Sinukuan
"Bakit ka niyayakap ni larisa?" Tanong niya at alam ko na may paghihinala sa kaniyang tono.
Naghanap muna ng mga salita si aziel bago magsalita.
"Lasing si larisa at hindi niya alam ang ginagawa niya." Seryoso niyang saad at tinignan ako. Simple akong ngumiti sa kaniya at binaling ang tingin kay seven na diretsong nakatingin sa amin. Mukhang nakumbinsi naman siya at bumalik na sa taas. Humarap sa akin si aziel at hinawakan ng mahigpit ang aking braso.
"Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung nahuli tayo?" May diin niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata. Sinusubukan kong alisin ang kaniyang kamay dahil humihigpit na ito.
"Nasasaktan ako, aziel." Saad ko habang patuloy sa pag-alis ng kaniyang kamay. Hindi ako nagtagumpay dahil masyado siyang malakas.
"Larisa, umayos ka." Seryoso niyang sabi at binitawan ako. Hinimas ko pa ang parte kung saan niya ako mahigpit na hinawakan. Iniwan niya akong mag-isa at umakyat sa taas upang puntahan ang kaniyang asawa. Sa mga pagkakataong ito, ramdam ko na kabit lang talaga ako ni aziel.
Pumunta na lamang ako sa aking kwarto dahil labis na ang nararamdaman kong hilo. Nagdaan ang ilang araw at hindi ko alam kung ano ang nangyari kay aziel at thaila. Isa lang ang sigurado ako, hindi sila nakapag-celebrate ng kanilang anniversary.
Nag-aayos ako ngayon dahil ngayon ang araw ng libing ng aking orihinal na katawan. Masakit man isipin ngunit kailangan kong tanggapin. Wala rin namang magbabago kahit umiyak pa ako ng dugo. Sa taxi na lang ako sumakay upang mas mapabilis ang pagpunta ko sa lugar kung saan ililibing ang aking katawan.
Sa mga pagkakataong ito ay hindi ko na napigilaan ang aking luha, kusa na itong bumagsak. Siguro ay dahil na rin sa mga taong dumalo sa aking libing. Halos lahat ay malapit sa akin. Dumistansya ako kay bea dahil baka kung ano naman ang gawin niya sa akin. Patuloy lang sa pagpatak ang aking luha habang binababa ang aking kabaong pababa sa hukay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero isa lang ang sigurado ako, bibigyan ko ng halaga ang panibagong buhay na binigay sa akin.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa bahay ni aziel. Tanging mga bata lang ang nandito dahil ang mag-asawa ay nagtrabaho, samantalang si becila ay nasa palengke. Umakyat ako sa taas upang tignan ang mga bata. Malapit na ako sa kwarto ni tatiana ngunit nakita kong nakabukas ang pinto ng kaniyang ina. Simple akong pumasok sa loob at pinagmasdan ang kabuuan ng kaniyang kwarto. Pumunta ako sa closet at tinignan ang mga mamahaling damit ni thalia.
BINABASA MO ANG
The Rebirth Mistress [COMPLETED]
RomansaWarning: Mature Content Mistress Series 2 Lumaki na maganda ang itsura at buhay ni IRIS VILLATRAZO ngunit magbabago ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan niya. Nagising na lamang siya na nasa ibang katawan na siya at ang malala pa ay kabit s...