Chapter 26

345 11 0
                                    

“Ano po bang sabi ng coast guards, Tito?” tanong ko kay Tito Valencio habang hinahagod ko ang likuran ni Tita Zenny para kumalma.
“Hinahanap pa nila sa mga islang malapit dito sa atin ang jet ski na sinakyan ni Marga kanina. But as of now, wala pa ring balita. Medyo mahirap, dahil zero visibility pa.” Paliwanag nito sa akin.
“Any place that you know na pwedeng puntahan ni Marga?” tanong ni Tita Zenny sa akin.
Dagli akong nag-isip. Iisa lang naman ang lugar na maari nitong puntahan, ang islang pag-aari ko.
“I know one place Tita and maybe she was there,” sabi ko dito.
Ang tree house lang naman ang pwedeng puntahan ni Marga.
“I will go there right away. Gagamitin ko ang speed boat namin,” sabi ko pa sa mga ito.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi man nila gustong abalahin ako, ngunit tanging ako lang ang nakakaalam ng lugar na iyon. Maraming maliliit na isla dito sa San Bartolome at karamihan doon kapag high tide ay lumulubog din, pero hindi ang islang pag-aari ko. Baka nga naroroon si Marga at takot na takot na.
“Don’t worry about me, Tito, Tita. I know this place since I was young. Kaya kabisado ko na kahit ang pasikot-sikot sa dagat,” pag-a-assure ko sa mga ito.
Nabuhayan naman ng loob ang dalawa. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang mga ito ng lingunin ako.
“Thank you, Franco. We greatly appreciate our help. But, please be careful…” paalala ni Tita Zenny sa akin.
Ngumiti ako dito, “Yes, Tita. I will, ” sagot ko. “I’ll go ahead,” paalam ko sa mga ito.
Magkasabay na tumango ang dalawa sa akin. Mabilis naman akong umuwi sa amin at dumeretso agad sa wharf. Sinigurado kong may dala akong pwedeng ibalabal kay Marga, dahil kung kanina pa ito nawawala, malamang ay lamig na lamig na ito.
Matulin kong pinaandar ang speed boat. Masungit pa rin ang lagay ng panahon. Ang anggi ng ulan ay bumabasa na sa buo kong katawan. Hindi naman nagtagal at natanaw ko na ang isla. At hindi nga ako nagkamali, naroroon ang jet ski ng mga ito.
Agad akong bumaba ng speed boat dala-dala sa isang kamay ang plastic na may lamang blanket at towels. Mabilis kong tinahak ang papunta sa tree house. Habang daan ay nananalangin akong sana ay ligtas lang ito.
“Marga! Marga!” tawag ko dito hindi pa man ako sumasapit sa tree house. “Marga, where are you?” ang sigaw ko. Wala akong narinig ni isang tugon. Kinabahan ako. Baka may masamang nangyari na dito.
Nang marating ko ang tree house, sandali lang at nasa itaas na ako. Suot ang headlights, hinanap ko kung saan naroroon si Marga. Nakita ko ito nakasiksik sa gilid ng kubo, nakatakip ng banig at halos hindi na gumagalaw.
Dali-dali ko itong nilapitan. “Marga! Marga!” tawag ko dito. Ang kaba sa dibdib ko ay mas lalong lumalakas. Nanginginig ang buong katawan nito sa lamig.
Niyakap ko ito upang kahit papaano ay makaramdam ito ng init. Umungol ito dahil sa ginawa kong iyon.
Ibinukas nito bahagya ang mga mata. “F-Fra..Franco…” sabi nito sa nanginginig na tinig. Bago tuluyang nawalan ito ng malay.
Parang tumakas ang lahat ng dugo sa katawan ko ng mga sandaling iyon. Hindi ako makagalaw. ‘Ni hindi ko makuhang mag-isip. Ang makita ang walang-malay nitong katawan sa kandungan ko ay nagbigay sa akin ng sari-saring emosyon. Ngunit mas nanaig ang takot. Ang takot na baka hindi ko na ito makita pang muli.
Dahil doon ay agad akong kumilos. Kinuha ko ang blanket na dala-dala at agad kong ibinalot sa katawan nito. Pagkatapos ay buong lakas kong pinasan ito papunta sa speed boat.
Nang mga sandaling iyon tanging kaligtasan lang ni Marga ang nasa isip ko. Halos lumipad ang lantsa sa gitna ng karagatan sa klase ng pagpapatakbong ginawa ko.
Pagdating sa wharf nakaabang na rin doon sina Tita Zenny at Tito Valencio. Palagay ko ay hindi na makapakali ang mga ito kaya’t sinundan na rin ako sa amin.
Binuhat ko kaagad si Marga at ng makita ni Tita Zenny ang walang malay na katawan nito ay namutla ito at pinanawan ng ulirat. Agad naman itong nasalo ni Tito Valencio. Dere-deretso kami sa aming mga sasakyan, buhat-buhat ang dalawang babae.
Sa ospital na pinakamalapit namin dinala ni Tito Valencio sina Marga at Tita Zenny. Ang findings ng doctor kay Tita Zenny ay shocked at stressed. Samantalang si Marga ay moderate hypothermia. Dahil sa matagal na pagkaka-expose ng katawan nito sa ulanan at malakas na hangin.
Hindi kinaya ni Marga ang sobrang lamig kaya nawalan ito ng malay kanina. Sa ngayon ay ligtas na ito sa panganib. Pero under observation pa rin ito sabi ng duktor.
“Thank you Franco…for saving my daughter.” Tila nahahapong sabi ni Tito Valencio sa akin.
Bakas sa mga mata nito ang matinding pag-aalala kay Marga. Pero hindi lang iyon ang nasisilip ko dito. May iba pa akong naaaninag sa mga mata nito na hindi ko lubos maintindihan.
“Did something happened to her in the past Tito?” tanong ko rito na ang tinutukoy si Marga.
Nilingon ako nito, bago huminga ng malalim. “Ang mabuti pa hijo, si Marga na lang ang tanungin mo sa bagay na iyan. Hindi ko pwedeng panghimasukan ang desisyon ng anak ko,” ang makahulugang sabi nito.
At isa lang ang ibig sabihin noon, may nangyari ngang hindi maganda kay Marga noon na hindi ko nalalaman.
Pero bakit itinago nito sa akin ang bagay na iyon? Naguguluhang tanong ko  sa isip.
**
Marga
Isang nakakasilaw na liwanag ang bumulaga sa aking mga mata. Dagli kong ipinikit ang mga iyon at binuksan din agad upang sanayin ang mga ito sa bagong kapaligiran.
Kunot-noong iginala ko ang paningin sa paligid. May dextrose na nakakabit sa akin at nakita ko si Daddy sa gilid ng aking kinahihigaan na natutulog. Katabi nito si Mommy. Pakiramdam ko nanghihina ng husto ang katawan ko.
“Daddy…Mommy…” ang paos kong tawag sa mga ito. Nauuhaw ako ng mga sandaling iyon.
Sabay na nag-angat ng kanilang mga ulo ang mga ito. Worried were written all over their faces.
“How do you feel, hija?” mabilis na tanong ni Mommy.
“What happened, Mommy? I was in the island a while ago and now, I am here.” Nalilitong tanong ko sa mga ito.
Nagkatinginan ang mag-asawa. “Hindi mo ba natatandaan ang nangyari?” tanong pa ni Daddy sa akin.
Umiling ako. “I don’t know, Dad. I had some glimpses on my head, pero hindi klaro ang mga iyon.” Nahihilo pa rin ako ng mga oras na iyon.
“Maybe you need more rest, hija. Sabi naman ng duktor ay ligtas ka na,” pag-a-assure ni Mommy sa akin.
Sumunod naman ako sa sinabi nito. Pero bago ko muling ipinikit ang aking bumibigat na mga mata, tinanong ko ulit si Daddy.“Did you went to the island to save me, Daddy?”
Umiling ito. “It’s Franco, hija.” Maikling sagot nito sa inaantok kong diwa. Isang mahinang tango lang ang isinagot ko bago tuluyang hatakin muli ng antok.
**
Nang magising ako ng sumunod na araw, mas maayos na ang pakiramdam ko. Mas klaro na sa isip ko ang nangyari sa isla. And of all people, si Franco pa talaga ang nagligtas sa akin.
Hindi ko na ito nagisnan pa sa ospital. Sabi ni Mommy sa akin, nagpaalam na daw ito na babalik na ng Manila. Pero magdamag din daw itong nagbantay doon at nag-abang na magising ako.
Natutuwa ako sa nalamang iyon, but at the same time, nag-aalala rin ako. Ano na lang ang sasabihin ng asawa nito kapag nalaman iyon? At dahil doon hindi matahimik ang aking isipan.
Ilang  araw pa ang inilagi ko sa ospital at ng makabawi na ng lakas ang katawan ko ay nag-decide na rin kami na lumabas. Marami na rin kasi akong kailangang gawin sa restaurant. Tinawagan ko naman si Troy tungkol sa nangyari sa akin at alalang-alala ito. And for the meantime, ito muna ang nag-asikaso sa nalalapit naming opening.
Sa mansyon pa rin ako tumuloy. Pero kinabukasan ay nagpunta rin ako ng Makati, para makita kung ready na kami for soft opening. Nakalimutan ko panandali ang nangyari sa akin sa isla at nabuhos ang atensyon ko sa pag-aasikaso ng restaurant.
Tinawagan ko rin si Mr. Lorenzo para ipaalam dito ang mangyayaring ribbon cutting. Hindi naman ito makapaghintay pa. Tuwang-tuwa ito sa aking ibinalita. At dahil doon personal kong iniabot ang invitation dito para sa opening.
***
Magalang na ngumiti ang receptionist sa akin pagkakitang-pagkakita pa lang nito sa akin. Mukhang natandaan agad ako nito sa dalawang beses na pagpunta ko doon.
Hindi naman nagtagal ay pinatuloy na ako sa opisina ni Mr. Lorenzo. Pagpasok ko doon ay agad akong iginiya ng sekretarya nito sa loob.
Nadatnan ko doon na may kausap pa si Mr. Lorenzo. Akmang tatalikod na ako ng makita ako nito. Kaagad itong tumayo at sinalubong ako nang isang masayang ngiti.
“Marga! I’m glad you visit me here,”anito. “Come, come. Please join us here,” dagdag pa nito.
Inakay ako nito sa visitor’s chair katapat ng upuan ng lalaking kausap nito. Nakatalikod ito sa gawi ko kaya hindi ko ito kaagad nakilala.
Gulat na gulat ako ng mapag-sino ang kausap ni Mr. Lorenzo. Walang iba kundi si Franco! Hindi naman kataka-taka iyon dahil ang unang pagkikita namin after thirteen years ay sa party nito. Pero ano nga bang relasyon nito kay Mr. Lorenzo?
Ngumiti ito sa akin sa pagtataka ni Mr. Lorenzo. “Hi there, Marga. How are you?”
Pinaglipat-lipat ni Mr. Lorenzo ang tingin sa aming dalawa.
“We both know each other, Tito William,” sabi nito sa naguguluhang lalaki. “In fact, we were friends, until she went missing many years ago.” Pagdiriin nito sa huling salita.
Tumatango naman ang lalaki. “Well, kung ganoon pala there’s no need for me to introduce both of you. Sit down, Marga.” Baling naman nito sa akin.
Umupo agad ako. Dahil nararamdaman kung anytime ay babagsak ako sa sahig.
Nang makalma ko ang aking sarili ngumiti ako ng pagkatamis-tamis kay Mr. Lorenzo bago sinabing, “Don’t worry about us, Tito William. He’s right. We were friends. In fact, people in San Bartolome were expecting that we will end up together. Right, Franco?” Ito naman ang binalingan ko at nakita ko ang pagtatagis ng mga bagang nito.
Nagbabaga ang mga mata nito ng tingnan ako. Pero ginantihan ko lang iyon ng napakatamis na ngiti, bago ako ulit bumaling kay Mr. Lorenzo. Nagtataka man si Mr. Lorenzo sa palitan namin ng mga salita, pero hindi na ito nagtanong pa.
“Tito, I came by here to personally give you this,” at iniabot ko dito ang invitation para sa soft opening ng aming restaurant.
Nagbago ang anyo nito. Nawala ang pagtataka doon at napalitan ng excitement. “This is what I’ve been waiting for. Finally! Congratulations!” sabi nito at inilahad ang kamay sa harap ko na malugod ko namang tinanggap. Samantalang si Franco ay pinanonood lang kami.
“Thank you, Tito. This is all because of you,” sinserong sabi ko dito kasabay ng pagbitaw sa kamay nito.
Tumingin si Mr. Lorenzo kay Franco bago ako binalingan, “Why don’t we invite Franco?” anito.
Mataman muna akong nag-isip bago sumagot. “If he wants to come Tito.”
“Of course, he is! Isa siya sa mga executives ko and he’ll go with me.” Masayang sabi nito.
Doon ko nalaman kung anong connection ni Franco dito. Dito pala mismo ito nagtatrabaho. What a small world, indeed! Sabi ko sa sarili
“Baka ma-pressure si Marga, Tito, kapag dumalo ako,” sabi nito pagkatapos ng mahabang pananahimik. Iba na uli ang timpla nito. At very businesslike itong ngumiti.
“No, I’m not.” Mabilis kong sagot. “You were Tito William’s executive and there’s no reason for me not to invite you.”
“Alright. It’s settled then. Franco will come with me.” Na-e-excite na sabi ni Tito Willam.
Pagkalabas ko ng opisina ni Mr. Lorenzo, doon lang ako nagpakawala ng isang malakas na paghinga. Magpapasalamat pa naman sana ako kay Franco, pero dahil sa inasal nito dagli kong nakalimutan iyon.
Nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon. Dumeretso ako sa resto para sa mga huling detalye na kailangan doon.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon