Tatiana
Nang masigurado ko na wala na si bea ay lumabas na ako ng CR. Sa pagkakataong ito ay dapat ko ng makita ang aking katawan. Kailangan ako na mismo ang gumawa ng paraan. Bumalik ako sa lugar kung nasaan ako kanina. Ngayon ay walang tao. Sumilip ako sa loob at nakita ang aking ina na natutulog sa aking tabi. Tila nadudurog ang aking puso dahil sa aking nakikita. Hindi pa kong handa na mawala sa mundong ito.
Sinubukan kong pihitin ang door knob ngunit mabilis akong napigilan ni bea. Nagulat ako dahil sa bigla niyang pagsulpot.
"Sino ka?" Seryoso niyang tanong habang diretsong nakatingin sa akin. Walang lumalabas na salita sa aking bibig dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniyan ang totoo.
"Dito ba ang kwato ni megan?" Tugon ko sa kaniyang tanong at nagbago agad ang kaniyang ekspresyon.
"Nagkamali ka ng kwartong papasukin, hindi megan ang pangalan niya." Mataray niyang sabi at pumasok sa loob. Ni-lock pa niya ang pinto na tila nang-aasar pa. Talaga 'tong kaibigan ko, akala ko friendly sa lahat.
Bigo ako sa pagkakatong ito. Inisip ko na lang na may iba pang pagkakataon. Habang naglalakad sa hallway nitong ospital ay natigilan ako dahil sa paparating na stretcher. May nakasakay ditong babae na duguan ang mukha.
"Siya 'yung nanalo sa miss nevada 'di ba?" Rinig kong sabi ng ilang babae sa ospital. TIla nabalitaan ko ang pagkapanalo niya. Maxine Ravena ata ang pangalan niya.
"Balita ko, kabit siya ng isang mayamang business man." Tugon naman ng babaeng kausap niya.
"Dapat lang 'yan sa mga katulad niyang kabit." Mataray na sambit ng isang babae. Hindi ko na pinakinggan ang sunod nilang mga sinabi dahil alam ko sa sarili ko na kabit ako. Pero tao pa rin kami, nasasaktan at naghahanap ng pagmamahal.
Palabas na ako ng ospital ngunit napigil ako dahil sa pagtawag ng aking pangalan.
"Larisa!" Sigaw na dahilan upang ako ay mapalingon. Pilit akong ngumiti dahil sa papalapit sa akin na babae. Sinubukan ko na nga na takasan siya ngunit hindi ako nagtagumpay.
"Nagpa-check up ka?" Tanong sa akin ni thania habang pinaglalaruan ang isang maliit na bola sa kaniyang kamay. Diretso akong tumingin sa kaniya bago sumagot.
"May dinalaw lang po ako na kaibigan." Tugon ko at inantay ang sunod niyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
The Rebirth Mistress [COMPLETED]
RomansaWarning: Mature Content Mistress Series 2 Lumaki na maganda ang itsura at buhay ni IRIS VILLATRAZO ngunit magbabago ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan niya. Nagising na lamang siya na nasa ibang katawan na siya at ang malala pa ay kabit s...