Araw ng soft opening namin. Alas tres nang hapon ay naroroon na ang mga bisita ko. Dumating din sina Mommy at Daddy, pati na rin ang mag-anak ni Kuya Benedict para suportahan ako.
Pero isa pang sorpresa ang naghihintay sa akin pagpasok ko ng opisina. Andoon si Troy nakahalukipkip ang dalawang kamay.
“Troy!” gulat na gulat na sabi ko sabay yakap dito ng mahigpit. “Why are you here? I mean kailan ka pa? At saan ka tumuloy?” sunod-sunod na tanong ko dito.
Tatawa-tawa ito habang itinataas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Calm down, Sweetheart. I just arrived a while ago. Dito na ako dumeretso para sa opening natin.”
“I thought you’re busy on Paradise.”
Umiling ito. “Of course, I won’t missed this chance. At ayoko namang sabihin mo na iniwanan na kita sa ere,” biro pa nito.
“Thank you for being here. At least I have someone on my side,” mahinang sabi ko.
Tumaas ang kilay nito. “Why? Mayroon na naman ba akong hindi alam, ha?”
Kumibot-kibot ang labi ko, “Franco is coming.”
Nanlaki ang mga mata nito. “What?!” manghang-manghang sabi nito na ang bibig ay tinakpan nito ng pumipilantik na daliri.
Natawa naman ako sa reaksyon nito. “Nito ko lang nalaman na isa pala siya sa mga executives ni Mr. Lorenzo. ”
Parang mas lalo itong nagulat sa sinabi kong iyon. “What a small world!” anito. Pagkatapos ay pinakatitigan akong maigi.
Medyo nailang ako sa titig na iyon nito. “What?” naiinis ng tanong ko rito.
Hinagod muna ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng kulay beige na dress na spaghetti strap and showed some of my skin. Pero tenernuhan ko iyon ng brown na shawl to look more dignified. Set of pearl earrings and necklace ang suot kong alahas na maingat ko talagang pinili.
“That’s why you looked extra beautiful today,” birong komento nito.
Inirapan ko ito. Well, hindi lang naman iyon ang dahilan. I wanted to impress everyone to gain more investors. Who knows, baka sooner or later makapagbukas ulit kami ng panibagong branch dito. And I’m ready for it.
“If that’s what you think,” nagkibit-balikat ako at pagkatapos ay binago ko ang usapan. “Let’s go. I’ll tour you around.” Excited na yaya ko dito na malugod nitong tinanggap.
Ikinawit ko ang braso ko dito bago kami lumabas ng opisina. Isa-isa naming binati ang mga bisitang naroroon. Hindi nawawala ang malalapad naming mga ngiti.
Nakita kong magkasabay na pumasok si Mr. Lorenzo at Franco. Hindi naman ako nagpahalata na tensyonado pagkakita dito. But Troy detected it right away. Nakilala kasi nito si Mr. Lorenzo at to the rescue naman ito.
Nilapitan namin ang dalawang lalaki na bagong pasok. “Mr. Lorenzo, ” masayang bati ni Troy kay Mr. Lorenzo at nakipagkamay dito.
Tinanggap naman iyon ng mas nakatatandang lalaki. “Troy, I thought you were in Singapore.” Ang nasorpresang sabi nito na ngiting-ngiti.
“I need to be here to support Marga,” sabi naman ni Troy at masuyo akong tiningnan.
Naalala ni Mr. Lorenzo si Franco, “By the way this is Franco Saavedra, one of my executives.”
“Troy Gascon. Marga’s business partner,” ani Troy sa baritonong tinig, sabay lahad ng kamay.
Muntik na akong matawa sa tono ng boses nito. Kailan pa ito nagkaroon ng ganoong boses.
Hinagod muna ako ni Franco ng tingin bago tinanggap ang kamay ni Troy, “Franco Saavedra,” tipid nitong sagot.
“It’s nice to finally meet you,” makahulugang sabi ni Troy at lumingon sa akin. Nginitian muna ako nito bago bumaling kay Mr. Lorenzo.
“Since everyone is here, let’s start the ribbon cutting,” ani Troy sa lalaki. Tumango naman ang matanda.
Sa isang banda, tahimik lang na nagmamasid si Franco sa amin. Matagal nitong tinitigan ang kamay kong nakakapit sa braso ni Troy. Parang may nasilip ako doong pagseselos pero sandali lang iyon. Agad nitong ibinaling ang tingin sa mukha ko sa pagkakagulat ko. Namula ang mukha ko. Nahuli ako nitong tinititigan siya.
Si Troy na nasa tabi ko ay bumulong sa akin, “My God Marga, he’s so hot!” ang kinikilig na sabi nito.
Muntikan ko na itong masabunutan sa sinabi nitong iyon. Nakalimutan kong mahilig din nga pala ito sa gwapo.
Hindi magkandamayaw ang mga naroroon sa pagbati sa aming dalawa ni Troy. Nang matapos ang ribbon cutting ay nagsimula ng mag-served ng food. Daig mo pa sa amin ang bagong kasal. And to our delight, everyone is impressed with the food. Lahat ay nasarapan at magaganda ang feedback na naririnig namin mula sa mga bisitang naroroon.
Maging si Franco na tahimik lang ay halatang nagustuhan din ang mga dishes ng restaurant namin. And that boast my confidence even more.
Pero kung nasorpresa ako sa pagdating ni Troy kanina, may mas hihigit pa palang sorpresang na yayanig sa mundo ko.
Halos patapos ng kumain ang lahat ng dumating si Bianca. As usual, nakasuot ito ng napakaiksing damit na kulay itim. Ngumiti ako dito at ginantihan naman nito iyon. Ngunit ang ‘di ko inaasahan ay ng lapitan nito ang kunot-noong si Franco at halikan ito mismo sa mga labi! Hindi na nito nakuhang makaiwas pa dahil sa kabiglaan.
Dinig na dinig ko ang pagsinghap ni Troy sa tabi ko. Maging ang ilang mga bisita doon ay ganoon din ang reaksyon. Pati na ang pamilya ko na tahimik lang na nakamasid sa isang tabi ay hindi napigilang mag-react.
Nawalan ng kulay ang mukha ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Si Franco ay tila naguguluhan din. Nakita kong nagawi ang tingin sa amin ni Bianca. Dahan-dahan itong lumakad papalapit sa amin ni Troy. Halos hindi ako humihinga ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ang bawat paghakbang ni Bianca ay bumabaon sa puso ko.
Nilingon ako ni Troy at ganoon din si Franco. Siniko ako nang una at binulungan, “The enemy is coming, brace yourself,” gigil na sabi nito. May pakiramdam akong iba ang tingin ni Troy kay Bianca.
Doon ako nagising. Dagli kong inayos ang aking sarili. Hindi ko ipinahalatang apektado ako sa aking nasaksihan kani-kanina lamang. Nginitian ko si Bianca at sinalubong ito. “I thought hindi ka na makakarating,” sabi ko dito sabay beso.
“I won’t missed this event of yours,” sabi nito habang nakikipag-beso sa akin. Kakaiba ang ngiting ipinapakita nito. Tila iyon nang-uuyam. “I’m sorry for my grand entrance, mukhang naagaw ko yata ang atensyon ng mga bisita niyo,” dagdag pa nito.
“No. Not at all.” Mabilis kong sabi. Hindi nawawala ang matamis na ngiti sa labi.
Hinawakan ako nito sa braso sa pagkabigla ko, at hinila papunta sa table ng nakakunot-noong si Franco. “Marga, meet my husband, Franco Saavedra.” Nakangiting pakilala nito sa akin.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabing iyon ni Bianca. Of all people, bakit si Bianca pa? Naging malapit na ito sa akin, at… at… hindi ako makapag-isip. Naging blangko ang aking isipan.
Lumingon ako kay Bianca, pagkatapos ay kay Franco na hindi na maipinta ang mukha. Nakita kong naggalawan ang mga muscles nito sa mukha. At ang mga mata ay umaapoy sa galit , ngunit para kanino?
Humugot ito ng pagkalalim na paghinga. “What’s the meaning of this, Bianca?” tiim-bagang na tanong nito.
Nagkibit-balikat si Bianca. “What? I owned this place and Marga here is my tenant. She also invited me. Right, Marga?” tanong nito at nilingon ako.
Marahang tango lang ang naisagot ko dito.
Mas lalong lumalim ang mga gatla sa noo ni Franco. “Anong ibig mong sabihin?” malamig ang tonong tanong nito kay Bianca. Mas malamig pa iyon sa yelo at nakapanginginig ng kalamnan. Tila wala itong alam sa sinasabing iyon ni Bianca.
Nagbagong bigla ang mood ng mga nasa paligid. Naging tensyonado ang lahat. Ang iba ay halos nakatuon sa amin ang pansin. Ako man ay halos hindi rin humihinga.
Sa kabila ng lahat ng iyon, naramdaman kong may humawak sa kamay ko at ng lingunin ko iyon ay nakita ko si Troy. Masuyo nitong tinapik-tapik ang kamay ko.
Narinig kong tumikhim si Tito William, “I gave it to her, Franco,” sabi nito.
Dito naman nabaling ang atensyon ni Franco. “You gave it to her? Why?”
Nakita ko ang nakalolokong tinging ibinigay ni Bianca kay Franco. Parang sinasabi noon na naisahan niya ang lalaki.
“You know, her Dad and I were friends when he’s still alive,” panimula ni Mr. Lorenzo, “and he acquired this property before he died. He let me used this building, kapalit ng hindi ko pagsasabi na pagmamay-ari niya ito. Dahil alam niyang papalubog na noon ang mga negosyo niya at maaaring isa ito sa ilitin ng mga bangko.” Paliwanag nito.
“So, you lied to me about owning this place,” ang ‘di makapaniwalang sabi ni Franco habang umiiling-iling.
“Bianca here, begged me to keep it from you. I thought she wanted to tell that on you personally. That’s why I keep my mouth shut.”
Tiningnan ni Franco si Bianca at kita ko ang mabalasik nitong anyo. Parang anumang oras ay makakagawa ito ng masama. At naiintindihan ko ito. Pakiramdam kasi nito ay trinaydor siya ng sarili niyang asawa.
Pero ang hindi ko naiintindihan ay kung bakit iyon nagawa ni Bianca? Bakit parang iba ang nakikita kong galit sa mga mata ni Franco? At si Bianca ay ganoon din. Parang may mali. Parang may hindi tama.
Kagaya na lang noong gabing umiiyak si Bianca. Nagawa bang lahat iyon ni Franco dito? Kaya ba talaga nitong manakit? Kaya ba nitong manakit ng ibang tao lalo na at sarili niya pang asawa?
Gulong-gulo na ang isip ko. Gusto ko nang umalis sa harap ng mga ito subalit, magmumukha naman akong katawa-tawa.
Naramdaman ni Troy ang uneasiness ko, kaya ito na ang gumawa ng paraan para mawala ang tensyon sa paligid. “Hindi pa tayo nagkakakilala, my name is Troy Gascon,” pagpapakilala nito kay Bianca na may triumphant na ngiti habang nakatitig kay Franco.
Nilingon ito ni Bianca na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha. Ngumiti ito ng matamis kay Troy. “So you’re the business partner,” nanunudyong sabi nito sabay lingon sa akin. “Nice to finally meet you. Hindi naman sinabi ni Marga sa akin that you’re such a good catch,” dagdag pa nito.
Ngumiti si Troy. “I’ll take that as a compliment,” magiliw na sagot nito kay Bianca.
Pero ramdam ko ang mahigpit na kapit ni Troy sa kamay ko. Nagpipigil ito ng panggigil sa babae. Palagay ko hindi maganda ang pakiramdam nito kay Bianca. Kilala ko ito, at magaling itong kumilatis ng tao. Kaya nga hindi ito nagdalawang isip lapitan ako noon sa Singapore. Dahil tingin pa lang daw nito sa akin ay alam na niyang mabuting tao daw ako.
At para mailayo ako sa sitwasyong iyon magalang na nagpaalam si Troy kina Mr. Lorenzo. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aasikaso sa ibang naroroon, kahit na hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa paligid.
Maraming katanungang bumabagabag sa isipan ko. I don’t know, pero sa una pa lang, ramdam ko na ang animosity ni Bianca sa akin. Hindi iyon maikakaila sa mga klase ng tinging ibinibigay nito sa akin, noong una pa lang naming pagkikita. But, did Bianca knows who I am? Sinadya ba nito ang lahat? Pero imposible iyon dahil si Mr. Lorenzo ang nag-offer ng place na ito sa amin.
At si Franco, bakit ganoon na lang ang nakikita kong galit ‘pag tinitingnan nito si Bianca? Hindi ba maayos ang pagsasama nilang dalawa? Totoo bang nanakit ito sa asawa?
Ganoon pa man, napag-isip-isip ko, hindi ko dapat hayaang makaapekto ang mga isiping iyon sa business namin, lalo pa at andito si Troy. Ayokong mapahiya. Kung may problema man sina Franco at Bianca sa samahan ng mga ito, labas na ako doon. At kung may problema man si Bianca sa akin, iyon ang dapat kong alamin, pero hindi pa sa ngayon. Maraming pagkakataon para sa bagay na iyon at handa akong harapin lahat ng iyon.
***
Nang matapos ang soft opening namin, sa condo kami umuwi ni Troy. Doon na ito magpapalipas nang gabi, dahil ayon dito ay babalik din daw ito sa Singapore kinabukasan.
Maayos naman ang lahat sa bago naming branch. In fact, fully reserved na nga kami sa susunod na isang linggo na ikinatuwa namin ni Troy.
Pinakatitigan ako ni Troy pagkapasok na pagkapasok namin sa condo nito. Ang tinging kahit kailan ay hindi ko magagawang takasan. Alam ko ang nasa isipan nito, ang nangyari kanina sa resto. At may palagay akong uumagahin kaming dalawa sa pag-uusap. Kaya ngayon pa lang hinahanda ko na ang aking sarili.
“So tell me, sino nga ba talaga ang Bianca na iyon?” ang hindi na nakatiis na tanong nito.
“Pwede ba maupo muna tayo, bago ka magsimula d’yan,” at iiling-iling akong naupo sa sofa kasunod ito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lamang (Unedited)
RomanceNagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya p...