakalayo doon ay may sumipa dito mula sa likuran.
Sumadsad ang lalaki sa may dingding. Ako naman ay bumalandra sa sahig. Nakita ko si Greg na nahintakutan sa isang tabi at tatakbo sana ito ng tutukan ito ng baril ng isang pulis.
Doon ako nakahinga ng maluwag. Ang isip ay nasa tulong na dumating. At habang unti-unting nawawala ang aking malay dinig na dinig ko ang malalakas na tili ni Bianca.
***
Franco
Hindi ko lubos akalaing ganito ang sasapitin ni Marga. Mag-aalas kuatro na ng madaling araw ng dumating kami sa bahay ni Bianca sa San Martin.
Pumwesto kami sa paligid ng bahay at kitang-kita ko ang akmang pagtakas ni Marga ng mahuli ito at undayan ng napakalakas na suntok. Parang dinaklot ang puso ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko na hinintay pa ang hudyat ng mga pulis. Dali-dali akong sumugod sa mga ito at sinipa ng ubod lakas ang lalaking may karga kay Marga.
Tumilapon iyon sa dingding at si Marga ay bumagsak sa sahig. Ang isang lalaking anyong tatakbo ay agad na hinarang ng mga pulis. Nahuli rin sina Bianca at ang isa pa nitong kasama na kasalukuyang nasa ‘di kaaya-ayang tagpo sa isa sa mga silid ng bahay na iyon.
Agad kong dinaluhan ang walang malay na si Marga. Halos madurog ang dibdib ko sa nakikita kong itsura nito. Namamaga ang mga pisngi at puntok ang labi. Punit ang damit pang itaas at maraming kagat kung saan-saan.
Isang marahas na tingin ang ibinigay ko sa lalaking walang suot na damit at may dugong umaagos sa mukha. Ngayon ko nakilala kong sino ito. Si Greg De Castro. Ang muntik na ring manggahasa kay Marga noon. Biglang kumulo ang dugo ko sa galit ng mga sandaling iyon. Kaya walang ano-ano’y binigyan ko ito ng isang pagkalakas-lakas na suntok na  halos magpasadsad dito sa sahig. Agad akong pinigilan ng mga pulis.
Halos hindi mapahupa noon ang galit na nararamdaman ko. Ang tinamong mga sugat ni Marga at mga marka ng kahayupang ginawa nito sa katawan niya ay nakakapagbaliw sa akin.
Nakita kong tulala si Bianca sa isang tabi. Para wala na ito sa sariling katinuan. Hindi pa maayos ang pagkakasuot ng damit nito. Agad ko itong nilapitan. At kung nakakamatay ang tingin, kanina pang bumagsak sa kinatatayuan nito si Bianca.
“Sisiguraduhin ko you will rot in jail! Kasama ang mga kasabwat mo! Tandaan mo yan!” nagngangalit ang mga bagang na sabi ko.
At pagkatapos ay mabilis kong nilapitan si Marga at binuhat iyon. Agad kong dinala ito sa pinakamalapit na ospital sa lugar na iyon.
***
Marga
Nagising akong may humahaplos sa aking buhok habang ang isang kamay ko ay mahigpit na hawak nito. Agad ang pagdilat ng nanlalaki kong mga mata ko. Nakaramdam agad ako ng matinding takot. Ang nasa sa isip ko ay ang ginagawa ni Greg sa akin sa bahay na iyon.
Nahihintakutang nagpumiglas ako sa pagkakahawak na iyon. Agad naman ako nitong niyakap.
“Hush, My Queen… It’s me Franco. You’re safe now,” pang-aalo nito.
Unti-unti’y nawala ang kaba ko at tumigil sa pagpipiglas. “Fra-Franco…” nauutal kong sabi habang patuloy ang mga kamay nito sa paghagod sa likod ko.
“Yes, Marga. I’m here.” Bulong nito sa akin at mahigpit akong niyakap.
Napaiyak ako. Ligtas na ako. Wala na ako sa kamay nina Bianca at Greg.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa noon si Mommy at Daddy. Umiiyak din si Mommy ng lapitan ako.
“Diyos ko, hija! I couldn’t believe na mangyayari ito sa ‘yo,” Sabi nito sa nangangatal na tinig. Dama pa rin nito ang takot ng tawagan sila kanina ni Franco para ipaalam ang nangyari sa akin.
“I’m sorry, Tita Zenny. It’s all my fault,” nakayukong sabi ni Franco.
“No, hijo. It’s not your fault. Kasalanan ito ng mga kumidnap kay Marga.” Singit ni Daddy sa usapan.
“Don’t worry Tito, sisiguraduhin kong hindi na sila makakalabas ng kulungan.” Tiim-bagang na sabi ni Franco.
Tumango-tango naman si Daddy. Inaya na nito si Mommy sa labas at baka daw himatayin na naman ito. Noong makita daw ako nito ay agad itong nawalan ng malay at inilipat sa kabilang room.
Naiwan kami doon ni Franco.
“I’m so sorry, My Queen. This happens to you…” sising-sising sabi nito habang ang mga mata ay masuyong hinahagod ang namamaga ko pa ring pisngi. Pinaraanan naman nito ng mga daliri ang mga kagat sa leeg at braso ko. “I could have killed them,” sa nanginginig na boses na sabi nito.
Iniangat ko ang aking kamay at masuyong hinaplos ang nangangalumata nitong mukha. “No, Franco. Tama si Daddy, this is not your fault. Greg was very jealous on you, while Bianca wanted you so badly. They both have ulterior motives  kaya nila ito nagawa sa akin, sa atin.” Malumanay na sabi ko.
“Pero ipinangako ko sa sari—”
“Ssshhhhh..” inilagay ko ang hintuturo ko sa labi nito para hindi na ito makapagsalita pa. “Ang mahalaga ligtas ako,” iyon lang at ako na mismo ang kusang tumawid ng distansya sa pagitan ng mga mukha namin.
Nami-missed ko ang mga halik nito. At kung nakaranas man ako ng karahasan sa kamay ng ibang lalaki, alam kong papawiing lahat iyon ni Franco.
Matagal na naghinang ang mga labi namin. Hanggang sa tumigil ito dahil pareho na kaming pinangangapusan ng hininga.
“I love you, Franco,” ang maluha-luha kong sabi dito.
“I love you too, My Queen. Mula ngayon, wala ng makapaghihiwalay pa sa atin. Kahit sakit pa iyon. Mananatili akong nasa tabi mo at mamahalin ka habang-buhay,” ang madamdaming sabi nito.
Halos sumabog ang puso ko ng marinig ko ang sinabi nitong iyon. “Oh, Franco… Ikaw lamang ang nang-iisang magmamay-ari ng puso ko haggang kamatayan,” sagot ko dito na punong-puno ng pagmamahal.
At muli ay isang matamis na halik ang aming pinagsaluhan.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon