Chapter 17

352 9 12
                                    

Kahihiyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahihiyan


Konti lang ang ininom kong alak ngunit tinamaan pa rin ako. Balak ko na sanang bumalik sa aming kwarto ngunit hinarang ako ng lalaking kanina pa tumitingin sa akin.


"Mag-isa ka miss?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang aking mukha. Ngumiti ako sa kaniya bago siya sinagot.


"Paano kung oo, itatake out mo ba 'ko?" Balik kong tanong sa kaniya at mukhang nakuha na niya ang gusto kong mangyari. Hinawakan niya ang aking kamay at mabilis akong inalis sa lugar. Mukhang dadalhin niya ako sa kaniyang kwarto. Hindi pa lubusang nakakarating sa kaniyang lugar ay kitang-kita ko na ang paparating na si aziel. Nagulat ang kasama kong lalaki ng biglang alisin ni aziel ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin.


"May problema ba pre?" Tanong ng lalaking kasama ko ngunit hindi ito sinagot ni aziel at binaling ang tingin sa akin.


"Bakit ka nag-i-inom?" Seryosong tanong ni aziel. Inalisan ko siya ng tingin at tumingin sa lalaking kanina pa ako hinihintay.


"Binabastos mo siya, e." Maangas na sabi ng lalaki at tinulak nang bahagya ang braso ni aziel. Tila hindi natuwa si aziel sa ginawa ng lalaki at mabilis na sinuntok ito. Agad na bumagsak sa sahig ang lalaki at hindi na nakatayo, siguro ay dahil na rin sa kalasingan.


Kahit nagulat ay tinalikuran ko siya kahit hindi ko alam kung saang lugar kami papunta. 


"Larisa, kausapin mo 'ko." Saad ni aziel habang patuloy sa pagsunod sa akin. Ayoko siyang kausapin. Sa tuwing nakikita ko siya ay naalala ko ang mga tagpo kanina. Kung paano sila magkahawak kamay ni thalia habang naglalakad sa dalampasigan.


Wala akong alam na pwedeng puntahan kaya sa dalampasigan na rin ako pumunta. Nahinto ako sa paglalakad dahil sa pagyakap niya mula sa aking likod. Pinapalitan ng init ng kaniyang katawan ang malamig na simoy ng hangin.


"Larisa, anong problema?" malambing niyang tanong habang nakayakap pa rin sa akin. Tanging hampas ng mga alon ang aking naririnig. Tunog na nagbibigay kalma sa aking isip.


"Itigil na natin 'to," Normal kong sabi, pinipigilan ang aking sarili na umiyak. Inalis ko ang pagkakayakap niya at humarap sa kaniya.


"Nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni thalia." Saad ko at hindi na napigilan ang aking luha. Sobra na ang bigat na aking nararamdaman. Gusto ko na lang iiyak ang lahat.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon