“Fra-Franco!?” nanlalaki ang mga matang sabi nito. “A-anong ginagawa mo dito?” nilingon nito ang orasang nakasabit sa dingding. Alas dyes na nang gabi.
Hinagod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang mga mata ko sa punong dibdib nito na bahagyang nakalabas dahil sa hindi maayos na pagkakatali ng roba. Bigla akong nakaramdam ng init.
Dali-dali nitong tinakpan iyon na parang naeeskandalo. Nasasamyo ko dito ang mabangong aroma ng shampoo at sabong gamit nito. Pinaghalong lavender at mint iyon. Napapikit ako. Wala sa loob na humakbang ako papasok hanggang sa tuluyan ng sumara ang pinto.
Napaatras si Marga. Bawat hakbang ko pasulong ay isang hakbang naman nito paatras. Hanggang sa wala na itong maaatrasan pa. Tumataas-baba ang dibdib nito. At sa pagtigil niyang iyon, unti-unti kong iniangat ang aking kanang kamay. Titig na titig ako dito. Nakikita ko ang repleksyon ng mga mata ko sa mata nito. Nagbabaga iyon. Nag-aapoy.
Dumako ang kamay ko sa pisngi nito at masuyong hinaplos iyon. Ang init na nagmumula roon ay unti-unting tumutupok sa katinuan ko. Narinig ko ang malakas nitong pagsinghap. Bumuka ang bibig nito, ngunit hindi iyon makaapuhap ng sasabihin. Naiwang nakaawang ang mga labi nito.
Pinaglandas ko ang aking mga daliri doon. Napapikit ito. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga labi nito. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking ulo papalapit sa mukha nito. Ang mainit nitong hininga na tumatama sa mukha ko ay lalong nagpatindi sa init na nararamdaman ko. Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog ang dibdib ko sa tindi ng pangungulila ko dito.
Para naman itong itinulos sa kanyang kinatatayuan. Kaya’t sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Mabilis kong hinapit ang katawan nito at inaangkin ang kanyang mga labi.
Sa una, padampi-dampi lang ang mga iyon sa labi nito. Nananantya. Nangingilala. Habang pinakikiramdaman ko si Marga. Hindi ito nagprotesta. Kaya't ang damping halik ay naging mapusok. Mapaghanap. Ang lambot ng mga labi nito at mumunting ungol ay nagpapabaliw nang husto sa akin. At sa pangalawang pagkakataon, naangkin kong muli ang mga labing iyon na kaytagal ko ng pinangungulilaan.
Maya-maya pa, naramdaman kong tumutugon si Marga. Inilagay ko ang mga braso nito sa leeg ko at dali-dali ko itong binuhat, pabalik sa kwartong pinanggalingan nito. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama ng hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Ang munting katinuan ay nawala na sa aking isipan. Pinaglandas ko ang aking kamay sa hugpungan ng roba nito at dagling natanggal sa pagkakatali iyon.
Saglit kong inilayo ang katawan ko dito upang tingnan ito sa mga mata, ngunit nanatili iyong nakapikit. Muli kong tinawid ang pagitan ng mga mukha namin, and this time the kissed was longer. Longer enough for us to be out of breathe.
Hindi ako nakontento. Naglakbay pababa sa leeg nito ang mga labi ko. Kasabay noon ay ang mga kamay kong mapaghanap. At ang bawat daanan noon ay nagbibigay ng mumunting apoy sa katawan nito. Hanggang sa mapadako iyon sa mayayamang dibdib nito. Biglang napaarko ang katawan nito. Ngunit kasabay ng ginawa niyang iyon ay nadaanan ng kamay ko ang kakatwang pilat sa ilalim ng kaliwang dibdib nito.
Kagyat akong napatigil. Wala akong naaalalang mayroon ito ‘nun. Kunot-noong tiningnan ko ang pilat na iyon sa dibdib nito. Pagkatapos ay lumipat ang tingin ko sa mukha nito. Nagmulat ng mga mata nito si Marga at kitang-kita ko doon ang takot. Bigla itong namutla. Mabilis ako nitong tinabig at dali-daling tumayo. Hindi magkandatuto sa pagbabalik ng tali ng roba.
