Chapter 31

397 12 0
                                    

“Marga…” basag nito sa kanilang katahimikan sabay titig sa akin. Ang mala-agila nitong mga mata ay may kakaibang pinahihiwatig. Parang may nais itong sabihin ngunit pinipigilan nito.
Bahagya akong naguluhan sa titig na ibinibigay nito sa akin. “Hmmm?” tugon ko dito.
“I’m so sorry,” pagkuwa’y sabi nito. “I won’t leave you anymore, I promised.” Anito at iniangat nito ang kamay papunta sa mukha ko. Marahan nitong hinaplos iyon ng mapakunot-noo ito. “What happened here?” takang tanong nito na ang tinutukoy ay ang bakas ng kamay ni Bianca sa aking pisngi.
Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong sagutin iyon. Ayokong makadagdag pa iyon sa iniisip nito. Baka pagmulan pa iyon ng away ng mag-asawa.
Pero bumangon ito at pilit ako pinaharap sa kanya. This time, he’s very serious. “Where did you get this Marga?”
Nanatiling nakatikom ang mga bibig ko. And from the agonizing looked a while ago, his eyes showed frustration.
“Is it Bianca?” tanong nito.
Iniiwas ko ang aking mga mata. Huminga naman ito ng malalim.
“I shoudn’t have tolerated her. Sana noon pa lang sinabi ko na sa kanya ang totoo.” Tiim-bagang na sabi nito.
Doon ko ito nilingon. “What do you mean?” kunot-noong tanong ko dito.
Again, he let out a heavy sigh. Para bang naiibsan noon ang bigat na nararamdaman nito. “Our marriage was fake,” sabi nito na tila naman bombang sumabog sa pandinig ko.
Pakiramdam ko nanlaki ang ulo ko pagkarinig sa sinabi nitong iyon. Para iyong sasabog anumang sandali. Ang gatla sa noo ko ay mas lalo pang lumalim. Punong-puno ng katanungan ang isip ko.
“Wha-what? What do you mean?” nauutal na tanong ko dito.
“What we have is a fake marriage, My Queen,” seryosong umpisa nito. “But she didn’t know about it. Gustong-gusto ko na itong sabihin sa ‘yo kagabi, but you didn’t give me chance. That’s why I drove her and asked your parents about the truth. And now I know everything,” dagdag pa nito.
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang itinawag nito sa akin. At shocked na shocked ako sa mga sinasabi nito. Ibig sabihin alam na nito ang totoo.
Huminga ito nang malalim. “I understand your reasons. I understand everything, My Queen. And this time, I won’t let you suffered alone from anything. Hinding-hindi ko na bibitawan ang mga kamay mo.” Titig na titig ito sa akin habang sinasabi iyon at sobra-sobra ang nararamdaman kong saya ng mga sandaling iyon.
Nakita kong may hinugot ito sa bulsa ng suot na pantalon. “I brought this since last night. And I wanted to give it back to you. To reclaim you as my real wife,” sabi nito sabay labas ng dalawang bagay na iniwan ko noong gabi ng honeymoon namin.
Ang engagement at wedding ring ko!
Isinuot nito iyon sa mga daliri ko. Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko lubos maisip na ganito niya ako kamahal. Na naiintindihan niyang lahat ang mga rason ko. Na kahit malaki ang kasalanan ko dito ay handa pa rin niya akong tanggapin.
Wala nang dahilan pa para sikilin ang nararamdaman ko para dito. Agad ko itong niyakap. “I’m so sorry Franco…” sabi ko sa pagitan ng  aking pagluha. “Back then, I was too scared … I was too scared to hurt you. And I didn’t know what to do. I’m sorry if I don’t trusted you that time. I’m sorry if I caused you so much heartaches… Sana hindi na umabot pa sa ganito ang lahat. Sana—”
“Sshhhhh….” putol nito sa iba ko pang sasabihin, habang hinahagod ang likuran ko. Inilayo niya ako sa kanyang sarili. “That’s all in the past. Ang mahalaga ay ang ngayon at bukas.” Pinahid nito ng mga palad ang mga luha sa mga mata ko and planted soft kisses on it.
Nang kumalma na ako, tumayo ito. “Let’s go. It’s time to tell Bianca everything.” Anito at dere-deretso itong bumaba ng tree house. Mabilis akong sumunod dito.
Pero, may isang bagay pa akong nakalimutan. May hindi pa ito nalalaman at kailangan din nitong malaman iyon ngayon. “Franco, wait,” sabi ko dito ng maabutan ito at hinawakan ito sa braso.
Tumigil ito at nilingon ako. “Huwag na huwag mo akong pipigilan Marga. Matagal na akong nagtitimpi sa kanya. She even have the guts to hurt you.” Nagsisimula na itong mainis sa akin.
“But Franco, she’s pregnant with you.” Mabilis na sabi ko dito.
Dumilim ang mukha nito. At ang mga mata nito'y nag-aapo sa galit. “What did you say?” ang sumisingasing na tanong nito. Parang bulkan ito na sasabog anumang oras sa tindi ng galit na nararamdaman.
Napaatras ako. Ibang-iba ang Franco na nakikita ko ngayon. “S-she came after you left last night, and tell me about her pregnancy.” Nauutal na sabi ko.
“And she slapped you,” dagdag nito. Marahan akong tumango.
Tumingala ito sa kalangitan. Para bang umaamot ito doon ng pagkahaba-habang pasensya. Pagkuwa’y lumingon ito sa akin, “She’s lying. We never shared a bed since we lived together.” Mariing sabi nito at sumakay na sa jet ski. “Hop in. Kailangang harapin ko siya ngayon at nang matapos na ang lahat ng ito,” malamig ang tinig na sabi nito.
Mabilis naman akong sumunod. Naging malinaw na sa akin ang lahat. Ngayon, buo na talaga ang kasiyahang nadarama ko sa puso ko. Wala na talagang makapipigil pa sa pagmamahalan naming dalawa.
Napangiti ako. Mahigpit akong yumakap mula sa likuran nito. Gusto kong ipadama sa kanya ngayon kung gaano ko siya kamahal. Nang walang inhibisyon. Nang walang takot.
***
Pagdating namin sa wharf, mabilis itong bumaba ng jet ski. Ngunit hindi pa man ako nakakababa ay nakita ko na si Bianca na tumatakbo papunta sa amin. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Tila ito tigre na manlalapa ora-mismo.
“What’s the meaning of this Franco?” galit na tanong nito at agad akong hinarap pagkababa ko. “Hindi ba binalaan na kita kagabi na layuan mo ang asawa ko? Kulang pa ba ang sampal na ibinigay ko sa iyo?” at akma ako nitong sasampalin ulit pero nasalag ko iyon. At sa halip ay ito ang nakatikim ng malakas na sampal sa akin.
“That’s for lying on me,” nagngangalit ang ngiping sabi ko dito. Ang biglang pagtalim ng aking mga mata ay nagpahilakbot dito.
Napaatras ito. Nagkubli sa likuran ni Franco na noon ay amused na amused sa nakikitang anyo ko. Sa tingin ko dito parang nag-che-cheer pa ito.
“Fra-Franco… She hit me…” pagsusumbong nito sa nakatalikod na lalaki na tila ba hindi iyon nasaksihan nito.
Huminga ng malalim si Franco pagkakuwa’y hinarap ito. “I told you Bianca. You’ll never wanted to see what I am capable off,” makahulugang sabi nito.
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong nito na pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Franco.
“Meet my real wife, Bianca.” Mariing sabi nito sa mga salita pagkatapos ay nilapitan ako. At sa hindi ko inaasahan, hinapit ako nito at biglang siniil nang nagbabagang halik.
Napasinghap naman si Bianca. Para itong natuklaw ng ahas sa pagkakatayo nito. Hindi ito makagalaw habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Francong paghalik sa akin.
Nang halos wala ng hangin sa mga baga namin, saka pa lang ako binitawan ni Franco. Lumingon ito sa hindi pa rin gumagalaw na si Bianca. “This is Marga Agustin. Marga Agustin Saavedra, my real wife.” Pagdiriin ni Franco sa bawat salita habang hindi ako hinihiwalayan ng tingin nito. Punong-puno iyon ng pagmamahal para sa akin.
Halos maluha-luha ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tila may bumabayo doon ng pagkalakas-lakas. At para akong idinuduyan sa mga ulap ng mga sandaling iyon.
Napagawi ang tingin ko kay Bianca. Noon ko ito nakitang gumalaw. Iiling-iling. “No, Franco. This is just a dream. Hindi totoo lahat ng sinasabi mo!” hiyaw nito. Biglang nanlisik ang mga mata nitong nakatingin sa amin. “Sabihin mong hindi totoo ito, Franco!” untag nito kay Franco.
Ngunit malamig na tiningnan lang ito ni Franco. Pagkatapos ay nagsalita, “Why don’t you try asking a PSA record, kung may marriage certificate tayong lalabas?” paghahamon nito.
“Bu-but, you and Dad—“ hindi na natapos ang sasabihin nito ng salagin iyon ng matalim na salita ni Franco.
“You’re Dad deceived you first. But after he died, I found out that he also deceived me and Papa,” anito sa malamig pa ring tinig. “He said, he just wanted to save your businesses from bankcrupcy using my name with a fake marriage he proposed. Pero wala naman palang business na dapat isalba. Dahil matagal na iyong ipinambayad sa utang ng daddy mo. At alam mong lahat iyon, dahil kaharap ka ng basahin ang testamento ng ama mo.” Tumigil ito sandali.
“And you should have thanked my father, because he doesn’t want you to be humialated. He insisted me to stay with you until you could stand on your own. But you also knew that you exceeded your limitations. At ilang beses ko na ring binalak na sabihin sa ‘yo ang totoo. Pero sa tuwing gagawin ko iyon, kung ano-anong pinaggagagawa mo. You make my life a living hell, Bianca. At tiniis kong lahat ng iyon dahil wala na rin namang saysay ang buhay ko,” bahagya itong tumigil at nilingon ako. Nanlalaki ang mga mata ko sa revelation na iyon ni Franco.
Lumambot ang itsura nito ng matitigan ako. Ngumiti ito sa akin at tila ba para sa akin talaga ang susunod nitong sasabihin. “Pero bumalik ang totoo kong asawa. Ang totoo kong mahal. Ang kaisa-isahang babae nagmamay-ari ng puso ko. At kahit kailan ay hinding-hindi nawawaglit sa aking puso’t isipan. At mananatiling sa kanya lang iikot ang mundo ko,” bago nito nilingong muli si Bianca. “At ngayong kaya mo na ang sarili mo, tinatapos ko na ang anumang obligasyon na iniatang sa akin ng ama mo.” Naniningkit ang mga matang pagtatapos nito.
Hysterical na umiling-iling si Bianca. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa nakikita kong anyo nito. “No! Hindi totoo lahat ng sinasabi mo! Akin ka lang Franco, akin ka lang!” halos lumabas nang lahat ang mga ugat nito sa leeg sa pagsigaw.
“No Bianca! Noon, ngayon at kahit kailanman, hindi ako naging sa ‘yo!” nagbabaga ang mga matang sabi ni Franco dito.
Biglang nagbago ang itsura ni Bianca. Nawala ang paghihisterya nito. Nakaloloko itong tumawa at nilingon ako sa nanlilisik na mga mata, “You’ll regret the day you came back, Marga. Dahil hinding-hindi ko hahayaang maagaw mo sa akin si Franco at hinding-hindi ka magiging masaya kahit kailan!” Anito sa nagpupuyos na galit at mabilis na umalis sa lugar na iyon.
Nakaramdam ako ng takot sa sinabi nitong iyon. Pero nawala rin iyon ng masuyo akong yakapin ni Franco and kissed me on my forehead. “Don’t mind her. Hindi ka niya masasaktan hangga’t naririto ako sa tabi mo,” pagbibigay assurance nito sa akin.
Tumango lang ako sa sinabi nito at magkahawak kamay kaming bumalik sa mansyon ng mga ito.
***
Nadatnan namin doon sina Mommy at Daddy at ilang mga bisitang nagbibigay galang sa labi ni Tito Sandro. Naroon pa rin si Tita Nelia na prenteng nakaupo.
Mabilis kaming nilapitan nina Mommy at Daddy. Masaya akong niyakap ni Mommy at tinapik-tapik naman ako sa balikat ni Daddy.
“I’m so happy for both of you,” ang madamdaming wika ni Mommy. Mukhang nauna ng sabihin ni Franco sa mga ito ang totoo.
Kumawala ako sa yakap ni Mommy. “Let’s talked about that later, Mommy. Kailangan muna naming asikasuhin ni Franco ang mga bisita.” Paalam ko dito at nilingon si Franco.
Nakita kong nakatutok ang mga mata nito kay Tita Nelia. “Do you want to talk to her?” bulong ko dito.
Nilingon ako nito at bahagyang tumango. Magkahawak-kamay naming nilapitan si Tita Nelia.
“Tita Nelia…” untag ko sa ginang na pusturang-pustura. Nakakulay itim na damit ito ganoon din ang salaming suot nito. Malalaki ang suot nitong alahas. Pero ang ikinatawag ng pansin dito mula sa mga bisita ay ang namumula nitong mga labi. Sing-pula ‘ata iyon ng mansanas.
Kinilala muna ako ng ginang. At nang maalala ako’y tila nagliwanag ang mukha nito. “Marga, hija. Ikaw na ba iyan? You looked so gorgeous.” Pagbibigay papuri nito sa akin.
Kimi akong ngumiti. “Opo, Tita. Ako nga po ito.” Pagkasabi ko noon ay tiningnan ko si Franco na tahimik lang sa tabi ko. Mataman nitong tinitingnan si Tita Nelia.
“Why are you really here, Mama.” Anito sa mababang tinig.
Binalingan ito ng ginang at matamis na ngumiti. “Why? Ayaw mo bang naririto ako? Are you afraid of me?”
Umiling si Franco. “No,” maikling tugon nito.
“I’m sorry about a while ago. But, I assure you I won’t do it again. I know Sandro did his best to be a good husband on me. It’s just that…” umiling ito. “Never mind. But, let me just stay here for a while,” pagtatapos nito sa sinasabi.
Nakikita ko sa mga mata ni Tita Nelia ang sinseridad sa sinasabi nito. At alam kong nakikita rin iyon ni Franco. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit may pagka-intimidating itong tingnan, hindi naman nawawala ang bahagyang ngiti sa mga labi nito. Siguro nga ay nais niya lang makita si Tito Sandro sa huling sandali. Nakakahiya naman pating itaboy ito, ganoong humingi na naman ito ng despensa kay Franco.
Ngumiti ako kay Tita Nelia at pagkatapos ay tiningnan ko si Franco. Pinisil ko ang kamay nito na hindi pa rin bumitaw sa akin.
Nagpakawala muna nang isang buntong-hininga si Franco bago nagsalita. “Thank Mama for paying respect to him. I know, kung saan man siya naroroon ngayon, masaya na siya ‘dun.” Maluwag sa dibdib na sabi nito.
Tumango-tango lang si Tita Nelia. Hindi nito nilingon si Franco. Nakatuon lang ang pansin nito sa kabaong ni Tito Sandro. Kami naman ay magalang na nagpaalam na dito na sinuklian lang din nito ng isang marahang tango.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon