Chapter 25

338 13 0
                                    

Isang masuyong haplos sa aking pisngi ang nagpagising sa aking kamalayan. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at napansing kong nasa may gate na kami ng bahay namin. Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan, kaya’t kunot-noo akong luminga sa drivers seat. Nakita ko roon ang gwapong mukha ni Franco na nakatitig sa akin.
Agad akong umayos sa aking pagkakaupo. Oo nga pala, magkasama kaming umuwi. Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan. Bulong ko sa sarili.
“You should not drink if you can't handle it,” anito sa malalim na tinig. Ang tinutukoy nito ay ang ginawa ko kanina.
Hindi ako sumagot. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Magso-sorry ba ako o tatawa na lang sa katangahan ko? Pero ito na ang pagkakataon ko para magkausap kami. Para sabihin sa kanya ang nangyari sa akin.
Huminga ito ng malalim, nananatiling nakatutok ang mga mata nito sa akin. “How are you, really, Marga?” tanong nito. Nagbago din ang timpla ng boses nito, naging mas mababa.
Ako naman ang huminga ng malalim, “I’m fine, Franco.” Halos hindi na lumabas ang tinig na iyon sa bibig ko.
“Where have you been all this time? All I thought…” hindi nito itinuloy ang sasabihin.
Pumikit ito at padarag nitong pinaraanan ng isang kamay ang buhok niya. Pagkatapos ay hinarap akong muli. Kitang-kita ko doon ang tinitimping galit nito.
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa kaalamang galit pa din ito sa akin. But, this was all my fault. Akma kong hahawakan ito sa balikat, pero natigil sa hangin ang kamay ko.
Ang kaalamang may asawa na ito ang nagpatigil sa akin para gawin iyon. Mas lalo ko lang palalalain ang sitwasyon. Maging ang sarili ko ay aking pahihirapan.
“I’m so sorry, Franco,” iyon lang ang namutawi sa bibig ko at yumuko. Ayokong salubungin ang nagbabagang mga mata nito.
“Sorry?” sabi nito at bahaw na tumawa. “For once Marga, bakit hindi mo sabihin sa akin ang totoo!? You were sorry back then… ‘yan ang iniwan mong salita sa akin ng maglaho kang parang bula noon.  And here you are, after thirteen long years, saying the same words on me. Wala ka na bang ibang maisip sabihin sa harap ko?” tumatahip ang dibdib nito sa kinikimkim na galit.
Umiling iling ako at ilang beses na lumunok bago, “I-I…” ngunit hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Ayaw lumabas ng mga salita mula doon.
Akala ko kaya ko ng aminin sa kanya ang lahat. Nagkakamali ako. Nandito pa rin ang takot sa puso ko. Ayoko ng saktan pa si Franco sa mga sasabihin ko.
Huminga ako ng malalim. “I should go, Franco. It’s getting late.” Pagkasabi noon ay dali-dali akong lumabas ng kotse nito at mabilis na pumasok sa gate namin. Hindi ko na nilingon pa ito. Narinig ko na lang ang pagharurot ng sasakyan nito na pumunit sa katahimikan ng gabi.
Sapu-sapo ko ang aking dibdib na napaupo sa porch ng aming bahay. Bigla akong nanghina. Sunod-sunod na paghinga ang ginawa ko. Mabuti na lang tulog na ang mga tao sa bahay, pati sina Mommy at Daddy, hindi nila makikita ang ganitong itsura ko.
Tumingin ako sa langit. Maganda ang gabi. Ngunit, hindi maiibsan ng gandang iyon ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Dito na magtatapos ang lahat, dahil kahit anong gawin ko masasaktan at masasaktan pa rin kaming pareho.
Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan, iiwasan ko si Franco hangga’t makakaya ko. At kung magkrus man ang mga landas namin ng hindi inaasan, hindi ko na hahayaan pang mamagitan sa amin ang nakaraan. I need to move on too. At kahit alam kung mahirap gawin iyon, titiisin ko. Kahit sikilin ko pa ang sarili kong damdamin para dito.
**
“Anong oras ka nakauwi kagabi, hija?” tanong ni Mommy pagkababa ko sa hapag-kainan. Medyo na late na ako ng gising kakaisip sa nangyari kagabi.
Humalik muna ako sa pisngi nito bago naupo. “Hindi ko na matandaan, ‘My. Napasarap ang kwentuhan namin kagabi ng mga kaklase ko, eh.” Pagsisinungaling ko dito. Sana lang ‘di nito iyon mahalata.
“Ganoon ba?” sabi nito na sa pagkain nakatutok ang pansin. “Anong gagawin mo ngayon?” tanong muli nito.
Sumandok muna ako ng kanin bago sumagot. “Maglilibot-libot siguro sa paligid Mommy. Hindi ko pa nagagawang mamasyal sa dalampasigan mula noong bumalik ako eh.”
“That’s good to hear. Checked our new amenities. Baka may ma-i-suggest ka pa, para mas mapagandan pa ang resort.”
“I will, Mom,” nakangiting sabi ko dito at ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain.
Nang matapos ako sa pagkain, gaya ng suhestyon nito, inikot ko ang resort namin. Ang dating apat na villas, ngayon ay pito na. Ang mga cottages naman ay naging sampu na dating anim lang. May restaurant din sa loob ng resort namin. May mga water activities din kami, gaya ng kayak at banana boat riding.
Ang gate ng resort namin ay nakahiwalay sa mismong gate ng mansyon namin. Nakahiwalay din ang solar ng bahay namin sa resort. For privacy reasons of both owner and guests.
Napansin kong medyo kulang sa mga poste ng ilaw doon, kaya iyon ang sasabihin ko kay Mommy na dagdagan. Pati security, para naman mas feel ng mga guests ang safety nila dito. Siguro mas mainam na rin na magdadag kahit ng snorkeling activities, para naman mas maka-attract pang lalo ng mga guests ang resort.
And speaking of snorkeling , hindi ko na matandaan kung kailan ko ba iyon huling ginawa. Hindi naman ako mahilig sumama kay Troy sa mga beaches sa Singapore, may naaalala lang kasi ako kapag sumasama ako dito. At na-i-spoil ko ang bakasyon namin sa tuwing mangyayari iyon.
Malapit na noong magtanghali. Tamang-tama para sa mga magagandang tanawin sa ilalim ng dagat. Na-e-excite na nagpunta ako sa lobby ng resort namin at tinanong kung nasaan ang susi ng jet ski. Agad naman iyon ibinigay ng nagngangalang Emil sa akin.
Ito ang isang bagay na natutuhan ko kay Franco, ang magdrive ng jet ski. Tuwing nasa dagat kami noon, alin man sa nagkakarera kaming dalawa, nag-e-snorkeling, o nasa tree house kami.
Ang tree house! Natutuwang sabi ko sa sarili. Pero dagli din iyong nawala kasi private property iyon at isa pa baka wala na doon ang tree house sa isla. Sa tagal ng panahon, baka hindi na rin iyon naalagaan pa ni Franco.
Nagpasya na lang akong mag-snorkeling sa islang katabi ng isla ni Franco. Masyado akong naaliw kaya hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng oras. Medyo tumataas na ang tubig kaya nagpahinga muna ako saglit sa beach ng isla.
Maya-maya pa nang makabawi ako ng lakas, nag-decide na akong bumalik sa amin. Pero bago ‘yon napasulyap ako sa isla ni Franco. Hindi naman siguro masama na dumaan lang ako doon, sabi ko sa sarili.
Kaya sa halip na umuwi, iniikot ko ang jet ski at tinahak ko ang papunta sa kabilang isla. Pagdating ko doon itinali ko agad sa may punong niyog ang sasakyan. Iginala ko ang paningin sa paligid. Mas lalo ‘atang sumukal ito kaysa dati.
Tinahak ko ang papuntang tree house. Ang dating malilit na mga puno, ngayon ay matatayog na kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Narating ko ang puno, kung  saan nakalagay ang tree house. At nagulat pa ako ng makitang nandoon pa rin iyon.
Nilapitan ko ang puno at pinagmasdang mabuti ang kubo sa itaas, mukhang hindi na rin masyadong nagagawi doon si Franco. May mga butas na ang bubungan nito at may sira na rin ang dingding.
Umakyat ako sa itaas. Kagaya ng dati wala pa ring ipinagbago ang islang iyon. Maganda pa rin at mas lalong gumanda dahil nagsilakihan na ang mga puno sa paligid. Nakaka-engganyong pagmasdan ang kulay berdeng dahon ng mga ito.
May mga gamit pa rin doon si Franco. Ang banig na ginamit nito noong ayain ako nitong magpicnic sa beach ng isang isla ay naroroon pa rin. Napangiti ako sa alaalang iyon. Sumingit sa aking isipan ang sunog na itlog na niluto nito. Andun pa rin ang gitara nito na may sira na, dala na rin siguro ng kalumaan noon.