Biglang nawala ang kalasingan ko. Naupo ako sa kama nito at mataman itong pinagmasdan. “What is it, Marga? Anong ibig sabihin ng pilat na iyon?” sunod-sunod kong tanong dito. Kakaibang takot ang nababanaag ko sa mga mata nito. Takot na matagal ng gumulo sa aking isipan sa tuwing kakausapin ko ito.
Ikinuskos nito ang isang kamay sa magulong buhok, habang ang isa ay nakakapit sa roba nito. “Get out Franco,” ang mahinang sabi nito.
Naihilamos ko sa aking mukha ang mga kamay ko. “Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin ang totoo?”
“Dahil hindi na kayang ibalik noon ang lahat, Franco.” Punong-puno ng pait na sabi nito. “Kahit anong sabihin ko sa iyo, hindi na magbabago ang katotohanang nakatali ka na sa iba.”
Blangko ang mukhang tiningnan ko ito sa mga mata. Nauunawaan ko ang ibig nitong sabihin. Ayaw nitong makagulo sa amin ni Bianca. Kung alam lang nito… kung alam lang nito ang totoo. Ngunit, hindi ko sasabihin ang totoo dito hangga’t hindi ko nalalaman ang lahat ng tinatago nito.
“Why don’t you try me, Marga?” iyon ang nanulas sa bibig.
“No, Franco. No.” Mariing sabi nito habang iiling-iling. “Get out, Franco.” Nanginginig na sabi nito.
Huminga ako ng malalim. “Aalis ako dito, pero hindi ibig sabihin noon tapos na tayo. Believed me, Marga, gagawin ko ang lahat malaman ko lang ang totoo.”
At pagkasabi ko noon ay iniwan ko na ito. Hindi ako pumunta sa kabilang unit. Dumeretso ako sa aking sasakyan, at iisa lang ang lugar na naiisip kong puntahan na siyang makakasagot ng aking mga katanungan. Ang mansion ng mga Agustin.
**
Marga
Iniwan ako ni Franco na tila nauupos na kandila. Muntikan na akong bumigay dito ng hindi ko man lang namamalayan. Ang traydor kong puso at isip, pati na katawan ay magkakasamang sumuko sa mga haplos at halik nito.
Ganoon na ba ako kabaliw dito? Na konting haplos lang ay bibigay na agad ako? Ipinilig ko ang aking ulo. Natangay lang ako sa nangyari. Sabi ko sa sarili.
Tumayo ako. Babalik na sana ako sa banyo ng may kumatok ulit sa pinto. Hindi ko na sana bubuksan iyon, ngunit aayaw tumigil ng kung sinumang nasa likuran niyon. Pagbukas ko ng pinto ay nanlilisik na mga mata ni Bianca ang bumulaga sa akin. Agad ako nitong binigyan ng sampal na hindi ko nagawang iwasan sa bilis.
“I thought nakuha mo na ang gusto kong ipahiwatig nang pumunta ako sa opening ng restaurant mo. Hindi pa pala.” Galit na galit na sabi nito.
Hindi ako makapagsalita. Sapu-sapo ko ang nasaktang pisngi. Ganito pala ang pakiramdam ng nahuhuli sa akto. Nawawalan ng imik. Pero wala namang nangyari sa amin ni Franco. Gusto ko iyong isigaw sa pagmumukha nito.
“Ang kapal din naman ng mukha mo. Pagkatapos mong iwanan at saktan si Franco, bigla ka na lang magpapakita na parang walang nangyari? Napakahusay mo naman Marga.” Palatak pa nito.
Hindi ko alam kong may iba pang tenant sa floor na iyon na nakakarinig sa pinagsasabi nito. Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko, ngunit imposibleng mangyari iyon. Kaya’t wala akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang galit nito.
“Nasaan na ang dila mo, Marga. Alam ba ng mga kaibigan mo kung sino ka talaga? Na ang napakabait na si Marga Agustin ay may kalandian din palang tinataglay. Isang ahas,” mariing sabi nito.
Napapikit ako sa sinabi nitong iyon. “Please, Bianca. Kung gusto mong mag-usap tayo, doon tayo sa loob, huwag dito.” Nakikiusap na sabi ko.
“Hindi, Marga. Dahil ayokong makita pa ang bakas ng ginawa niyo ng asawa ko sa loob. Hindi na rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang ipamukha sa ‘yo kung saan ka lulugar,” anito.
At bago ito umalis ay may sinabi pa ito na labis kong ikinagulantang, higit sa mga nangyari nang gabing iyon. “Buntis ako, Marga. At kung may natitira pang konsensya d’yan sa puso mo, hindi mo aagawain sa amin si Franco.” Iyon lang at umalis na ito.
Napasandal ako sa pintuan at doon umamot ng lakas. Nakakagimbal ang mga nangyayari ngayong gabi at gusto kong takasan na lang ito lahat.
***
Bianca
Nagbabaga sa galit ang kalooban ko ng lisanin ang condo ni Marga. Kulang pa ang sampal na iyon na ibinigay ko dito. Pero hindi maikakatwa niyon ang naibigay na kasiyahan sa akin ng makita ko ang itsura nito kanina. Takot, pangamba, at pagkapahiya. Para itong pinagsakluban ng langit at lupa ng sabihin kong buntis ako. Kaya naman, hindi ako titigil hangga’t hindi nito nilulubayan si Franco. Hinding-hindi ako papayag na maagaw nito sa akin ang aking asawa.
Over my dead body!
Nang makarating ako sa basement ay agad kong pinaharurot ang aking sasakyan. Dumeretso ako sa bar na pinanggalingan ni Franco kanina. Agad akong humingi ng martini at inisang lagok ko iyon.
Napansin kong may isang matangkad na lalaki ang tumabi sa kinauupuan ko. Umorder ito ng alak at pagkatapos ay inilagay sa harapan ko. Kunot-noong nilingon ko ito.
Mula sa malamlam na liwanag ng ilaw napansin kong may itsura ito. Makakapal ang mga kilay nito at nagningning ang mapaglarong mga mata nito. Pero kapansin-pansin ang kakatwang pilat nito sa gilid ng itaas na labi.
“Do I know you?” hindi ko na napigilang tanong dito.
“No. but, I do know you,” makahulugang sabi nito. “I know you’re Franco’s wife.”
Naintriga ako dito ng marinig ang pangalan ni Franco. Napokus na ang atensyon ko dito. “How do you know my husband?”
Napatawa ito sabay simsim sa alak na hawak niya. “Long story. But, if you want him to suffer, I am offering my help.”
Kitang-kita ko ang misteryosong ngiti sa mga labi nito. At ang mga mata nito’y may ikinukubling poot. Tumayo ito nang maubos ang alak na nasa baso nito.
Papatalikod na ito ng muli ko itong tanungin, “Hey, I asked you. Who are you?”
Lumingon ito. Nandoon pa rin ang misteryosong ngiti sa mga labi nito. “Greg. Greg De Castro. And if you want to find me, call me here.” At iniabot nito ang isang calling card sa akin, sabay alis sa lugar na iyon.
Kunot-noo kong binasa ang nakasulat sa calling card na iniwan nito, Greg De Castro.
Nagkibit-balikat ako. Pero tumanim sa isip ko ang sinabi nito. That if I need help, I could just call him. Sa puntong iyon napangiti ako. May kakampi pa rin pala ako. At mas lalong lumakas ang loob ko sa kaalamang iyon.
Isa lang naman ang gusto ko. Ang mawala si Marga sa buhay namin ni Franco.
**
Franco
Dumating ako sa San Bartolome ala una ng madaling araw. Pero hindi sa mansyon namin ako tumuloy, kundi sa mga Agustin.
Sunod-sunod na busina ang ginawa ko na ikinabulahaw ng buong bahay. Nakita kong inaantok pa si Mang Dante ng pagbuksan ako ng gate. Nagulat pa ito ng makilala ako.
Tuloy-tuloy ako sa loob ng mansyon. Naabutan kong bumababa ng hagdanan sina Tita Zenny at Tito Valencio. Larawan sa mukha ng mga ito ang pagtataka sa hindi inaasahang pagdalaw ko sa ganitong oras.
“Franco, hijo. Anong problema?” tanong ni Tita Zenny ng makarating sa ibaba.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita, “I’m here to ask you about Marga. At hindi na ito pwedeng ipagpabukas pa.”
“Bakit? May nangyari bang hindi maganda sa anak ko? Ha, Franco?” nag-aalalang tanong ni Tita Zenny. Nanatiling nakamasid sa akin si Tito Valencio.
Inihilamos ko ang isa kong kamay sa aking mukha. Litong-lito na talaga ako. Sa tuwing may itatanong ako sa mga ito tungkol kay Marga ay ganito ang nagiging reaksyon ni Tita Zenny. Balisa at alalang-alala.
“Tell me Franco, what happened to her.”
“Ang mabuti pa ay maupo muna tayo.” Noon lang nagsalita si Tito Valencio.
Mataman naman akong sumunod sa kanilang dalawa. Naupo kami sa sofa sa sala.
“So, Franco. Tell us what really happened?” tanong ni Tito Valencio.
“I… Marga and I are…” hindi ko makuhang sabihin ang nangyari sa amin kanina. Ayokong ipahiya si Marga sa sarili nitong mga magulang. Pero hindi rin ako makakakuha ng sagot sa mga ito kung ‘di ko sasabihin ang totoo. “I saw the big scar under her breast. What was that all about?” lakas-loob na tanong ko at sinalubong ang mga mata ni Tito Valencio na naging matiim ang pagkakatitig sa akin. Biglang kumuyom ang mga kamay nito. Si Tita Zenny naman ay napasinghap nang malakas.
“What have you’ve done, Franco?” tiim-bagang na tanong ni Tito Valencio. Pakiramdam ko anumang oras ay makakatikim ako ng suntok mula dito.
“I can explain everything to you, Tito…Tita…” sabi ko sa dalawa. Pagkuwa’y, “but… please tell me what really happened to her. I really need an answer right now. At tanging kayo lang ang alam kong makakasagot noon.”
Nagkatinginan ang mag-asawa. Tumikhim muna si Tito Valencio bago nagsalita. “Marga have been diagnosed breast cancer. Stage two. That’s thirteen years ago, Franco.”
“What?!” tila yumanig ang buong mundo ko ng marinig iyon. “Paanong nangyari iyon? ‘Ni wala siyang nababanggit noon sa akin. And she was very healthy back then.” Gulong-gulong sabi ko. Larawan ang mukha ko ng kalituhan, pagkamangha at pag-aalala.
“That’s all we knew, hijo. She didn’t even tell us about it. Not until your graduation when Benedict called us and told us everything.” Paliwanag ni Tito Valencio.
“But I am her fiancé. She should have tell me about it,” may hinanakit sa tinig na sabi ko.
“Marga was too afraid back then, Franco. She didn’t know what to do. She doesn’t want you to hurt you… to suffer or worst, to be left alone if ever she won’t survived with her treatment. That’s why she chose not to tell you about it.” Si Tita Zenny naman ang narinig kong nagsalita.
“But that’s bullsh*t!” malakas na sabi ko sa mga ito sabay tayo. Hindi ko na alintana kung sino ang nasa harapan ko. Ang kaalamang matindi ang pinagdaanan ni Marga at wala ako sa tabi nito ay hindi ko matanggap.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang (Unedited)
RomanceNagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya p...