Chapter 19

379 11 1
                                    

Planado

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Planado


"Tatiana, lumayo ka sa kaniya." Seryosong sambit ni thalia habang diretsong nakatingin sa akin.


Napatingin ako kay tatiana na diretsong nakatingin sa kaniyang ina na tila hindi alam ang gagawin.


"Pumunta ka na sa mommy mo." Bulong ko sa kaniya dahil iyon ang tamang gawin. Mahal ko siya pero hindi ako ang ina niya. May mga bagay sa mundong 'to na kahit gustuhin natin ay hindi pwedeng maging sa'tin.


Nagtago sa likod ng kaniyang ina si tatiana at binaling ko ang aking tingin kay thalia.


"Ayokong makita kang kasama ang mga anak ko," Saad niya habang diretso nakatingin sa aking mga mata. Ramdam ko ang galit sa kaniya ngunit hindi kasi siya kilala sa pakikipag-away.


"Kung ayaw mong sa police station na tayo sunod na magkita." Dugtong niya sa kaniyang sinabi at napatingin ako sa batang dumaan sa aking tabi. Si seven ito at hindi manlang niya kami binigyan nang pansin at dumeretso na sa kanilang kotse.


Hindi na nagsalitang muli si thalia at sumunod na kay seven. Hindi ko inaalis ang aking tingin kay tatiana na bakas sa mukha ang pagkalungot.


Habang nasa taxi ay sinusubukan kong tawagan si aziel ngunit hindi siya sumasagot. Siguro ay busy siya sa kaniyang trabaho. Napatitig ako sa isang number sa aking contacts. Naalala ko lang siya sa pangalan dahil unang beses ko pa lang naman siya nakita sa conveniece store. Mabilis ko siyang tinawagan at hindi nagtagal ay agad niya itong sinagot.


"Mira, nasaan ka?" Tanong ko sa kaniya. Wala na akong pwedeng malapitan sa mga pagkakatong 'to. Hindi naman pwede si bea dahil alam kong hindi siya maniniwala kapag sinabi ko na ako si iris.


"Larisa, napatawag ka, may problema ba?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa labas at nakita ang tulay kung saan kami nahulog. Nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari nang gabing iyo. Tipong gusto ko ng kalimutan ngunit mahirap.


"Kailangan ko ng kausap." Seryoso kong sabi at tumingin sa aking relo. Malapit na dumilim ang paligid. Siguro ay naka-uwi na si aziel sa totoo  niyang pamilya. Ang sakit isipin na mag-isa akong matutulog sa condo na iyon.


"Inuman ba? Saan tayo?" Natatawa niyang sabi. Mukhang handa siya sa mga gusto kong mangyari.


"Magkita na lang tayo." Saad ko at dumeretso sa condo upang mag-ayos ng aking sarili. Mabilis akong naligo at namili nang maayos na damit. Naglagay lang ako ng minimal na make-up bago pumunta kung saan kami magkikita ni mira.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon