Chapter 18

349 13 0
                                    

Maganda nga talaga ang ibinigay na location sa amin ni Mr. Lorenzo. Matao at very popular ang lugar. But aside from that, may purpose talaga kung bakit niya ito inirekomenda sa amin. Maaari  kasing dalhin dito ni Mr. Lorenzo ang mga ka-business meeting niya or he could just have a lunch or dinner meeting here if ever. Since, malapit lang nga itong place na ito sa office nito.
Umiling-iling ako. Iba nga pala talagang mag-isip ang mga business minded na tao. Walang talo pagdating sa negosyo. At natutuwa naman ako sa isiping ‘yon, at least palagay na agad ang loob ko na magiging maayos ang takbo ng negosyo namin dito.
Iginala ko ang paningin sa paligid. Isa iyong commercial building at marami ding iba’t ibang businesses sa loob nito.
Bago kami maghiwalay ni Mr. Lorenzo kanina, ibinigay n’ya sa akin ang contact number nang mismong may-ari ng building na iyon. Isang nagngangalang Bianca Rosales ang nakasulat sa calling card na ibinigay ni Mr. Lorenzo sa akin.
Tinawagan ko na ito kanina bago ako magpunta rito. Sabi ng babaeng kausap ko na magkita na lang daw kami sa isang coffee shop na nasa first floor ng mismong building na iyon. Papa-reserved na lang daw ito doon.
Hinanap ko ang coffee shop na sinasabi nito. Hindi rin  naman mahirap hanapin dahil nag-iisa lang iyon. Pumasok ako sa loob at tinanong ko sa crew kung saan naroon ang kinauupuan ni Bianca Rosales. Mabilis naman akong itinuro nito kay Bianca na nasa isang corner ng shop.
Nakatalikod sa kinatatayuan ko ang babae, pero kapansin-pansin ito dahil matangkad at maputi at mahaba ang blonde na buhok. Nakasuot ito ng isang mini red dress na lalong nagpatingkad sa kulay nito.
Naka-ready na ang ngiti ko ng tumapat ako sa kinauupuan nito. “Hi! Are you Miss. Bianca Rosales?” tanong ko sa babae na kasalukuyang humihigop ng kanyang kape
Nakita kong nagulat ang babae at muntikan ng matapon ang iniinom nito. Nangungunot ang noo nito habang nakatitig sa akin, pero dagli din iyong nawala. Napalitan iyon ng isang kaakit-akit na ngiti.
Ibinaba nito ang tasa ng kape at tumayo. “Yes. I’m Bianca and you must be Marga.” At inilahad nito ang kamay sa harap ko.
Ako naman ang nagulat, pero sandali lang iyon. Tinanggap ko agad ang pakikipagkamay nito. Hindi ko kasi natatandaang sinabi ko rito ang first name ko, pero baka nasabi na ni Mr. Lorenzo sa babae ang pangalan ko kaya ipinagkibit ko lang iyon ng balikat.
“Please, take a seat,” sabi nito at inilahad ang upuang nasa harapan nito. Mabilis naman akong naupo.
Kung kanina ay kapansin-pansin na ito mula sa likuran, mas lalo na ngayong kaharap ko na ito. Agaw atensyon ang pagkakahawig nito sa manikang si Barbie. At sa palagay ko halos kasing-edad ko lang din ito.
“Mr. Lorenzo said, you’re the owner of this building. He also said that he already talked  to you about the business we’re going to open here,” ang mahabang sabi ko dito.
“Yes. And I am glad you chose this place.” Ngumiti ito, pero kitang-kitang hindi iyon umabot sa mga mata nito.
“Well, magaling pumili ng lugar si Mr. Lorenzo and anytime soon, we would like to sign a lease here.” Ngumiti rin ako, ‘yong ngiting ginagamit ko sa tuwing nakikipag-deal ako sa mga investors.
“Thank you,” anito at tila biglang may naalala. “Oh, I almost forgot, what would you like to drink? I’m sorry for being so inconsiderate. Baka hindi ka pa kumakain,” hinging-paumanhin nito ng mapunang hindi pa ako nakaka-order.
“It’s fine Miss Rosales. I already had lunch at the cafeteria on Mr. Lorenzo’s building,” sabi ko rito.
Biglang umilap ang mga mata nito. Napahigop ito ng kape ng wala sa oras. Ngunit lahat ng iyon ay balewala sa akin. Siguro may iba lang itong iniisip ng mga sandaling iyon.
Huminga ito ng malalim. Pagkatapos ay ngumiti na ulit ito kagaya kanina, pero parang pilit lang iyon. “Just call me Bianca. Can I call you Marga? Hindi naman siguro tayo nagkakalayo ng edad.”
“Of course,” mabilis kong sagot. “Mas okay sa ‘kin iyon. Mas magiging madali sa akin ang makipag-negotiate sa ‘yo.” At ngumiti ako dito.
Pero iba talaga ang ibinibigay nitong tingin sa akin, at ikinapagtataka ko iyon. Ngayon lang naman kami nagkakilala, ngunit tila matagal n’ya na akong kilala.
“I’ll just call you when the lease agreement is done. Madali ka lang naman sigurong hanapin ‘di ba?” sabi nito na sa pagtataka ko ay may diin ang mga huling salitang sinabi nito. Hindi ko na lang iyon pinansin.
“Oo naman. I lived in a condo unit here in Makati at wala naman akong ibang gagawin kundi ayusin ang business namin dito. You can call me anytime,” sabi ko dito.
Maya-maya pa ay nagpaalam na ito. May lakad pa daw kasi ito. Pero halatang-halata ang pag-iwas nito sa akin sa mga kilos nito.
O guni-guni ko lang iyon? Sa isip-isip ko.
**
Katatapos ko lang magluto ng tumawag si Troy sa akin.
“So, kumusta ang deal natin kay Mr. Lorenzo?” agad na tanong nito pagkasagot ko ng telepono.
“Bakit ‘di mo sinabi sa akin na matagal na palang may offer sa atin si Mr. Lorenzo?” ganting tanong ko rito, habang nakapamaywang ang isang kamay.
Narinig kong humugot ito ng malalim na hininga sa kabilang linya. “You know the answer to that,” anito.
Umirap ako. “Buti na lang mabait si Mr. Lorenzo at hindi ka n’ya tinantanan. We could have lost a great opportunity here,” panenermon ko pa rito.
“Well, tell that to yourself Marga. Ikaw lang naman ang iniisip ko ng mga panahong iyon,” nangongonsensya namang sabi nito.
Ako naman ang bumuntong-hininga at naupo. “I know that and I really appreciate your concern. Pero kung sinabi mo siguro ng mas maaga sa akin, walang dahilan na hindi kita maiintindihan. Like what you always said, this is our business.”
Natahimik ito at ganoon din ako. Tila pareho kaming may iniisip.
“So, when are you going to sign the contract? ” basag nito sa katahimikan.
“Tawagan ko na lang daw si Mr. Lorenzo kapag ready na ang contract and for the lease agreement, hihintayin ko na lang ang tawag ni Bianca, ‘yong may-ari ng commercial building ng pagtatayuan natin.”
“Ganoon ba? Basta, update me kapag okay na lahat, para makapag-start na tayo sa mga kailangan nating gawin. And if anything happens, call me right away okay?” pahabol nitong sabi at nagpaalam na.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng muling tumunog iyon. Sinagot ko iyon ng hindi tinitingnan ang caller ID sa pag-aakalang si Troy pa rin iyon.
“What? You forgot something to say?” tanong ko.
“Ganyan ka na ba ngayon kumausap ng tao sa telepono ha, Marga?” tanong ng  boses sa kabilang linya, na walang iba kundi ang mommy ko.
Napatayo ako bigla. “Sorry, Mommy. I thought you were Troy. Kakatapos ko lang siyang kausapin ng tumawag kayo.” Mabilis kong paliwanag dito.
“Ganoon ba?” nagbagong bigla ang tono ng boses nito. “How is he?” tanong ni Mommy.
“He’s doing fine, Mom. Kayo kumusta na? Hindi agad ako nakatawag sa inyo kahapon dahil sa pagod sa byahe. Kanina naman nakipag-meeting ako sa investor namin,” mahabang sabi ko dito.
“Dalawin mo na lang kami dito sa San Bartolome para malaman mo ang kalagayan namin. Tutal andito ka na rin sa Pilipinas. Hindi naman siguro masama kung pupunta ka dito paminsan-minsan,” may himig-pagtatampong sabi nito.
“Mommy—”
Bago ko pa naituloy ang sasabihin ko ay nagsalita na ulit ito. “Marga, hija, we’re not getting any younger. Kami ng Daddy mo. Hindi ko naman ikaw pinipigilan sa gusto mong gawin sa buhay, pero maari mo naman sigurong gawin iyon kung naririto ka sa amin. Malayo ang Singapore hija. At nag-aalala kami palagi sa iyo.”
Hindi ako nakaimik. Tamang lahat ang sinabi ni Mommy. Pare-pareho kaming maraming isinugal lalo na noong nagkasakit ako, pero mahirap ‘ding balikan ang mga bagay na magpapaalala sa ‘yo sa nakaraan.
“Marga, Franco is happily married now. Wala ka ng dapat ikabahala ‘don. I think naman, sa tagal ng panahon ang dumaan ay napatawad ka na rin niya,” dagdag pa nito.
Lumukob ang kakaibang lungkot sa puso ko pagkarinig sa pangalan ng lalaki. Maaring napatawad na nga ako ni Franco, pero hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa mga nangyari sa amin. Ako ang naging dahilan kung bakit kami magkahiwalay ngayon at tama lang na magdusa ako.
Bumuntong-hininga ako. “Hindi ko alam, Mommy. Baka magkita kami ni Franco kapag umuwi ako d’yan,” may halong takot na sabi ko.
Ito naman ang nagpakawala ng buntong-hininga. “Marga, anak, hindi magkukrus ang landas ninyo kung pupunta ka sa mga lugar kung nasaan siya. Alam kong alam mo ang mga lugar na iyon. Pwede ka namang dito sa bahay o sa plantasyon. Hindi mo ba nami-missed ang manggahan?” tanong nito.
Lalo lang akong nalungkot pagkabanggit sa mga lugar na pinupuntahan ko dati. “Nami-missed ko Mommy. Nami-missed ko ang buong San Bartolome…”
“Iyon naman pala eh. Dalawin mo na kami dito ng Daddy mo, okay?” masigla ng sabi nito.
“I’ll try Mommy.”
“Don’t just try, Marga. Just do it. We will wait for you here.” Sabi nito at agad na pinatay ang telepono kahit hindi pa ako nakakapagpaalam. Isang paraan iyon nito para hindi na ako makaangal pa.
Matagal-tagal din akong nag-isip at tinitimbang ang mga maaaring mangyari. Iniisip ko pa lang lahat ng ‘yon parang pinanghihinaan na ako ng loob.
Hindi ko alam, pero bahala na. Sabi ko sa sarili.
**
Nang mga sumunod na araw abala ako sa pag-aasikaso ng mga kailangan sa bubuksang restaurant. Mula sa investment contract, budgeting, hangggang sa pagca-canvass ng mga gamit na kakailanganin. Lahat ng iyon ay mabusisi kong pinag-aaralan.
Hindi naman naging mahirap ang paghahanap ng mga gamit. May kasosyo rin kasi si Mr. Lorenzo na nagbebenta ng mga ganoong bagay, kaya mas pinili kong doon na lang din magtingin ng mga gagamitin namin. At sa tingin ko naman ay papasa iyon kay Troy.
Pagdating sa negosyo namin, magkasama kaming nagde-decide kung alin ang dapat at hindi. At the same time pareho naming isinasaalang-alang ang opinyon ng bawat isa.
May fax machine si Troy sa condo nito kaya ‘yon ang ginagamit ko para ipadala dito ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng approval nito. Kagaya ngayon, marami akong kailangang ipadala kay Troy. May mga ipina-fax din ito para naman sa branch namin sa Paradise Hotel. Halos naubos ang maghapon ko sa pagpirma at pagbabasa ng mga ipinadala nitong papeles.
Nang sumapit ang gabi nag-decide akong lumabas para mag-unwind. Kumain na rin ako sa labas para ‘di na ako magluto pag-uwi. Naglibot-libot ako sa mall na pinuntahan ko, nagbabakasakaling may magustuhan doon. Nakakita ako ng bookstore. Pumasok ako doon at hinanap ang poborito kong author. Mabilis ko naman iyong nahanap at bumili ng mga bagong labas nitong libro.
Paglabas ko ng mall biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong dalang payong kaya nanatili lang akong nakatayo sa labas ng mall habang pinatitila ang ulan.
Napagawi ang tingin ko sa ‘di kalayuan. May isang kotse na paparating at sa pagtataka ko bigla itong tumigil sa may bandang harapan ko. Kunot-noong tinitigan ko ang tinted na salamin ng kotse.
Sino naman kaya ito? Sa isip-isip ko. At nanalanging sana ay umalis na ito doon. Pero nanatiling naka-park lang ang sasakyan sa harapan ko.
Luminga ako sa paligid. Walang ibang tao doon kundi ako lang at ilang mangilan-ngilang shoppers na nagpapatila din ng ulan. Wala namang ibang nakakaalam na nasa Manila ako kundi ang pamilya ko at sina Gina at Nicole. At kung may makakakilala sa akin ay malabong mangyari iyon dito sa Makati, dahil taga San Bartolome ako.
Sa naisip ay bigla akong kinabahan. Marahas kong nilingon ang sasakyan na hindi pa rin umalis sa harap ko. Iisa lang ang alam ko na maaaring magawi dito at ‘yon ang taong pinakaiiwasan ko, si Franco!
Nang maisip iyon ay dali-dali akong umalis. Wala akong pakialam kahit mabasa man ako ng ulan. Tatakbo akong pumara ng taxi at nagmamadaling sumakay. Malakas na malakas ang tibok ng puso ko at nang lingunin ko ang kotse, naroroon pa rin ito.
Huminga ako ng malalim. Siguro napa-paranoid lang ako sa dami ng iniisip. Sinabi ko sa driver ang address ko at doon nagpahatid.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon