Chapter 20

387 10 0
                                    

Franco
Naiwan akong nakatayo doon, habang pinagmamasdan ko papalayo ang sinasakyang taxi ni Marga. I really couldn’t believe what I have seen with my own two eyes. All these years I thought Marga was dead.
When the Agustin's came back without her in San Bartolome, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para magtanong. Dahil alam ko, they won’t tell me anything.
But, after all these years…thirteen years to be exact, bigla ko na lang itong makikita. ‘Ni hindi nagbago ang itsura nito, mas lalo pa nga itong gumanda sa paningin ko. But then, maraming taon ang ginugol ko para maghilom ang mga sugat na nilikha nito.  Tapos bigla na lang itong susulpot? ‘Ni wala man lang babala.
Napatawa ako ng bahaw. Anong joke ba ito ng tadhana? sa loob-loob ko.
Matagal akong hindi kumikibo sa aking kinatatayuan. Hindi ko na ninais pang bumalik sa party ni Tito William. Ngayon ko lang din nalaman ang relasyon ng dalawa sa isa’t-isa, and Tito William and I was also business partners. Isa rin ako sa mga executives ng Lorenzo Group of Companies.
Nag-invest din ito sa chains of gas stations namin na hindi lang sa San Bartolome mayroon ngayon. Marami na rin iyong branch sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Dumeretso na ako sa parking area at pinaharurot ang aking sasakyan. Sa isang exclusive subdivision dito sa Makati ako tumuloy. Pagdating ko sa bahay agad akong naupo sa sofa at inihagis ang maskarang tangan-tangan ko kanina pa. Akala ko nagkakamali lang ang mga mata ko nitong mga nakaraang araw, pero hindi pala. Si Marga nga palang talaga ang nakita ko. At bumalik ang daloy ng ala-ala sa aking isipan ilang araw na ang nakalilipas…
That day, I was in the middle of my meeting with other executives when Bianca called me. Pero dahil executive meeting iyon, I ignored her calls. Then, after the meeting I saw her text messages, and that made me so angry.
Bianca was drunk somewhere else. Hindi na kataka-taka iyon dito, dahil lagi naman itong ganito mula pa noon. At kung saang-saang bar ko ito natatagpuan to pick her up. But lately, napapadalas lalo ang paglalasing nito. Wala naman itong sinasabing dahilan sa akin. Hinahayaan ko na lang kaysa mag-away pa kami.
Hinanap ko kung saang lupalop ito naroroon. It was already past eight in the evening ng mapadaan ako sa isang mall sa Makati. I thought, at first, guni-guni ko lang ang lahat. Isang bulto ang nakita kong kahawig ni Marga. I was going to ignor her, pero ng pakatitigan ko itong maigi, it was really Marga! And this time, I’m sure about that. So, I suddenly stop. Sa tapat nito mismo.
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko ng mga sandaling iyon. She was really there, standing and waiting for the rain to stop. Pakiramdam ko lumukso ng maraming beses ang puso ko. Pati yata ang paghinga ay nakalimutan ko na. Matagal ko itong pinagmasdan. It’s the same old Marga, pero mas lalo pa yata itong gumanda.
Maya-maya nakita ko itong tumatakbo papalayo. Nababakas ko sa mga mata nito ang pagkatakot habang nakatingin sa tinted na salamin ng kotse ko.
Hindi na ako nag-isip pa ng mga sandaling iyon. Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa isang condo building just around the area. Sinubukan kong sundan siya hanggang sa loob, pero pinigilan ako ng security. Bawal daw magpapasok ng hindi tenant. Muntikan ko ng suntukin ang security guard ng mga oras na iyon. But I tried to control myself. Hindi na ako ang dating Franco. I know how to follow rules.
Nang sumunod na mga  araw, palagi na lang ako sa building nito. Nag-aabang at nagbabakasali. Pero, wala akong nakitang Marga na lumabas muli mula roon. Siguro nagkamali lang nga ako ng gabing iyon.
Umuwi ako sa bahay alas tres ng madaling araw. Nagulat pa ako ng maabutan kong gising si Bianca na nakaupo sa may sofa. Mukhang lasing na naman ito. Nakasuot ito ng kulay itim na pantulog na napakaiksi. Halos makita na ang lahat-lahat dito.
“Where have you been Franco?” tanong nito at binigyan ako ng isang matalim na tingin.
Nagkibit-balikat ako at dumeretso sa fridge para kumuha ng beer. Inisang lagok ko ‘yon.
Tumayo si Bianca na susuray-suray. “Well…well…well. The almighty Franco drunk a canned of beer. Very impressive,” pumapalakpak pang sabi nito. “What happened? May naalala ka na naman ba?” panunuya nito sa akin. Hindi nagbabago ang talim ng mga mata nitong nakatitig sa akin.
Malamig ang tinging ibinigay ko dito. “Go to your room Bianca, you’re drunk.”
Agad ako nitong dinaluhong ng mga suntok. “Did you miss Marga, again?! Ha, Franco?! Tell me!” sunod-sunod na pagbayo sa dibdib ko ang ginawa nito.
Hinayaan ko lang siyang magwala. Sa tuwing nalalasing ito, wala itong ibang bukang-bibig kundi pangalan ni Marga. Ito ang dahilan kung bakit hinding-hindi ko makalimutan si Marga. Palagi na lang may nagpapaalala sa akin.
“I know you, Franco. You still loved that b*tch!” sigaw nito.
Doon tumalim ang tingin ko dito. Walang araw na hindi ko naririnig ang mga kakatwang tawag nito kay Marga. Bianca was very obsessed with me. Nakilala lang nito si Marga ng isang beses na dalhin ko ito sa mansyon namin sa San Bartolome. Nakita nito ang mga pictures ni Marga sa kwarto ko. Mga pictures na ako mismo ang kumuha. Simula noon naging mainit na ang dugo nito kay Marga, kahit pa nga wala naman na ito at ‘ni hindi rin nito iyon nakilala. At dahil din doon, hindi ko na ulit ito dinala sa amin.
“Have you ever loved me, Franco?” hilam sa luhang sabi nito.
Tiningnan ko ito nang matiim. “I said go to your room.” Madiin kong sabi sa mga salita iyon at iniwanan ko na ito.
Dere-deretso ako sa aking kwarto. Naligo ako at nagsuot ng pantulog. Pagkatapos ay naupo sa kama. Ganito kami araw-araw ni Bianca, simula nang pakasalan ko ito walong taon na ang nakalilipas. Minsan napapagod na rin ako, pero dahil sa mga pinaggagagawa nito ay tinitiis ko na lang ang pagsasamang mayroon kami.
Magkasama kami sa iisang bahay, pero ‘ni minsan ay hindi kami nagkatabi sa iisang kwarto. At ‘yun ang isa pa nitong ikinagagalit. Kahit anong gawin nitong pang-aakit sa akin ay hindi ako bumigay. Dahil kahit kailan hindi na mapapawi pa sa isip ko ang gabing iyon na nakasama ko si Marga. At kabaliwan mang sabihin, ngunit tanging si Marga lang ang magmamay-ari ng katawan ko.
***
Saglit lang din naman ang itinulog ko. Umalis din ako ng maaga at nagtuloy sa condo kung saan ko nakita si Marga. At hindi naman ako nabigo. Nakita ko ito, very gorgeous as usual. Tila natigilan pa ito ng makita ang kotse ko. Siguro naging pamilyar dito ang kotse ko dahil sa nangyari sa mall.
Di nagtagal at sumakay na rin ito at nagpahatid sa kung saan, pero sa laking pagtataka ko, sa Lorenzo Group of Companies ito tumuloy. Nangunot ang noo ko.
Sino ang pupuntahan doon ni Marga? Imposible namang ako. Sabi ko sa sarili.
Nang mga oras na iyon nag-ring ang telepono ko, si Tito William ang tumatawag. Pinaaakyat ako nito sa itaas para daw makilala ko ang bago nitong business partner. At sa pagkamangha ko, nang tanungin ko ito kung sino ang bago nitong business partner, doon na nabuo ang lahat ng puzzles sa utak ko.
Si Marga ang tinutukoy nito. Pero paanong nakilala ni Tito William si Marga. At kelan pa? Hindi kasi si Tito William ang basta-basta nag-iinvest sa mga taong hindi nito gaanong kilala.
Para mas malinawan ako, kinompronta ko mismo si Tito William pagkatapos ng meeting nito kay Marga. At ang sabi nito ay nakilala daw niya sa Singapore ang business partner ni Marga na nagngangalang Troy Gascon. Again, nagtaka na naman ako, paano nakaabot ng Singapore si Marga? At sino ang Troy Gascon na tinutukoy nito.
Gulong-gulo ang isip ko noon. Kulang na lang tanungin ko mismo si Marga. Ngunit, natatakot ako, baka maglaho na naman itong bigla ‘pag nakita ako. At narinig ko ring sinabi sa akin ni Tito William na dadalo daw si Marga sa party nito.
At gaya ng sinabi ni Tito William um-attend nga si Marga. Maraming napahanga dito dahil sa angking ganda nito at isa na ako doon. Nanatili lang akong nakakumbli sa isang sulok kahit nakikita kong maraming umaali-aligid dito. Pinilit kong pigilan ang aking sariling huwag mabulyawan ang mga kalalakihang naroroon, dahil halos lahat sila, iba ang tinging ibinibigay kay Marga.
Marami ang gustong makasayaw ito, ngunit lahat ng lumalapit ay bigong makasayaw ito. Ngunit, iba si Tito William. Pinagbigyan ito ni Marga at ng makita kong tapos na silang sumayaw, nagbago ang isip ko.
Hinatak ko ito sa gitna ng dancefloor pero hindi para isayaw, kundi para lang matitigan ito ng husto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. At gaya ng inaasahan, natakot si Marga.
Huminga ako ng malalim. Nalilito na ako. Sa nakita kong anyo ni Marga, parang ang laki ng takot nito sa akin. Pero andoon pa rin ang dating Marga na kilala ko, ang kaibahan nga lang mas matapang na ito ngayon. Hindi ito nangiming sabihin sa aking lubayan ko na ito.
Pero paano ko naman gagawin iyon kong alam ko kung nasaan ito. Mas maigi pa nga noong wala akong alam, panatag ang aking isipan. Dahil kahit kailan, hindi naman ito nawala sa puso ko. Nananatili si Marga doon. Oo. Galit ako rito, pero noong una lang iyon, napalitan din agad 'yon ng pangungulila dito.
Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Bianca. Lumabas ito doon na may tangang bote ng wine. Iiling-iling na lang ako habang pinagmamasdan itong papalapit sa akin. Gulo-gulo ang buhok nito at ang suot nitong pantulog ay halos mahubad na sa uri ng pagkakasuot nito. Laylay ang mga strap sa magkabilang balikat nito.
“Franco…” malamyos na sabi nito sabay upo sa tabi ko. Binitawan nito ang bote ng alak at kusang ipinatong nito ang mga kamay sa hita. Hinaplos- haplos nito iyon. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa akin, nasasamyo ko na ang alak mula rito kaya’t agad akong umiwas. Tumama ang labi nito sa may baba ko. Tumigil ito at tinitigan ako.
Naging matatalim na naman ang mga mata nito. Pagkatapos ay marahas itong tumayo at sa harapan ko mismo, naghubad ito. Napapikit ako. Tila sumasakit ang ulo ko sa nakikitang anyo nito.
“Wala pa rin bang epekto ito sa ‘yo Franco?” tanong nito at kinuha ang isang kamay ko at inilagay sa dibdib nito. “Franco, please… I’m begging you. Love me, please,” sabi nito sa nagsusumamong tinig. At nang wala akong reaksyon ay nagsisimula na naman itong mag-hysteria.
Binawi ko ang kamay kong nasa dibdib nito. “I told you, we won’t share anything for the rest of this marriage.” Pagdidiin ko sa huling salita. “I am doing my best not to leave you, because of your excuses. But, once I am done with my obligations on you,  you will never see me again.” Malalim ang tinig na dagdag ko pa rito.
Nagpauli-uli ito sa harap ko habang tangan-tangan ang sariling ulo. “I won’t let that happen Franco! I will not give you your happiness! Marga will be dead first, before you get her!” sabi nito sa nanlilisik na mga mata.
Napatayo ako sa aking kinauupuan at dinukwang ito at hinawakan ng mahigpit sa mga balikat. Mukhang natakot naman si Bianca sa pag-iiba ko ng anyo. “What do you mean by that?” marahas kong tanong dito. Hindi ko alintana kung nasasaktan ko na ito.
Nagbago ang itsura ni Bianca. Naging parang maamong tuta ito. “F-Franco, please… Nasasaktan ako,” nag-stammer na  pakiusap nito na tila nawala ang pagkalasing.
“I won’t say this again Bianca, but if something’s happen to Marga, you’ll be sorry for the rest of your life,” sabi ko dito sa malamig na tono. Mas malamig pa iyon sa yelo. At kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pang bumagsak si Bianca sa harapan ko.
Binitiwan ko ito. Nanlalaki naman ang mga mata nito na nakatitig sa akin. Hindi nito inaasahan ang ginawa at sinabi ko. Unti-unti’y parang kandila itong nauupos, hanggang bumagsak sa sahig ang hubad nitong katawan.
Iniwan ko ito sa ganoong tagpo. ‘Ni hindi ko na ito nilingon pa. Deretso ako sa aking kwarto at ibinagsak ko ang pintuan. Tanda ng matinding galit na pinukaw ni Bianca sa akin.
Ngayong nakita ko na ulit si Marga, walang sinuman ang maaaring makapanakit dito. At kung mangyayari man iyon, makakapatay ako ng tao.
Maraming panahon ang nasayang. Kung sana lang hindi ko pinaniwalaan ang sinabi noon ni Tita Zenny, sana masaya na ako, kami ni Marga ngayon. At sana ipinahanap ko ito noon pa man. Patay man ito o buhay. Pero ganoon pa man, ngayong nagbalik na ito, gagawin ko ang lahat para maitama ang lahat. Kung kinakailangang suyuin ko itong muli gagawin ko.
Pero, bumalik sa aking ala-ala ang binitiwang salita ni Bianca kanina, may alam ba ito? Bakit parang kilala nito si Marga at bakit pakiramdam ko may hindi ito sinasabi sa akin?

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon