"Iris, sige na, samahan mo na 'ko dito." Nagmamakaawang sambit ni bea sa akin habang nasa cafeteria kami.
Nais kasi niyang pumunta sa product launch ni thalia. Hindi naman mahilig sa fashion si bea, sadyang pupunta rin ang crush niya doon kaya labis na lang ang pamimilit niya sa akin.
"Anong kapalit?" Tanong ko kahit gusto ko naman talagang pumunta doon. Gusto kong makita ang mga bata at kalagayan ng mag-asawa. Natigil kami saglit sa pag-u-usap dahil sa pagdating ng aming mga pagkain.
Pinatong ng waiter ang mga inorder naming pagkain at mabilis na umalis.
"Tuloy na natin 'yung trip to singapore." Nakangiti niyang sabi na tila sigurado siya na papayag ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi niya alam may plano talaga akong pumunta roon.
"Okay, sabi mo 'yan ha." Saad ko at kinuha ang kape na nasa aming table at humigop ng kaunti. Kitang-kita ko ang saya sa mata ni bea dahil sa aking sinabi.
Naging mabilis ang araw hanggang sa papunta na kami sa event kung saan magaganap ang product launch ni thalia. Guest lang kami sa fashion show na ito kaya sa ikatlong row kami naka-upo. Maayos na ito, kitang-kita ko pa rin kung saan uupo sila larisa mamaya.
Hindi nagtagal ay dumating na si larisa, aziel at dalawang bata. Gusto ko silang lapitan at yakapin ng mahigpit. Napatingin ako kay aziel at walang nagbago sa kaniyang itsura. Nang magbalik ako sa aking orihinal na katawan ay nawala ang pagmamahal na nararamdaman ko kay aziel. Totoo na minahal ko lang siya dahil nasa katawan ako ni larisa.
"Iris, nandiyan na 'yung crush ko." Kinikilig na sambit ni bea habang kinukurot pa ang aking braso. Agad na hinanap ko ang kaniyang sinasabi at nakita kong naka-upo ito sa ikalawang row. Ang harot talaga nito kahit kailan.
Binalik ko ang tingin ko kila aziel ngunit nawala rito si larisa. Mukhang hindi nagbabago ang tadhana nila. Mapapatunayan ko ito kapag naging isa sa mga model si larisa katulad ng nangyari sa akin.
Nagsimula na ang fashion show at isa-isa nang nagsilabasan ang mga model habang suot ang creation ni thalia. Mukhang hindi ako nagkamali dahil lumabas nga si larisa habang suot ang gown na sinuot ko noon. Wala na talaga akong magagawa kundi tanggapin ang mga mangyayari.
Hanggang sa natapos ang fashion show at ang ilang tao ay umalis na. Ang iba naman ay nagpapapicture kay thalia kaya kinuha ko itong pagkakataon upang makalapit sa kaniya.
"Pa-picture po." Magalang kong sabi kay thalia at nag-selfie kasama siya. Wala na si bea at kinakausap na ang lalaking matagal na niyang crush. Hindi naman papayag 'yon na magiging zero siya.
"Thank you for coming." Saad niya habang nakangiti. Tumugon ako sa kaniyang ngiti at napalingon sa papalapit na sila aziel kasama ang mga bata.
"Anak niyo po?" Tanong ko kay thalia habang tinuturo ang mga bata. Simple lang siyang tumango. Kinuha ko ang pagkakataong ito at marahan na umupo.
"Picture tayo." Sambit ko at kahit nagulat ay pumayag pa rin sila. Game na game sa pagngiti si tatiana samantalang bakas pa rin ang gulat sa mukha ni seven.
Napatingin ako sa kakarating lang na si larisa. Nagpalit na siya ngunit hindi pa rin tinatanggal ang suot niyang make-up. Inaayos pa niya ang kaniyang buhok habang nakatingin sa akin. Naalis ang kaniyang tingin ng tawagin siya ni thalia.
"Larisa, nasaan na ang boyfriend mo?" Tanong ni thalia sa kaniya na aking ikinagulat. May boyfriend na si larisa. Ibig sabihin may ilan din palang nagbago. Mas naging masaya ako dahil hindi nagpatuloy ang pagiging kabit niya.
"Ayan na siya." Saad ni larisa sa aking likod kaya wala akong ginawa kundi ang harapin ang lalaking naglalakad papunta sa akin. Habang may hawak na bulaklak at labis ang ngiti.
"Mico," Saad ko gamit ang aking isip. Sila pala ang nagkatuluyan sa huli. Sadyang pinangunahan ko lang noon si larisa.
Nilagpasan niya ako at lumapit kay larisa. Inabot niya ang hawak niyang bulaklak at hinalikan sa labi si larisa. Tinakpan pa nang mga bata ang kanilang mga mata dahil sa ginawa ng dalawa.
Mukhang hindi na kailangan ang presensya ko sa lugar na ito kaya nagpaalam na rin ako sa kanila. Masaya akong aalis sa lugar na ito dahil maayos ang naging takbo ng istorya nila. Maraming nagbago ngunit ang pagbabago na iyon ay nagdulot ng kabutihan sa kanila.
"Nasaan na ba si bea?" Tanong ko sa kawalan habang hinahanap si bea. Habang patuloy sa paglalakad ay may bigla akong nabunggo dahilan upang mapa-upo ako sa sahig. Naka-heels kasi ako at mabilis akong nawalan ng balanse.
"Hindi kasi tumiting-" Naputol ako sa pagsasalita dahil sa lalaking aking nasa harapan.
Maamo ang kaniyang mukha na talagang nagpalambot sa aking puso. Gusto kong magalit ngunit hindi ko magawa. Tila na 'love at first sight' ako sa kaniya.
"Okay ka lang miss?" Nakangiti niyang sabi at inabot ang kaniyang kamay. Mabilis ko itong tinanggap at tinulungan niya ako sa pagtayo. Diretso lang akong nakatingin sa kaniya na tila nag-u-usap kami sa aming mga isip.
Natapos ang kwento ni larisa sa maganda, mukhang magsisimula pa lang ang akin.
BINABASA MO ANG
The Rebirth Mistress [COMPLETED]
Любовные романыWarning: Mature Content Mistress Series 2 Lumaki na maganda ang itsura at buhay ni IRIS VILLATRAZO ngunit magbabago ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan niya. Nagising na lamang siya na nasa ibang katawan na siya at ang malala pa ay kabit s...