Inilatag ko ang banig at nahiga doon. Sumisingit sa mga butas ng bubong niyon ang sinag ng araw. Napapikit ako. Sandali kong ninamnam ang katahimikan ng isla. Ang masarap na simoy ng hangin at huni ng mga ibon. Napakapayapa.
Nakalimutan ko na ang pagbalik sa amin. At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa malalakas na kulog sa kalangitan. Agad kong iminulat ang aking mga mata. Kinikilala ang aking paligid at napagtanto kong nasa isla pa rin ako.
Dali-dali akong bumangon at mabilis na nagtungo sa dalampasigan. Paalis na sana ako sa isla ng makita ko kung gaano kalalaki ang mga alon. Hindi iyon kakayaning salungahin ng jet ski. Nagsimula na ring bumuhos ang malakas na ulan.
Wala akong nagawa kundi bumalik sa kubo. Tantya ko alas kuatro pa lang ng hapon pero napakadilim na ng buong paligid. Lumalakas na din ang hangin sa isla. Tila may paparating na bagyo.
Palilipasin ko muna ang sama ng panahon bago umuwi sa amin, pero sigurado ako mag-aalala sina Mommy at Daddy. Bulong ko sa sarili.
Pero habang lumilipas ang mga oras, mas lalo pang sumasama ang panahon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang mga puno sa isla ay halos magsayawan sa tindi ng lakas ng hangin, maging ang tree house ay halos madala na din. Naginginig na ako at basang-basa. Kinuha ko ang banig na pinangsapin ko kanina at iyon ang aking ipinangsangga sa ulan.
***
Franco
Alas dose nang hating gabi. Nasa kasarapan na ako ng pagtulog ng sunod-sunod na nag-ring ang cellphone ko. Kasalukuyan pa din akong nasa San Bartolome at may inaayos pa ako sa resort na ibinilin ng papa bago tumungo papuntang Amerika. Masama din ang panahon kanina pa kaya hindi rin ako nakaalis.
Kung sinuman ang tumatawag na ito ng dis-oras ng gabi ay makakatikim ng salita mula sa akin. Sinagot ko iyon ng hindi nagmumulat ng aking mga mata.
“Hello,” sabi ko sa naiinis na tono.
“Hello? Franco?” anang tarantang boses sa kabilang  linya.
Nagising akong bigla ng mabosesan ko si Tita Zenny. Anong nangyayari at ganitong oras ng gabi ay napatawag ito bigla sa akin?
“Yes, Tita. Why?” kunot-noong tanong ko.
“Are you in San Bartolome? Did Marga went there?” magkakasunod na tanong nito
Napatayo akong bigla ng marinig ang pangalan ni Marga. “Yes, Tita. I am here at our mansion and no, Marga didn’t went here.” Sagot ko pagkatapos ay nagtanong, “Why? Did something happened to her?” unti-unting umusbong ang pag-aalala sa dibdib ko.
“Hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon. Sabi niya kanina, she was just going to roam around here and checked our resort. Tapos sabi ng isang tauhan sa resort, kinuha daw nito ang susi ng jet ski at hindi rin naman nagsabi kung saan pupunta.”
Habang pinakikinggan ko ito ay dali-dali akong nagbihis.
“It’s already past midnight, pero hindi pa rin siya bumabalik. Masama pati ang panahon. Natatakot ako baka kung ano ng nangyari sa kanya. Hindi ko na kakayanin pa ‘pag may nangyari ulit na masama sa kanya.” Ang hysterical na sabi nito.
Napatigil ako sa pagsi-zipper ng pantalon ko. Anong ibig nitong sabihin? Pero dagli rin iyong nawala ng marinig ko ang komusyon sa kabilang linya. Naririnig ko ang usapan nina Tito Valencio, at sa hinala ko ay mga coast guard ang ilan sa mga naroroon.
Hindi ko na hinintay pang patayin ni Tita Zenny ang tawag, dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse ko at agad nagpunta sa mga ito. Nadatnan ko doong pauli-uli si Tita Zenny at luhaan. Habang si Tito Valencio naman ay kabi-kabila ang kausap sa telepono nito.
“Franco,” ang humahangos na sabi ni Tita Zenny pagkakita sa akin. Agad ako nitong niyakap. Kita kong hilam sa luha ang mga mata nito.
Hindi ko maintindihan, bakit ganito na lang sila kung mag-alala kay Marga. Bakit sa pakiramdamn ko ay may mas matindi pang nagyari dito ng hindi ko nalalaman? Pero lahat ng ‘yon ay hindi ko na  isinatinig pa.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon