Chapter 22

341 12 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Unti-unti ng naayos ang lahat sa bagong branch ng Artemis Grill dito sa Makati.
Ang planong pagkausap kay Franco ay hindi ko pa nagagawa dahil sa busy schedule. At isa pa, hindi ko pa rin alam kung paano ito makokontak. Nahihiya naman akong magtanong kay Mr. Lorenzo.
Isang buwan bago magkaroon ng soft opening ang aming restaurant ni Troy, sorpresa akong umuwi ng San Bartolome.
“Marga?! Ikaw ba ‘yan?” gulat na gulat na tanong ni Manang Lourdes pagkakita sa akin.
“Opo, Manang.” At niyakap ko ito ng mahigpit. “Missed na missed ko na kayo,” maluha-luha kong sabi.
Si Manang Lourdes ang katulong ni Mommy sa pagpapalaki sa akin, kaya gayon na lang ang higpit ng yakap ko dito.
“Naku, ikaw na bata ka. Bakit ba kaytagal mong hindi nauwi dito, ha?” nagtatakang tanong nito at kumalas sa pagkakayakap ko. Pinagmasdan ako nitong mabuti. “Lalo kang gumanda anak,” bakas sa anyo nito ang paghanga at kasiyahan.
“Salamat, Manang. Hindi pa rin kayo nagbabago,” sabi ko rito na natatawa. Pagkatapos iginala ko ang paningin sa paligid.
Marami ng nagbago. May mga bagong dekorasyon sa mansyon na ngayon ko lang nakita. Napalitan na din ang pintura nito. Ang dating puting kulay ngayon ay malamlam na asul na. Mayroon na ding kubo sa labas sa may garden na dati ay garden chair lang ang nakalagay. May nadagdag ‘ding kwarto sa unang palapag ng mansyon.
Siguro dahil kay Brandon, sa isip ko na ang tinutukoy ay ang aking pamangkin.
Nakita kong nagmamadali bumababa ng hagdanan si Mommy. “Marga, hija!” malapad ang ngiting tawag nito sa akin. “Buti naman naisipan mong dalawin kami dito. Malapit na talaga akong magtampo sa iyo.” At mahigpit ako nitong niyakap.
“Mommy naman, alam mo namang busy ako sa Manila.”
Binitawan ako nito at tiningnang maigi. “Ikaw naman kasi, bakit ba hindi ka na lang dumito muna habang nag-aasikaso sa Manila? Andyan naman si Mang Dante para ihatid sundo ka. At least dito nakikita at nakakasama ka namin ng Daddy mo.” Pangungumbinsi nito sa akin.
“Mommy, matanda na si Mang Dante. Nakakahiya naman sa kanya na araw-araw akong papahatid-sundo. Hayaan mo Mommy pagnatapos nang lahat sa Manila uuwi ako dito ng mas matagal.”
“Hay, ano pa nga bang magagawa ko.” Iiling-iling na sabi nito.
“Asan nga pala si Daddy?” tanong ko dito at muling iginala ang paningin sa paligid.
“Asan pa ba? Ay di nandoon sa manggahan. Lagi niya na lang akong iniiwan ditong mag-isa. Kaya nga mas maigi na dito ka na lang tumira para may kasama ako.” Pangungulit ulit nito na ikinatawa ko. Parang bata ang mommy ko sa itsura nito na kunwa’y nakalabi pa.
“Bakit ba hindi niyo muna hiramin si Brandon kina Kuya?”
“Isa pa yang Kuya mo. Parang allergic ‘ata dito sa atin. Mula ng lumipat sila ni Daisy sa Manila, madalang ng magawi dito. Kundi ko pa tatawagan at hihiramin si Brandon, hindi iyon uuwi.”
“Baka naman busy lang sa trabaho niya. Alam niyo naman na malaking oras ang kinakailangan ng propesyon niya,” pagtatanggol ko kay Kuya.
Umingos lang ito. At pagkatapos ay sinabihan si Manang Lourdes na lutuin ang mga paborito ko. Mabilis namang sumunod si Manang Lourdes.
Pinaakyat na muna ako ni Mommy sa aking kwarto, pero pagpasok ko roon parang bumalik ako sa nakaraan. Walang ipinagbago ang kwarto ko simula noong umalis ako doon, thirteen years ago. Ganoon pa rin ang ayos. Ultimo mga pictures namin ni Franco na nakasabit sa aking tokador ay naroroon pa rin.
Lumapit ako sa side table ng kama ko. Binuksan ko iyon. Kinuha ko ang isang album na may nakalagay na My Princess sa ibabaw, at naupo sa aking kama habang binubuklat ko iyon. Doon nakalagay ang mga pictures ko na kuha ni Franco.
Isa-isa kong tiningnan ang mga litrato. Napadako ang tingin ko sa isang picture, kasama ko doon si Franco. Nakaupo kami sa damuhan sa ibaba ng tree house. Masaya kaming nakatingin sa isa’t isa. Kitang kita sa kuhang iyon ang kislap ng aming mga mata. Hindi maikakaila kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.
Natatandaan ko pa noong pangalawang beses akong dinala ni Franco sa tree house. Ang mga gamit na dala-dala pala nito ay ang mismong camera niya. Laking gulat ko pa ng makita iyon. Tinanong ko ito kung mahilig ba siyang kumuha ng mga pictures, at ng ipakita nito sa akin ang mga kuha nito, namangha ako. Kaya mula noon sinabi ko na dito na lagi kaming magpapicture dalawa. For memories, sabi ko noon.
Napasukan ako ni Mommy sa ganoong tagpo. “Marga, hija…” mahinang tawag nito sa akin at marahang lumapit sa tabi ko. Inilagay nito ang mga kamay sa balikat ko. “Pasensya ka na hija, hindi ko na naipalinis itong kwarto mo. Mula kasi noong umalis ka at magkasakit, hinayaan na lamang namin ng daddy mo sa dating ayos ito.” At iginila niya ang paningin sa buong silid ko.
Nakita ko ang paglambong ng mga mata nito. “It’s okay, Mommy. I understand.”
Ibinalik ko ang album sa dati nitong lagayan. Mananatili ang bahaging iyon ng buhay ko dito sa mismong silid ko. Ramdam ko man ang matinding lungkot dito sa puso ko, pero pinilit kong ngumiti para hindi na mag-alala pa si Mommy.
**
“Marga? Ikaw ba yan?” ang nangingilalang tanong ni Gina pagkakita sa akin.
Ngumiti ako dito. Nagpahatid ako kay Mang Dante sa St. Paul College kung saan isa ng teacher ng high school department si Gina. Inabangan ko ito sa may gate ng SPC nang umagang iyon.
“My God, Marga! Ikaw nga!” tuwang-tuwang sabi nito ng makilala na ako at agad akong niyakap. “My God! You’ve changed a lot, pero mas lalo kang gumanda,” ang humahangang sabi nito ng bitawan ako at pagmasdan maigi. “Singapore suits you.”
“You’ve never changed, Gina. Ikaw pa rin ang number one fan ko,” giliw na giliw na sabi ko rito.
“What are friends are for?” anito sabay sukbit ng kamay sa braso ko. “Let’s go,”  yaya nito sa akin sa loob ng SPC.
“Am I allowed to get in? I mean it’s going to be school hours soon,” nag-aalangang sabi ko dito.
Hinampas ako nito sa balikat. “Ano ka ba? Para namang hindi ka kilala ng principal dito. Kayo kaya ang isa sa pinakamalaking sponsor ng school na ito,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang patuloy na na pag-i-sponsor ng daddy ko sa St.  Paul College.
“Syempre nakakahiya pa rin. Maabala kita sa—”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla na lang akong hilahin nito papasok sa loob. Maraming estudyante ang bumabati dito habang naglalakad kami papasok. Sinusuklian naman nito iyon ng ngiti at tango. Ang iba naman ay halos hindi na ako hiwalayan ng tingin.
“Kahit saan talaga Marga, agaw pansin pa rin ang ganda mo,” sabi ni Gina ng makita ang mga estudyante na nakatingin sa akin. “Hindi nakakasawang pagmasdan. ‘Di ko nga alam kung bakit hindi ka man lang sumali sa mga pageant noon sa school. Marami namang nag-aalok sa ‘yo at isa pa matalino ka naman. Marami ka sanang napataob na mayayabang noon.”
Napatawa ako sa sinabi nito. Hindi kasi ako pala-sali sa mga ganoong contest. Wala akong hilig sa mga ganoong bagay. Minsan nga pinagtutulakan na ako ng mga ito, kahit si Mommy, pero ayaw ko talaga. Ang dahilan ko tama nang lagi akong nangunguna sa klase. Isa pa, may mga taong mas kailangan ang ganoong pagkakataon, kasi bukod sa title ay may monetary prize din na makukuha.
Nakita kong may papalapit na lalaking estudyante sa amin. Tantya ko college na ito base sa uniform na suot nito.
“Hello, Miss Gina. May I know who is this beautiful woman beside you?” malapad ang ngiting tanong ng estudyante.
“Mr. Carlo Montalban, you were not his type.” Ang mataray na sagot ni Gina. Nakalimutan ‘ata nitong teacher siya doon.
Siniko ko ito ng makitang kakamot-kamot sa ulo ang estudyante. “on'tt mind her,” nakangiting sabi ko sa estudyante. “I’m Marga. Marga Agustin.” Pakilala ko sa sarili.
Napasinghap ito nang malakas ng makita ang ngiti ko. “So, you were the most famous Miss Dimples here in SPC. And you were Tito Valencio’s daughter.” Anito ng makilala ako.
Tumango ako. “How did you know my Dad?”
Nagkibit ito ng mga balikat. “A friend,” maiksing sagot nito. “I’ll get going then. Nice meeting you Miss Dimples.” Kumaway pa ito bago tuluyang umalis.
Iiling-iling naman si Gina sa tabi ko. “Wala talagang hindi makakapuna sa ‘yo kapag ngumiti ka na. Hindi ba umaanak yan?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga dimples ko.
Natawa ako ng malakas. “Kung pwede nga lang binigyan na kita,” iiling-iling kong sabi dito.
Ngumuso naman ito. “Hay, iba na talaga ‘pag pinagpapala,” anito.
Tiningnan ko ito bago nagsalita, “So, tatayo na lang ba tayo dito?”
Nagbago ang anyo nito. Hinatak na ulit ako nito papunta sa kung saan. Napansin ko na parang sa may auditorium ako nito dadalhin.
“Ano namang gagawin natin dito?” nagtatakang tanong ko dito.
“Basta,” sabi nito at iginiya ako sa may likuran ng auditorium.
Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. “Ginawa na pa lang musuem ito ng school,” sabi ko habang isa-isang tiningnan ang mga display doon.
“Hindi lang musuem ito. Andito rin 'yung mga memorabilia ng mga pasts students namin.” May pagmamalaking sabi nito. “Looked! Here!” excited na sabi nito at may itinuro kung saan.
Nilapitan ko ito. Nakita kong ang itinuturo nito ay pictures namin noong high school kami at mayroon din noong college. May mga stolen shoots din doon kapag may mga activities kami noon sa school. Pero may napansin ako. Sa lahat ng mga pictures ko na naroroon, may isang pares ng mga mata ang hindi humihiwalay ng tingin sa akin. At iyon ay kay Franco.
May mga kuha kami noong first year hanggang fourth year na panay ganoon ang kuha sa binata. Lagi lang sa akin nakatingin. Hindi naman iyon itinago sa akin ni Franco. Noong nagkalakas loob itong magsabi sa akin ay inamin na agad nitong matagal na niya akong gusto. Pero hindi ko alam na saksi ang mga larawang ito sa sinasabi niyang iyon.
At gaya ng dati, naroroon na naman sa puso ko ang sakit at panghihinayang. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dito sa puso ko. Parang kahapon lang ikinasal kami at masayang masaya. Humugot ako ng malalim na hininga para maibsan kahit papaano ang nararamdaman ko.
Tumabi sa akin si Gina. Pinagmasdan muna ako nito bago nagsalita. “Have you talked to him?” anito na ang tinutukoy ay si Franco.
Hindi ko ito nilingon. Ayokong makita nito na nasasaktan pa rin ako. At ayokong kaawaan ako nito. Kasalanan ko kung bakit ganito ang kinalabasan ng relasyon namin, at tanging sarili ko lamang ang dapat sisihin sa bagay na iyon.
Maya-maya pa naramdaman ko ang yakap ni Gina. Alam nitong kailangan ko iyon kahit hindi ako nagsasalita. Isa ito sa mga saksi sa pagmamahalan namin ni Franco. At hindi maiiiwasaang kahit ito ay masaktan sa nakikitang anyo ko.
Ang SPC ay isa sa mga nagpapaalala sa akin ng aming nakaraan ni Franco. At ngayong may asawa na ito, sana lang ay masaya na ang buhay nito. Dahil hindi ko alam kung kailan ba ako liligayang muli o kung liligaya pa ba ako.

Ikaw Lamang (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon