Kumawala ako sa yakap ni Gina. “Ano ba yan? Nagpunta ako dito para kahit paano ay maaliw ang sarili at makita ka. Pero nauwi yata ako sa pagbabalik tanaw ng aking nakaraan.” Tatawa-tawang sabi ko dito.
Tumawa din si Gina. “Well, alam mo namang nandito halos lahat ng alaala niyo,” anito sabay linga sa paligid. Kahit si Gina ay nalulungkot din sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Franco.
“That’s all in the past. I need to move on, Gina,” sabi ko at pinasigla ang aking boses. “Teka may balita ka ba kay Nicole? Ang tagal ko ng hindi siya nakakausap,” pag-iiba ko ng usapan para mawala sa isip ko ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Franco.
Nakuha naman agad iyon ni Gina kaya inakay na ako nito papuntang cafeteria.
“Naku ‘yong babaeng ‘yon, walang balak umuwi. Nag-e-enjoy nang husto sa Paris,” sagot nito habang naglalakad kami.
Si Nicole ay isa ng fashion designer ng kilalang brand sa Paris. Matagal na din itong wala sa San Bartolome. At may asawa na rin ito, isang Italyano.
“Eh, ikaw? Kailan ba kayo magpapakasal ni Dexter?” tanong ko rito na may halong panunudyo.
Akalain mo ba naman sila pala ni Dexter ang magkakatuluyan. Kay Nicole hahabol-habol noon ang lalaki, pero kay Gina pala ito babagsak.
Sumimangot si Gina. “I don’t know. We never talked about it.”
“But, are you sure about him?”
Tila nag-isip muna ito bago sumagot. “I am. But, he still have plans sa ibang mga bagay.”
Teacher din si Dexter sa SPC at sa kwento noon sa akin ni Gina, ito ang breadwinner ng pamilya. Kaya hindi basta-basta makapag-desisyon sa pagpapakasal. Kailangan pa daw patapusin nito ang bunsong kapatid bago gawin iyon.
“By the way, tamang tama ang dating mo dito sa atin. May college reunion tayo sa Friday,” maya-maya’y sabi nito sa akin.
“Reunion?” napatigil ako at nilingon ito. “Count me out.” Mabilis kong sagot.
“Ang bilis mo namang humindi. Reunion for a cause ‘yon. Pakulo ng school. Para daw mas maraming scholar na masuportahan next school year.”
“I still have things to do in Makati, para sa opening ng restaurant namin, kaya baka busy ako.”
“Baka pa lang naman eh. You’re still not sure. Basta pumunta ka,” sabi nito at nagpatiuna na sa paglalakad. Sumunod naman ako dito nang bigla itong huminto at hinarap ako. “Don’t tell me ayaw mo lang magpunta kasi baka magkita kayo ni Franco?”
“Of course not!” mabilis kong tanggi.
“Then, I’ll take that as a yes. Hindi rin naman na-attend si Franco ng reunion natin mula noon.” Pagbibigay alam nito sa akin.
Nagkibit-balikat ako. “I never asked.”
“At least alam mo na, kahit ‘di ka magtanong.” Tatawa-tawang sabi nito. At pumasok na sa loob ng cafeteria.
Matagal pa kami nitong nagkwentuhan sa doon, bago ko naisipang magpaalam dito. Oras na rin kasi ng klase nito. Pero nangako ako ritong magkikita ulit kami.
**
Pagkagaling ko sa SPC, umuwi ako saglit sa amin. ‘Di rin naman ako nagtagal at umalis akong muli. Sinusulit ko ang mga araw na ito para libutin ang mga lugar na pinupuntahan ko dati.
Marami na ring ipinagbago ang San Bartolome. May mga bagong istruktura na sa bayan. Mga fast food chains, malls at kung anu-ano pa. Marami na ring kabahayan at mga bagong subdivisions. Ang tanging lugar lang na walang ipinagbago ay ang lugar namin, dahil halos lahat ng nakatira doon ay may-kaya sa buhay.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang (Unedited)
RomanceNagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya p...