Chapter 19

362 14 0
                                    

“Hello, Mr. Lorenzo?” sabi ko ng sagutin nito ang kabilang linya.
“Yes, Miss Agustin. Any updates?” excited na tanong ni Mr. Lorenzo sa kabilang linya.
“Yes, Mr. Lorenzo. Can I dropped by at your office today? Naayos na namin ni Troy ang kontrata and it would be nice kung pag-aaralan n’yo na para mapirmahan,” sabi ko rito.
“Sure.” Mabilis nitong sagot. “I was about to call you for the updates, pero naunahan mo ako,” tatawa-tawang sabi nito.
“Sorry to keep you waiting, Mr. Lorenzo,” hinging-paumanhin ko dito. “But, I will make sure it’s worth the wait.” Nakangiting sabi ko kahit hindi ako nakikita nito.
“I know, Miss Agustin. That’s why I chose to invest on your restaurant.”
“Thank you for trusting us, Mr. Lorenzo. You won’t regret it,” ang may kumbiksyong sabi ko.
“I know, I know.” Anito. “You could dropped by here, anytime. I was just in the office the whole day.”
“Thank you, Mr. Lorenzo.”
Pagkatapos ng usapan namin ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Sinigurado kong isang maganda at mahusay na CEO ang haharap kay Mr. Lorenzo.
Nang makonteno ako sa aking itsura, bumaba na ako ng condo. Nagpatawag na ako ng taxi sa lobby para hindi na ako mahirapang mag-abang pa.
Nakita ko ang taxi sa harap ng building, maglalakad na sana ako papalapit dito ng mapatigil ako. May nakita akong pamilyar na kotse na nakaparada sa gilid ng condo. Parang ito rin ‘yung kotse kagabi sa mall. Kunot-noo akong nag-isip sandali.
Marami namang ganyang kotse, Marga. At isa pa, Makati ito, mayayaman ang tao dito. Sa isip-isip ko. Hindi kasi basta-basta ang sasakyang iyon. Isa itong jaguar na mayayamang tao lang ang pwedeng makabili.
I sighed. At pagkatapos ay dumeretso na ako sa taxi at sumakay. Masyado na yata akong nag-iisip ng kung ano-ano at pati kotseng naka-park sa kung saan ay binibigyan ko ng malisya.
Sunod-sunod ang ginawa kong paghugot ng hininga. Hindi ako dapat maapektuhan ng mga ganitong bagay. Marami akong kailangang asikasuhin at doon dapat naka-focus ang atensyon ko. Sabi ko sa sarili.
Maya-maya pa, nakarating na ako sa Lorenzo Group of Companies. At kagaya ng dati, hindi matatawaran ang mga matang nakamasid sa akin habang pumapasok ako sa lobby. Ibinigay kong muli ang aking pangalan sa receptionist at pagkatapos ay pinatuloy na ako sa office ni Mr. Lorenzo.
Masayang-masaya naman si Mr. Lorenzo ng makita ako. Agad nitong pinag-aralan ang mga papeles na dala ko, at sa laking gulat ko, noon ding oras na iyon ay pinirmahan nito ang kontrata.
“Are you sure about this, Mr. Lorenzo? Haven’t you gonna asked your lawyers first?” tanong ko rito.
“There’s no need to ask my lawyers, Miss Agustin or should I call you Marga?” sabi nito na nakangiti sa akin.
“Marga is fine, Mr. Lorenzo.” Mabilis kong sagot.
“Oh, then forget about Mr. Lorenzo.  Just call me Tito. Tito William.” Nagniningning ang mga matang  sabi nito.
“Is it way too informal for you to be called like that? You are our investor,” nag-aalangang sabi ko.
“No, Marga. I used to be called like that to my younger business partners. Huwag kang mag-alala, hindi ako magba-backout,” biro pa nito sa akin na ikinangiti ko.
Masarap kausap si Mr. Lorenzo at palagay ang loob ko sa kanya. Magandang senyales iyon na magiging maayos ang samahan namin bilang business partners/investor.
“So, kelan mo uumpisahan ang pagpapaayos ng lugar na ibinigay ko?” tanong nito sa akin.
“I will call Bianca for the lease contract. Itatanong ko kung ready na iyon para makapirma na rin, and then I will start the renovations of the area. Maybe five to six months from now, we could have our soft opening,” paliwanag ko dito.
Tumango-tango ito. “That’s great!”
Tumayo ako at nakipagkamay dito. “Again, thank you for trusting us Tito William.”
Tinanggap naman nito iyon at nagsalita, “May I asked, do you have plans for tonight? I have a birthday celebration tonight at City Square Makati and I’d love to see you there,” pag-iimbita nito, sabay abot ng invitation sa akin.
“Oh… I don’t know it’s your birthday,” nabiglang sabi ko dito. “Pardon me, Tito William. Hindi ko pa nababasa masyado ang profile na binigay sa akin ni Troy.”
“It’s alright. Pero kung hindi ka pupunta malamang magtatampo na akong talaga,” biro nito sa akin.
Napangiti ako. “Don’t worry Tito, I’ll be there.” Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako dito.
Late invitation, so that means I need to hurry up to pick some dress. I went straight to the mall. Matagal-tagal din akong nag-ikot bago nakakita ng damit na gusto ko at babagay sa akin. Isang yellow haltered gown na hakab sa katawan ko at may slit hanggang kalahati ng may hita ang nabili ko.
Tiningnan ko ulit ang invitation. The themed of the party is masquerade. So I also picked a black-laced masquerade mask with butterfly design. Nang matapos akong mamili ay umuwi na ako.
Hindi ko na kailangang magpunta ng salon to get may hair and make-up done. I could do it by myself. I learned these things when I was in Singapore. At turo na rin ni Troy sa akin,  para daw ma-impress ang mga investors namin. Troy really help me a lot on many things.
Eight ng gabi ang simula ng party. Nakapag-ayos na ako ng sarili ko pagdating ng alas sais. At dahil wala akong sasakyan, nagpatawag na lang ako ulit ng taxi sa lobby.
Marami ng bisita ng dumating ako sa City Square. Lahat ng mga naroon ay parte ng business society. Among them where the Ayala’s and Zobel’s, one of the biggest name in the Philippines. Hinanap ng mga mata ko si Mr. Lorenzo and because of the mask, medyo nahirapan akong tukuyin ito.
Nilapitan ko ito at binati. “Happy birthday, Tito William.”
“Marga, I’m glad you made it.” Sinalubong  ako nito ng isang masayang ngiti. At kagaya ng karamihang bisita na naroon, isang may paghangang tingin ang ibinigay nito sa akin.
Nakikita ko ang ilan na hindi mapigilang sulyapan ako sa pangalawang pagkakataon. Lutang na lutang kasi ang aking kagandahan sa damit kong suot.
“I think you owned this night, Marga.” Bulong ni Mr. Lorenzo sa akin. Hindi maikakaila dito na naagaw ko ang atensyon ng karamihan.
Magiliw naman akong ngumiti. “Thank you, Tito William. But, I don’t want to steal the spotlight from you,” biro ko dito.
Natawa naman ito. “I’ve been in the spotlight for so many times, Marga. Nakakasawa na rin,” anito.  “Would you like to come with me? Ipakikilala kita sa iba ko pang business associates. Who knows, baka marami pang magkaroon ng interest to invest on your restaurant in the future,” pag-iimbita nito sa akin.
Hindi ko naman iyon tinanggihan. Pagkakataon ko na ito para makilala pa ang ibang myembro ng business society. At kagaya nga ng sinabi ni Mr. Lorenzo, to gain more investors.
Ipinakilala ako ni Mr. Lorenzo sa mga associates nito. He also boasted our restaurant in Singapore, that soon will have a branch here. Nakakapagod man, pero nag-eenjoy naman ako.
Minsan sa pag-iikot nila isang bulto ng lalaki ang nakakuha ng atensyon ko, pakiramdam ko parang kanina pa ako nito pinagmamasdan.
Marga, ‘yan ka na nman. Pwede ba bawas-bawasan mo ang pag-iisip? Saway ng kabilang bahagi ng isip ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Katabi ko pa rin hanggang ngayon si Mr. Lorenzo, at may ilang kalalakihan na nag-aayang isayaw ako, pero magalang ko iyong tinatanggihan.
But, Mr. Lorenzo is an exemption. Hindi ako naka-hindi ng ayain ako nito sa dance floor. Masaya naman kaming nagsayaw, hanggang sa matapos ang tugtog. Babalik na sana ako sa kinauupuan ko ng isang kamay ang humawak sa braso ko at iginiya ako sa dancefloor.
Hindi na ako nakatanggi pa sa estrangherong ito. Nagpatianod na lang ako. Nakakahiya kasing tanggihan ito sa gitna ng bulwagan. Ngunit sa halip na ilagay ng estranghero ang mga kamay nito sa baywang ko, nanatili lang iyong nakatayo sa harapan ko sa gitna mismo ng dancefloor.
Nangunot ang aking noo. Tinitigan ko itong mabuti. Mataas ito sa akin at maganda ang pangangatawan. Halata iyon sa suot nitong three piece gray suit. Ang alon-alon nitong buhok ang tangi ko lang nakikita sa itaas na bahagi ng katawan nito. Dahil natatakpan ng buong mask ang mukha nito maliban sa kanyang mga mata.
Biglang may bumundol na kaba sa dibdib ko at unti-unting nagpalambot ng tuhod ko. Kung hindi ako naagapan ng estrangherong ito malamang bumagsak na ako sa sahig. At sa pagdidikit ng aming mga katawan, agad na nag-react ang katawan ko. Isang pamilyar na pakiramdam na hinding-hindi ko makakalimutan. Milyong-miyong boltahe ng kuryente ang nananalaytay sa sistema ko. At iisang tao lang ang nakakagawa nito sa akin. Si Franco!
Pakiramdam ko hindi na ako makahinga sa tindi ng suffocation na nararamdaman ko. Kinakailangan kong lumayo sa lugar na iyon, ngayon din. At sinubukan kong bawiin ang sarili ko dito at pagkatapos ay walang lingunan kong nilisan ang party.
Abot-abot ang dasal ko habang nag-aabang ng elevator pababa. Nananalanging sana ay huwag na akong sundan ng taong iyon. Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang elevator. Mabilis akong sumakay dito at pinindot pasara iyon. Ngunit, hindi pa man naglalapat ng tuluyan ang pintuan ay naharangan na iyon ng isang malaking kamay.
Nagulat ko. Hindi ako makagalaw. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Nagpatay malisya sa nangyayari. Sumunod kong nakita ay sumakay rin si Franco, na iniwan ko kanina sa dancefloor.
Nag-init bigla ang paligid at pinagpapawisan ako. I was very nervous. Nahiling kong sana ay kainin na lang akong kinatatayuan ko.
“Would you like me to say hi to you?” tanong ng nito sa baritonong tinig.
Napapikit ako. Ang pamilyar na tinig na iyon. Ang tinig na kaylanman ay hindi ko nakakalimutan. Ang tinig na nagpapanginig sa akin at sa buo kong katawan. Ang tinig na pag-aari ni Franco.
Tumaas-baba ang dibdib ko. Kumapit ako sa railing ng elevator para kumuha ng lakas doon.

“Why? Are you afraid of me? Ha, Marga?” sabi pa niya sa mapang-uyam na tinig.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ramdam ko ang tensyon niya at galit. ‘Ni hindi ko makuhang lingunin siya kahit alam kong pinagmamasdan niya ako.

“Hindi ba ako ang dapat matakot sa ‘yo, Marga? I was doubting myself kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko, but it wasn’t. You were right here in front of me, in a very flesh.” At hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Bigla akong nanlamig. Kakaiba ang tinging ibinibigay niya sa akin. Parang patalim na humihiwa sa puso ko ang mga titig niyang iyon. Punong-puno ng galit.

“You always bite your tongue when you’re afraid, Princess,” sabi niya sa nakalolokong tinig.

Marahas akong napalingon sa kaniya. Ang pagkarinig sa endearment niya sa akin ay nakapagpanayo ng mga balihabo ko. Ang kaninang takot na nararamdaman ko ay biglang naglaho. Unti-unting bumangon ang inis sa dibdib ko.

“Why, Franco? Do you want me to say sorry to you?” ang ganting tanong ko sa kaniya sa matalim na salita. Pinilit kong hindi mag-stammer sa harap niya at pinatatag ang aking sarili.

Tumawa siya ng nakaloloko. “Oh, wow! You haven’t changed. You always react to my endearment to you,” aniya habang iiling-iling.

Noon bumukas ang elevator. Nakahinga ako ng maluwag at dali-daling lumabas doon. Ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin.

“You always run away when you’re afraid, Marga. Like what you used too,” sabi ni Franco habang nakasunod sa likuran ko. Kababakasan ang tinig niya ng pait at hinanakit.

Napatigil ako. Parang punyal na humihiwa sa puso ko ang mga salitang iyon ni Franco. Masakit. Sobrang sakit. At hindi ko mapigilang sisisihin ang sarili ko sa nangyayaring ito. Pilitin ko man siyang takasan, pero kahit kailan ay hindi ko iyon magagawa.

Pumikit ako  at humugot ng malalim na hininga bago siya nilingon. “Even if I say sorry… or explained myself to you, we cannot turned back time,” wika ko. “You could hate me forever and blame me for everything that I did. Tatanggapin kong lahat iyon dahil iyon ang kabayaran sa nagawa ko. But please… Leave. Me. Alone.” Mariing sabi ko sa huling tatlong salita, bago ko siya tinalikuran at tumawag ng taxi.

Nagmamadali akong sumakay roon para makaalis na sa lugar na iyon. Nakita ko sa salamin ng taxi na nananatiling nakatayo roon si Franco. Habol ng tingin ang papalayong taxi, hanggang sa mawala iyon sa paningin nito.
Halos hindi naman ako humihinga sa loob ng taxi. Hindi ko napaghandaan ang pangyayaring ito. Ang galit at pait sa puso ni Franco ay damang-dama ko. Malaki na ang ipinagbago nito at alam kong malaki ang naging parte ko sa pagbabagong iyon.
Naisin ko mang umiyak ngayon pero, ng makita ko si Franco at ang galit sa mga mata nito, napalitan ng hinanakit ang puso ko. Sa tono ng pananalita nito kanina, parang siya lang ang nagdusa, ang nasaktan.
Pero hindi na rin naman tatanggapin ni Franco kahit ano pang paliwanag ko. Para saan pa ba? Hindi naman na maibabalik noon ang mga panahong nawala. Ang mga sakit na naidulot sa mga puso namin. At ang patuloy na pagkakaroon ng hinanakit sa bawat isa.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon