Chapter 2

661 13 1
                                    

Kasambahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasambahay


"Galit ka pa rin ba sa'kin?" Agad niyang tanong pagkatapos ko siyang itulak. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko naman alam kung paano mamuhay si larisa sa lugar na 'to. Hinalikan niya 'ko, ibig sabihin may lihim silang relasyon. Mukhang mahihirapan ang paninirahan ko sa lugar na ito.


"Baka makita nila tayo." Tangi kong nasabi at nagbalak na umalis sa lugar ngunit mabilis niya akong pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap sa akin likod. Tila may dumaloy na kuryente papunta sa gitna ng aking hita dahil sa kaniyang ginawa. Hinalikan niya ang aking leeg at dinala ako paharap sa kaniya.


"Sir, ayoko po." Naiilang kong sambit habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa aking leeg. Bahagya ko siyang natulak at balak na sanang ituloy ang kaniyang gagawin ngunit biglang bumukas ang pinto.


"Daddy, are you fighting with nana larisa?" Tanong ni tatiana na puno ng pagtataka ang mukha. Nilingon ko ang lalaki sa aking likod at napansin ko na parang wala siyang balak na sabihin ang totoo kay kinuha ko itong pagkakataon upang umalis sa lugar kasama si tatiana.


Puno ng kaba ang aking puso na pababa sa hagdan. Samantalang si tatiana ay bumalik na sa paglalaro sa kaniyang doll house. Pupunta na sana ako sa kusina upang kumuha ng pagkain ngunit natigilan ako dahil sa pagbukas ng pinto. Pumasok dito ang isang magandang babae habang hawak ang isang batang lalaki.


"Seven, hindi na 'ko natutuwa sa'yo." Mataray na sambit ng babae habang dala-dala ang ilang paper bag, mukhang nag-shopping. Hindi siya pinansin ng bata at padabog na umupo sa couch. Normal ko lang sila na pinagmamasdan.


"Larisa, dalhin mo 'to sa kwarto ko." Sambit niya nang kami ako ay magkalapit. Mabilis kong tinanggap ang mga paper bag at umakyat muli sa itaas. Shit! Hindi ko alam kung saan ang kwarto ng babaeng iyon.


Ang tangi ko na lang ginawa ay buksan lahat ng kwarto. Natigil na lang ako nang maamoy ko ang pabango na kapareho ng suot ng babae. Pumasok ako sa loob at pinatong sa kama ang mga paper bag. Lalabas na sana ako ngunit natigil ako dahil sa aking nakita na litrato. Famliy picture nila ito. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang cute na si tatiana. Asawa pala niya ang babae sa baba at panganay ang lalaking may pangalan na seven.


Pagkatapos ay bumaba na ako at nadatnan na pinapagalitan ng babae ang kaniyang lalaking anak. Marahil ay may gusto ito na hindi naman dapat sa kaniya. Lalagpasan ko na sana sila upang puntahan si tatiana ngunit nabigla ako ng tawagin ako ni seven.


"Larisa! I want fruits." Seryoso niyang sabi. Kung ang gaan ng pakiramdam ko kay tatiana, ibang-iba ang kay seven. Tumango lang ako at simpleng pumunta sa kusina. Sa totoo lang, wala akong alam sa mga gawaing bahay kaya hindi ko alam kung tatagal ba ako sa lugar na ito. Kumuha ako ng ilang prutas na nasa ref. Binalatan ko ito at maayos na nilagay sa isang pinggan.


Bumalik ako sa sala at pinatong sa small table ang pinggan na may lamang prutas. Napasulyap lang ako sa kanilang nanay na tumitipa sa kaniyang cellphone. Napatingin ako sa pool area dahil sa pagsigaw ni tatiana.


"Nana, hindi mo na 'ko binigyan ng food." Malungkot niyang sabi kaya nagmadali ako papuntang kusina. May nakita akong tinapay sa gilid ng ref kaya nilagyan ko na lang ito ng cheese spread, umaasang magugustuhan ito ni tatiana. Sinamahan ko na rin ng orange juice na nakita ko sa loob ng ref.


"Kain ka na." Saad ko at napangiti ako ng agad din niya itong kinain. Akala ko kasi hindi niya magugustuhan. Wala rin naman akong alam sa mga bata lalo na't nag-iisang anak lang ako. Napatingin ako sa kalangitan at napansin ang unti-unti nitong pagdilim. Hindi ko inakala na tatagal ako sa lugar na ito hanggang gabi.


Wala akong ginawa kundi sundin ang bawat utos nila. Nang masigurado ko na tulog na silang lahat ay pumunta na ako sa aking kwarto upang magpahinga. Alam ko na hindi ako makakatulog ngayong gabi kaya tumingin na lang ako ng mga bagay na maaring maging tulong sa akin upang malaman kung sino ba ang babaeng ito at mga taong nasa paligid ko


May nakita akong kahon sa ilalim ng kama kaya kinuha ko ito. May lamang itong ilang gamit at ilang papeles na hindi ko alam kung para saan. Binasa ko ang ilan.


"Larisa De Valle..." Banggit ko sa buong pangalan ng babaeng ito. Galing sa probinsya at napunta sa maynila upang magtrabaho. May kapatid na dalawa, parehong nag-aaral. Wala ng mga magulang, namatay sa isang malaking sunog.


"Thalia Cortez..." Banggit ko sa pangalan ng nanay nila tatiana at seven. Fashion designer. Anak ng may-ari ng kilalang mall sa lugar na ito.


"Aziel Cortez..." Asawa ni thalia. May-ari ng isang kumpanya. Isa sa mga mayamang tao sa lugar na ito. Tinignan ko pa ang ilang papel at labis na nagtaka dahil bakit may mga ganitong papeles si larisa. May binabalak ba siya sa pamilyang ito?


Sa patuloy na pagbabasa ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako dahil sa isang katok. Tumingin ako sa aking bintana at nakita na madilim pa lang ang kalangitan.


"Larisa, gumising ka na, magluluto pa tayo ng almusal." Sambit ni becila, ang housekeeper nitong bahay.


Normal akong tumayo at nag-ayos ng aking sarili bago tuluyang lumabas ng pinto. Pumunta ako sa kusina at nakita na nagluluto na si becila. Nakita niya lang ako na nakatingin sa kaniya kaya mabilis siyang pumalakpak sa aking mukha.


"Gising ka na ba? Kilos." Seryoso niyang sabi dahilan para kumilos ako. Kinuha ko ang sandok na nasa tabi at hinalo ang pasta na nasa kawali. Patuloy lang ako sa paghalo at sumusunod sa bawat utos ni becila.


"Lagyan mo ng paminta." Utos niya na mabilis kong sinunod. Hanggang sa matapos na kaming magluto. Mabilis ang bawat kilos naming ginawa dahil konting oras na lang ang meron kami. Hinanda na namin ito sa lamesa at naghintay sa pagbaba ng pamilya.


"Good morning, nana." Bati sa akin ni tatiana at umupo sa kaniyang upuan, samantalang ang iba ay hindi kami binigyan ng pansin. Nagsimula na sila sa pagkain at kaming dalawa ni becila ay kumakain na rin sa kusina. Ayoko ng ganitong pakiramdam.


"Larisa! Where's my fruit?!" Sigaw ni seven dahilan upang matigil ako sa pagkain at gawin ang inutos niya. Nang matapos sa pagbabalat ay pinatong ko ito sa harap ni seven at natigilan ako sa pagsasalita ni thalia.


"Larisa? Parang may iba sa'yo ngayon." Naghihinala niyang tanong na naging dahilan para pagpawisan ako ng lubos.


END OF CHAPTER TWO

END OF CHAPTER TWO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon