Huminga ako ng malalim bago nagsimula, “Bianca owned the building where our restaurant located. As you could remember, Tito William suggested that to us.”
Tumango tango ito bago ako nagpatuloy. “Pero hindi ko alam na kilala niya si Franco at Bianca personally. All I know is that, Tito William and Bianca were more business associates. Pero mas malalim pa pala ang relasyon nilang dalawa, based on his explanations to Franco a while ago. Narinig mo naman iyon.”
Napaisip ito bigla sa sinabi ko. Tila may gumugulo sa isipan nito. “Pero noong una kayong magkita ni Bianca ano ba ang reaksyon niya?” pagkakuwa’y tanong nito.
Ako naman ang napaisip sandali bago ito sinagot, “Parang kilala niya na ako. She even called me by my first name, kahit hindi pa naman ako nagpapakilala sa kanya. I thought Tito William told her my name. She even asked me if I am married. Even you…kilala ka niya. Ang sabi niya sakin, she asked Tito William about our profile for security reasons,” mahabang paliwanag ko.
Napapalatak naman ito. “That’s it!” anito kasabay ng pagpitik sa hangin.
“What?” takang tanong ko dito.
“She knew you all along.”
“Pero bakit ako ang tatakbuhan niya kung sinasaktan siya ni Franco?” naguguluhang tanong ko.
“What?! What do you mean?” nanlalaki ang matang tanong nito.
“She went on the resto, three weeks ago. She was crying and she had bruises on her face. According to her she got beaten by her husband when she confronted him,” paliwanag ko dito.
“At naniwala ka naman?”
Tumango ako. I even got angry sa asawa nito kahit hindi ko pa man nakikilala, bulong ko sa sarili. Hindi ko na lang iyon isinatinig pa.
Naiipit ako sa sitwasyon ngayon ng mag-asawa at baka makaapekto iyon sa trabaho ko. Ayokong pag-alalahanin pa si Troy. Marami na itong nagawa para sa akin, kaya ako na ang bahala sa problema kong ito.
Kunwa’y inihaplos nito ang mga daliri sa sintido nito na animo’y sumasakit iyon. “I don’t know what to do with you.” Nakapikit ang matang sabi nito habang patuloy na minamasahe ang sintindo. “You’re so naïve, Marga.”
Nainis naman ako sa sinabi nito. “What do you want me to do. She was crying and I saw her bruised face. Even her dress was a wrecked. And back then, I don’t know that Franco is her husband. I even invite her here and—”
“What?!” putol nito sa sasabihin ko. Nanlalaki ang mga matang nitong nakatitig sa akin. “Why did you do that?”
“She looked so scared that night, Troy. Do you want me to drive her out at that state?” tanong ko rito habang iiling-iling. “You know me. I easily sympathizes anyone who suffered difficulties. I came from that too, remember?”
This time batok naman nito ang masa-masahe nito. Hindi ko alam kong dahil ba ‘yon sa pagod o dahil sa mga sinasabi ko dito.
“That's your problem, Marga. You trust people easily just because they looked vulnerable on you. But, you didn’t know what a person could do, especially when they’re jealous. Pwede kang makisampatya, pero huwag kang basta-basta magpapatuloy sa territory mo.” Babala nito sa akin ng hindi ako tinitingnan.
“You really don’t know her. At kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong iwasan mo siya. Lalo na ngayon at siya pala ang bagong asawa ni Franco. Kumukulo ang dugo ko sa kanya, at kahit kailan hindi pa nagkakamali ang kutob ko. Alam kong alam mo yan,” dagdag pa nito sa seryosong tinig sabay lingon sa akin.
Natahimik ako sa sinabi nito. Did I really trust anyone so easily? Tanong ko sa sarili. Maaring tama ito, dapat huwag akong magtitiwala basta-basta.
Nilingon ko ito. “I wish you won’t fly back to Singapore tomorrow,” sabi ko dito sa malungkot na boses.
Malungkot din ako nitong tiningnan. “I’m sorry Sweetheart, I have to. Pero, babawi ako next time na bumisita ako ulit dito. And for the meantime, guard yourself okay?”
Marahan akong tumango. Nagpaalam na itong maliligo na at matutulog na din, dahil maaga pa ang flight nito bukas.
***
Franco
“What was that all about, Bianca?” ang dumadagundong kong tanong dito ng makauwi kami galing sa opening ng restaurant nina Marga.
Magkasama kaming umuwi ng bahay, dahil hindi ko na kakayanin ang magtagal pa doon nang mahabang sandali. At dahil iyon kay Bianca.
“What are you talking about?” pa-inosenteng tanong nito sabay lingon sa akin.
“Huwag kang magmaang-maangan d’yan Bianca. You planned all of these.” tiim-bagang na sabi ko. “So, ito pala ang dahilan kaya lagi kang naroroon.” Umiiling-iling na dagdag ko pa.
Natatandaan kong minsan ay nagpasundo ito doon at lasing na naman. ‘Ni hindi ko na nga noon nakuhang i-park ng ayos ang aking sasakyan. Nagulat na lang ako ng bigla itong sumakay at sabihing umalis na kami sa lugar na iyon.
Unti-unting sumilay ang nakalolokong ngiti sa mga labi nito. “Are you surprised? Hindi ko naman ikaw ipinahiya, di ba? Or siguro, naputol ko lang ang balak mong pakikipaglandian sa babaeng iyon kaya nagagalit ka?” anito na ang tinutukoy ay si Marga.
Marahas ko itong hinaklit sa braso. Nagbabaga ang mga mata ko ng titigan ito, “Wala kaming ginagawang masama ni Marga. Tito William invited me there, and not the other way around.” Mariing sabi ko.
Umismid ito at taas-noong tinitigan ako. “Really? Pero hindi ba nakikipaglandian ka sa kanya nang magpunta ka sa reunion n’yo?” tanong nito na saglit kong ikinatigil. “Huwag mong sabihing hindi, because I saw it with my very own eyes Franco.” Pagpapatuloy nito kasabay ng biglaang pagtalim ng mga mata.
Kunot-noong pinakatitigan ko ito. “Your following me?” mabalasik kong tanong dito.
“Well, I knew you would go there not because Papa said so,” tukoy nito sa papa ko. “You went there because of Marga. And for your information, mas nauna kong nalaman na nagbalik na ng Pilipinas si Marga. Ako lang naman ang una niyang kinausap,” sarkastikong sabi nito. “Poor Marga, walang kaalam-alam na ang kaharap niya ay asawa ng ex niya,” umiiling-iling pang sabi nito.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Na ang pagpapakasal ko dito ang siyang unti-unting sasakal sa akin. Masyado na itong nakakalimot at nasasagad na ang pasensya ko.
“Tell me Franco, masarap bang makasayaw muli si Marga? Bumalik na ba ang init d’yan sa pagkalalaki mo?” dagdag pa nito at hinagod ang aking katawan ng may kahalong pang-uuyam at pagnanasa.
Gustong-gusto ko ng baliin ang leeg nito ng mga sandaling iyon. Pero hindi ko bibigyang hustisya ang gusto nitong mangyari.
“Don’t worry Franco,” anito,“I already gave her some benefits of the doubt on you.”
Lumalim ang gatla sa noo ko sa sinabi nitong iyon. “What do you mean by that? What did you do this time?” makapangyarihang tanong ko dito. Humigpit pang lalo ang pagkakahawak ko sa braso nito.
Humalakhak ito na animo’y nasisiraan ng bait. “I didn’t know na kaunting drama lang pala sa harap niya ay bibigay na siya agad.” Sabi nitong tuloy pa rin sa pagtawa.
Maraming napapaikot ang mala-manika nitong itsura, samahan pa ng maamong mga mata. Pero hindi ako. Hinding-hindi si Franco Saavedra. Alam kong sa likod ng maaamo nitong mga mata ay nagkukubli ang nakakasukang pag-uugali nito. Pati na ang mga sungay nito na hantarang ipinapakita sa tuwing kaharap ako.
“Don’t try me Bianca or else this marriage will come to an end,” mariing kong sabi, bago ito tinalikuran.
Hindi ko na nakita pa ang kakaibang uri ng tinging ibinigay nito sa akin. Naroon ang matinding poot at hindi matatawarang pagkasuklam.
Ibinalandra ko ang aking katawan sa kama. Nagsisisi akong pumayag sa suhestyon ng aking Papa at ama ni Bianca na si Tito Calixto na magpakasal dito. Si Tito Calixto ay matalik na kaibigan ni Papa at Tito William. At si Bianca ay kaisa-isahan nitong anak.
Nang mga oras na iyon, walang nakakaalam na kasal na ako kay Marga. At nangako ako sa sarili ko noon na hinding-hindi na magpapatali pa kahit kanino kailanman. Pero ng kausapin ako ng gabing iyon ni Papa at Tito Calixto, ay nahikayat nila ako kahit ilang beses na akong tumanggi. Ito’y sa kadahilanang magiging palabas lang ang lahat. Isang pekeng kasal. Na pakakasalan ko lang si Bianca para isalba ang papalubog nang negosyo ng mga ito. At isa pa may sakit na noon si Tito Calixto at hindi na ito magtatagal pa.
Sa madaling salita, gagamitin ni Tito Calixto ang pangalan ko, ang pangalan ni Papa, para humikayat ng malalaking investors. Ang sabi pa nito sa akin, oras na nasa ayos na daw ang lahat at maayos na ang lagay ng buhay ni Bianca, pwede na akong kumawala dito anumang oras ko gustuhin.
Ngunit, hindi naging ganoon kadali ang lahat. Pagkatapos na pagkatapos ng kasal namin ni Bianca, namatay si Tito Calixto, at dito ko nalaman na wala na naman pala itong isasalbang negosyo. Dahil lahat ng negosyo nito ay naibayad ng lahat sa utang.
Galit na galit ako ng malaman ko iyon. Tito Calixto deceived me and my father. At ang lalo pang nagpaigting ng galit ko, according to his will, Bianca will be left under my responsibility.
Nang mga oras na ‘yon, gusto ko ng magwala at sabihin kay Bianca ang totoo. That our wedding was only a ploy. But Papa stop me from saying it.
Kahit papaano ay nauunawaan pa rin nito ang ginawang pangtatraydor ng matalik na kaibigan sa kanya. Ayon pa rin kay Papa, mahirap daw ang walang magulang lalo na kung pareho na itong wala. At dapat mas naiintindihan ko daw ang mga bagay na iyon.
That time, I was out of words. Hindi ko masisisi si Papa nang sabihin niya iyon, dahil mag-isa na n’ya akong pinalaki. Kaya naman pumayag na ako sa kagustuhan na rin nito. Pero sinabi ko dito maging kay Bianca, that we will be just living together physically. And that I’ll support her financially, pero hanggang doon lang iyon. Ang iba pang bagay na responsibilidad ng isang asawa ay hindi ko na kargo pa.
At first, Bianca was very obedient. Alam niya na wala na siyang ibang pwedeng kapitan bukod sa akin. Pero makaraan ang ilang taon, naging mapaghanap ito. Gusto niyang bigyan ko rin siya ng oras at panahon. At habang tumatagal nagiging alcoholic na rin ito.
Ilang beses ko na ring sinubukan na iwanan ito at sabihin dito ang totoo. Pero sa tuwing gagawin ko iyon, kung anu-anong bagay ang ginagawa nito. My life became hell. Naroong mag-overdose ito ng sleeping pills o ‘di kaya naman ay masangkot ito sa aksidente. Alin man sa drunk driving o sinasadya lang nito talaga. At isinumpa nitong hinding-hindi ako magiging masaya oras na iwanan ko ito.
Sa paglipas ng panahon, nanawa na rin akong makipagtalo dito. She was always out of control. Kaya hinayaan ko na lang. Pero nag-iba ang lahat ng makitang kong muli si Marga. Ang pagbabalik ni Marga ang muling bumuhay sa puso ko na matagal nang hindi nakakaramdam ng kahit na ano. Muli iyong tumibok at unti-unti’y nanunumbalik ang dating sigla, pero hindi iyon nakaligtas sa pakiramdam ni Bianca.
Malakas ang kutob kong hindi nito nanaising kumawala ako sa kanya. At hindi rin nito gugustuhing makita akong masaya. At isang patunay doon ang panloloko nito sa akin. Ang building na pag-aari pala nito na itinago sa akin.
Nagpupuyos ang aking kalooban sa kaalamang iyon. Subalit naisip ko na mabuti na iyon. Pwede na akong kumawala dito. At hinding-hindi niya ako mapipigilan.
***
Kinabukasan, maaga akong gumising at nagbihis. Bago ako umalis, binuksan ko ang aking safe at inilabas doon ang isang bagay na pinakatatago-tago ko. Mabilis kong inilagay iyon sa suot kong pantalon at dali-dali na akong umalis.
Gusto kong kausapin si Marga. Gusto kong sabihin dito na mahal ko pa rin ito. Na peke lang ang kasal namin ni Bianca. At tanging ito lang ang nagmamay-ari ng puso magpa-hanggang ngayon.
Ngunit, pagdating ko doon, nakita ko ito kasama ang business partner na si Troy at napaka-sweet nila sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit magkasama pa rin sila ng ganito kaaga. Matagal na nagyakap ang dalawa at pagkatapos ay hinalikan ni Troy si Marga, bago ko nakitang sumakay ng taxi si Troy.
Parang pinipiga ang puso ko sa tagpong iyon. Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan papalayo sa lugar na iyon. Hindi ko alam, basta nag-drive lang ako. Nakarating ako sa isang bar at doon ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Sakit. Pait. Galit. At selos.
Hindi ko na namalayan pa ang paglipas nang oras. Marami-rami na rin akong nainom, pero hindi pa rin matabunan noon ang aking nararamdaman. Nagpahinga lang ako sandali, bago ko sinubukang mag-drive ulit.
At hindi ko alam kong ito ba ay dikta ng isip o ng puso ko o pareho. Pero nakita ko na lang ang aking sariling bumabalik sa condo ni Marga. Ang hindi alam nito at ni Bianca ay binili ko ang katabing unit nito, sa kaalamang ang condong tinutuluyan na iyon ni Marga ay pag-aari nito mismo.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa nakaabang na elevator at pinindot ang floor kung saan naroroon ang mga unit namin. Pagbukas ng elevator, sa halip na sa sariling unit ako magtuloy ay pintuan nito ang kinalampag ko. Hindi na ako nag-aksaya pang alamin ang oras. Ang nasa isip ko lang nang mga sandaaling iyon ay makausap at makita kong muli si Marga.
Bumukas ang pintuan. At kitang-kita ng namumungay kong mga mata ang gulat na gulat na si Marga. At base sa itsura nito, kalalabas lang nito ng banyo. Suot nito ang bathrobe na hindi pa maayos ang pagkakabuhol. Ang mahabang buhok nito ay basa pa rin at tumutulo iyon sa sahig.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang (Unedited)
RomanceNagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya p...