Chapter 30

376 12 0
                                    

“Hijo calmed down,” mahinahong sabi ni Tita Zenny nang hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.
Hinahon? Paano ba ako hihinahon sa mga nalalaman ko! sigaw ng isip ko. Tumatahip ang dibdib ko sa tindi ng aking nararamdaman. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Tumigil ako sa harap ng mga ito. “But why did you tell me that she will never coming back at all.” Naninisi ang mga matang nilingon ko si Tita Zenny.
Kung sinabi nito sa akin noon ang totoo nang kausapin ko ito, ‘di sana nasa tabi ako ni Marga habang nakikipaglaban ito sa sakit nito. ‘Di sana magkasama naming pinagdaraanan ang hirap. ‘Di sana magkasama kami at hindi nagkahiwalay. Di sana….
“Please, hijo,” nagsusumamo ang boses ni Tita Zenny. Alam kong nasasaktan ito sa nakikitang anyo ko.  “That time the doctor told us that the cancer cells on her body where spreading rapidly. At baka hindi na kayanin pa ni Marga ang susunod niyang gumutan dahil sa mahinang-mahina nitong pangangatawan. She was in and out of the ICU.” Hirap na hirap na kwento ni Tita Zenny. Torture para dito ang maalala ang hirap na pingdaanan ng pamilya nila, lalo na ni Marga.
“Pero gumaling siya Tita… Gumaling siya. Sana man lang bumalik siya nang hindi na umabot sa ganito ang lahat,” lulugo-lugong sabi ko. Kung bumalik silang kasama ito, ‘di sana… Umiling ako. Maraming sana at isa na doo’y sana ay masaya na kami ngayon ni Marga.
“Because she heard the news that you got married,” sagot ni Tito Valencio.
“She even cried a river ng malaman niya iyon. Kalalabas niya lang noon ng ospital at nag-aalala kami na baka ipasok na naman namin siya,” dagdag ni Tita Zenny. “And she chose to stay in Singapore because of you. She didn’t want to jeopardize your happiness.”
Happiness? Bahaw akong napatawa. Kailan ko ba huling naramdaman iyon? Matagal na. Thirteen years ago. Nang ikasal kaming dalawa.
Now, everything was clear to me. Ang takot na lagi kong nakikita sa mga mata ni Marga at ang mga dahilan nito, lahat ng iyon ay dahil sa akin. Para sa kapakanan ko. At naiintindihan ko nang lahat ang mga iyon ngayon.
Hindi ko man kayang ibalik pa ang mga panahong kailangang-kailangan niya ako, pero kaya ko namang ibalik ang mga ngiti sa mga labi nito. At ipinapangako kong hindi na iyon magtatagal. Kailangang itama ko na ang lahat, para sa kaligayahan ni Marga. Para sa aming dalawa.
Ngayon wala ng makapipigil pa sa nararamdaman ko para dito. Wala ng makapipigil pa sa pagmamahalan namin. Kaya kailangang makausap ko ito sa lalong madaling panahon. 
Tumayo ako at dali-daling tinungo ang pintuan ng hindi nagpapaalam sa mag-asawang Agustin. Naguguluhan namang sinundan ako ng mga ito.
“Where are you going Franco? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Hindi mo pa naipaliliwanag sa amin ang lahat ng nangyayaring ito,” makapangyarihang sabi  ni Tito Valencio nang nasa harapan na ako ng aking sasakyan.
Hinarap ko ito at tintigan sa mga mata. “I’ll  tell you everything kapag naayos ko na ang lahat. But for now, I am going to confess everything to my real wife. Iyon ang mas importante ngayon sa akin.” Seryosong sabi ko dito.
Nagkatinginan ang mag asawa. At sabay pa nila akong tinitigan ng  nakakunot-noo. Naguluhan bigla ang mga ito sa sinabi ko.
Pero bago ko pa man mabuksan ang pintuan ng aking sasakyan, biglang tumunog ang telepono ko. Nakita kong tawag iyon mula sa mansyon namin. Napalinga ako sa gawi ng bahay namin. Bakit tumatawag ng ganito kaaga si Yaya Saling?
Mabilis ko iyong sinagot. “Hello, Yaya Saling? Bakit napatawag kayo ng ganito kaaga?” nag-aalalang sabi ko.
“Fra-Franco…” ang tanging nasabi na lang nito kasunod ng isang malakas na hagulhol.
Bumundol ang matinding kaba sa dibdib ko ng marinig ang iyak nito. Bigla kong nabitawan ang telepono. At sa sobrang  kalituhan, sa halip na sumakay ako sa kotse, mabilis kong tinakbo ang daan papunta sa amin. Takang-takang sinundan ako ng tingin nina Tita Zenny at Tito Valencio.
***
Marga
Kinabukasan nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng telepono. “Hello?” ang namamaos na tugon ko sa nasa kabilang linya. Alas sais pa lang yata ng umaga sa mga oras na iyon.
“Marga, get here now.” Sabi ng ma-awtoridad na tinig ni Daddy sa kabilang linya.
Bigla akong napabangon. Kahit kailan hindi pa ako nakakarinig ng ganoong tono dito kapag kinakausap ako. “Why Dad?” kunot-noong tanong ko.
“Sandro is dead. Franco needs you right now—“ hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Daddy.
Agad kong ibinaba ang telepono at dali-daling nagbihis. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Malapit kami ni Tito Sandro noon sa isa’t isa. At itinuring na niya akong parang tunay na anak. Isa rin ito sa napakasaya noon ng malamang magpapakasal na kami ni Franco. At nang dahil sa nangyari sa akin, hindi ko na ito nakita at nakamusta pa.
Si Franco naman ay napakalaki ng respeto at paghanga dito. Palibhasa, mula nang umalis si Tita Nelia noon, ito na ang tumayong nanay at tatay ni Franco. At ngayong wala na ito, nag-aalala ako para kay Franco. Nakita ko na noon ang epekto dito ng pagkawala ng isang magulang, paano pa kaya ngayong si Tito Sandro na ang nawala?
Dali-dali kong kinuha ang susi ng aking sasakyan. Kamakailan ko lang ito binili dahil na rin sa trabaho at sa pag-uwi ko sa San Bartolome. Hindi rin naman ako pwedeng laging magpahatid-sundo kay Mang Dante, lalo na at kung minsan ay ginagabi na ako sa trabaho.
Habang daan ay nanalangin ako na sana ay ayos lang si Franco. Ngunit, may isang bagay yata akong nakalimutan. Si Bianca! Mabilis akong napapreno. Lamangitngit ang gulong ng  aking sasakyan sa kalsada. Malapit na ako noon sa arko ng San Bartolome. At hindi ko na naisip pa ang banta nito sa akin kagabi. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Namumula pa rin ang pisngi ko.
Huminga ako ng malalim. Babalik na ako pa-Manila ng tumunog ang cellphone ko. Si Mommy iyon.
“Where are you, hija?” tanong agad nito pagkasagot ko. Nahihimigan ko doon ang matinding pag-aalala.
“Why, Mommy? What happened?” kinakabahang tanong ko dito.
“Dumating si Nelia and she’s making a scene here.” nag-aalalang sabi nito.
“Nandyan ba si Franco?”
“No. I don’t see him around. Pero kanina naririto s’ya, kaya lang noong dumating si Nelia bigla na lang nawala,” sabi nito.
“Don’t worry Mommy, I’ll be there in thirty minutes.” Sabi ko at mabilis na nagpaalam dito.
Sa halip na sa mansyon ng mga Saavedra ako tumuloy, sa amin ako dumeretso. Hiningi ko ang susi ng jet ski sa tauhan ng resort namin at mabilis iyong pinaandar. Iisa lang ang maaaring puntahan ni Franco, ang tree house.
Malayo pa lang ako sa isla ay natatanaw ko na ang jet ski ng mga ito. Dali-dali ko iyong pinasadsad sa buhanginan at hindi ko na nakuha pang itali. Wala akong pakialam kung anurin man iyon ng alon. Ang mahalaga ngayon ay madamayan ko si Franco.
Para lang kaming bumalik noong mga teenager pa kami. Ito ding islang ito, especially ang tree house, ang naging dahilan upang makalimot si Franco sa mga dinadala nitong problema noon. Hindi man siya nagsasalita, ngunit alam ko at nararamdaman kong nangungulila siya noon kay Tita Nelia. At ngayon ay si Tito Sandro naman ang nawala. Ang mismong nagregalo sa kanya ng islang ito.
Malayo pa lang ako sa tree house ay natatanaw ko na si Franco. Nakatayo habang nakatingala sa kalangitan. Punong-puno ng katanungan ang mukha nito, at wari bang may nais makita doon ngunit hinding-hindi naman nito mahanap.
Nakita kong lumingon ito sa gawi ko at ganoon na lang ang pagkadurog ng aking puso sa nakikita kong anyo nito. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Laglag ang mga balikat at anumang sandali ay parang iiyak na ito.
Dali-dali akong umakyat sa itaas. Pagdating doon ay kaagad ko itong niyakap nang mahigpit. At doon magkasabay na bumuhos ang aming mga luha. Napuno ng mga hagulhol ang buong isla. Para namang nakikisama ang kalangitan sa pagtangis namin. Biglang tumago ang araw at nagkaroon ng maraming ulap. Anyong tila uulan.
Matagal kami sa ganoong posiyon. Hindi ko ito binibitawan. Hinayaan ko lang itong ipagpatuloy ang pag-iyak hanggang sa tila naubos na ang mga iyon.
Namumula ang mga matang sinulyapan ako nito. “Thank you for being here. I really don’t know what to do,” sabi nito sa mahinang boses.
“Ssshhh… It’s alright Franco. I wont leave you here. Even if you stay here forever.” Masuyong sabi ko at hinaplos ang humpak nitong pisngi.
Ipinikit nito ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa palad ko. Animo’y napapakalma noon ang kanyang gulo-gulong isipan. Hinawakan nito ang kamay ko at marahan iyong pinisil. Iginiya ako nito paupo sa sahig ng tree house. Pagkatapos ay dahan-dahan itong nahiga sa mga hita ko.
Maingat ko namang hinaplos ang alon-alon nitong buhok. Muli itong napapikit. Akala ko nakatulog na ito pero bigla itong nagsalita, “Did you know that Mama Nelia was not really my mother?” nagmulat ito ng mga mata at tinitigan ako.
Umiling naman ako bilang pagtugon. Nabigla ako sa sinabi niyang iyon, pero sandali lang. Nginitian ko ito na ang ibig sabihin ay ipagpatuloy lamang nito ang pagkukwento.
“That night of your sixteenth birthday, I was really going to attend your party. But, I heard them raising voices with each other with their bedroom awide opened. Hindi ko naiintindihan noong una ang pinag-uusapan nila, then I heard Mama say my name. I got curious…” huminga muna ito ng malalim habang inaalala sa isipan ang tagpong iyon.
“Humihingi siya ng pera sa Papa, and Papa was very furious. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang manghingi pa ng pera gayong mag-asawa naman sila. Sa isip ko, siguro normal lang ‘yon. Pero ayaw itong bigyan ni Papa. Masyado na daw niyang kinukunsinti ang mga luho nito at hindi na daw nito nagagawa ang tungkulin niya bilang ina sa akin. Mama was very addicted to casino that time.” Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalitang muli.
“Doon nagalit si Mama at sinabi n’yang kung hindi daw dahil sa kanya wala akong kikilalaning ina. Nabigla ako. Nalito ang isip ko sa narinig na iyon. Kaya pumasok ako sa kwarto nila at tinanong ko kung anong ibig sabihin ni Mama. Then, Papa explained to me that my real mother died after giving birth on me. That he married Mama Nelia para daw sa kapakanan ko. I was so shocked ng malaman ko ang totoo,” tumigil ito sandali. Larawan sa mukha nito ang kalituhan sa pagkakatuklas ng katotohanan tungkol sa pagkatao nito.
“Noon ko lang na-realized kung bakit ganoon na lang ako tratuhin ni Mama. Na para bang hindi ako nag-e-exists sa harap niya. Na balewala lahat ng effort ko. Hindi ko na lang ‘yon pinansin, because Papa cared a lot for me. Pero kahit ganoon si Mama, mahal ko pa rin siya. Because somehow, she gave me a complete family that every children were wishing for. That’s why that night, Mama left to U.S. and never came back. But as you’ve heard, she’s at the mansion right now, and she was causing a scene on Papa’s funeral. Na kaya hindi na siya bumalik kasi hindi daw ginagampanan ni Papa ang responsibilidad niya bilang asawa, which was wrong.” Umiling -iling ito.
“Papa was a good husband to her, giving everything she demands. Pero sa mata ni Mama kulang at kulang pa rin iyon. ‘Nung magpunta siya ng U.S., she brought everything Papa gave to her. All of her jewelries. Iyon daw ang gagamitin niya para magsimula muli.  At hinayaan lang iyon ni Papa. But now, she’s accusing him on his deathbed? ‘Ni hindi niya nga ito nadalaw noong nagpatingin si Papa sa Amerika. Tapos ngayon…” mapait na sabi nitong sabay pikit ng mga mata. Alam kong ninanais nitong kalimutan ang lahat nangyayari ng mga sandaling iyon.
Franco took another long deep breathe. “Papa had a weak heart, Marga. And last night, he had a fatal heart attacked. Hindi ko na siya naabutan pang buhay,” gumagaral ang tinig na sabi nito.
Hindi ko maiwasang maawa dito. Parang sasabog ang puso ko sa nakikitang anyo nito. Gulong-gulo ito at nasasaktan. ‘Di man nito hantarang sinasabi pero iyon ang nararamdaman ko. Gustuhin man nitong magpakatatag sa mga nangyayari, pero hindi nito iyon kakayaning mag-isa.
That’s why I’m here. Kahit man lang sa ganitong paraan ay maipadama ko sa kanya na mahal ko siya. I know, this is not right, but he needs me now more than ever, bulong ng isip ko.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon