Chapter 9

364 7 4
                                    

Stuffed toy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Stuffed toy


Puno ng kaba ang aking puso habang naglalakad papunta sa kwarto kung nasaan ang aking katawan. Wala na akong pakiealam kung ano ang magiging reaksyon nila. Ang gusto ko lang mangyari ay makita ang katawan ko sa huling pagkakataon. 


Sa labas pa lang ng kwarto ay umiiyak na si bea at hindi ko kilalang lalaking ngunit sigurado akong nakita ko na siya kung saan. Hindi ko sila pinansin at pumasok ako sa loob ng kwarto. Nadatnan ko ang aking ina na umiiyak sa walang buhay kong katawan. Lumapit ako sa aking katawan at hindi ko napigilan ang aking sarili na umiyak. Alam ko na nagulat ang aking ina ngunit hindi ko na talaga mapigilan ang aking nararamdaman. Literal na nawalan ako ng pag-asa na mabuhay.


"Hija, sino ka?" Tanong sa akin ng aking ina sa gitna ng kaniyang pag-iyak. Pinahid ko ang aking luha  bago magsalita.


"Kaibigan po ako ni iris." Tugon ko at sabay kaming napalingon dahil sa pagbukas ng pinto. Si bea at ito at bakas sa kaniyang mukha ang gulat nang makita ako sa tabi ng aking katawan.


"Anong ginagawa mo rito?!" May galit niyang sabi at hinila ako palabas. Hinigpitan ko ang hawak kong paper bag habang patuloy pa rin sa pag-iyak.


"Gusto ko lang makita sa huling pagkakataon si iris." Umiiyak kong sabi. Napatingin ako sa mga mata ni bea at nakita na walang luha na nanggagaling dito. Agad akong nagtaka.


"Hindi ka namin kilala, magpakilala ka muna." Sambit niyang habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil kilala ako ng lubos ni bea at alam niya na siya lang ang malapit na kaibigan ko.


"Huwag na, nakita ko naman na siya." Malungkot kong sabi at inalisan sila. Gusto kong magalit sa mga pagkakatong ito ngunit hindi dapat dahil wala naman na akong magagawa. Pasalamat na lang ako na nabuhay ako sa katawan ng ibang tao.


Patuloy ang pag-iyak ko habang nasa loob ako ng taxi. Masyado na akong nangain ng oras at sigurado ako na nagagalit na si becila dahil wala siyang katulong doon. Nag-ayos muna ako ng aking sarili bago pumasok sa loob ng bahay. 


"Larisa! saan ka ba galing?" Mataray na sambit ni becila. 


"Bumili lang ako ng regalo." Tugon ko at pinakita pa sa kaniya ang binili kong stuffed toy.


"Kahit kailan ka talaga." Irita niyang sabi at bumalik na sa kaniyang ginagawa.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon