Chapter 3

616 12 6
                                    

Ang kabanatang ito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang kabanatang ito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa.

Kabit


"Larisa? Parang may iba sa'yo ngayon." Naghihinala niyang tanong na naging dahilan para pagpawisan ako ng lubos.


Huminga ako ng malalim bago nagsalita.


"Ano po 'yon, ma'am?" Tanong ko dahil siguro nga ay may ginawa akong isang bagay na hindi ko naman ginagawa noon.


"Hindi ka naman ganiyang magbalat ng mansanas." Saad niya at tinuro ang kinakain ni seven. May tamang paraan na pala ng pagbabalat ng mansanas ngayon. Simple akong ngumiti bago sumagot.


"Sumubok lang po ako ng bago ma'am." Tugon ko at tumango na lang siya. Napatingin ako kay aziel at diretso lang siyang nakatingin sa akin na tila hinuhubaran ako sa kaniyang isip. 


Natapos na sila sa pagkain at naligo na ang mga bata upang pumasok. Hindi kumikilos si becila kaya nagpasiya ako na lang ang maghugas ng mga pinagkainan ng pamilya. Hindi pa ako nagsisimula ay nagulat ako dahil sa pagsulpot ni becila sa aking likod.


"Sinabi ko bang gawin mo 'yan, ihatid mo na ang mga bata." Mataray niyang sambit kaya hinugasan ko na ang aking kamay at pumunta sa labas. Nakita ko ang mga bata na nasa loob ng kotse, mukhang ako na lang ang hinihintay.


"Ang tagal mo." Seryosong saad ni seven at inayos ang kaniyang bag na nakapatong sa kaniyang legs. Si tatiana naman ay busy sa pagbabasa ng libro. Sa front seat ako sumakay dahil ang dalawang bata ay nasa likod na. Nagsimula na sa pagtakbo ang sasakyan papunta sa kanilang school.


Alam ng lahat na hindi ako mahilig sa mga bata kaya mabilis na nagbago ang mood ko ng makita ang maraming bata na nagkalat sa school nila tatiana. Ang iba ay may kasama ring kasambahay at ang iba naman ay kanilang mga magulang. Wala akong ginawa kundi sundan ang mga bata.


"Nana, sunduin mo rin kami mamaya." Saad ni tatiana habang hawak ang aking kamay. Nagulat ako ng hindi ko makita si seven sa paligid. Napatigil pa ako at nakita ang pagtataka sa mukha ni tatiana.


"Nasaan si seven?" Bakas ang pag-aalala sa aking boses dahil sa akin hinabilin ang mga batang ito. Agad akong nagtaka ng biglang tumawa si tatiana.


"Wala namang bago, lagi siyang humihiwalay sa atin." Tugon ni tatiana at tinuloy na ulit ang paglalakad. May mga bagay pa talaga ako na dapat malaman dahil sigurado ako na makakahalata sila sa mga pagbabagong nagaganap sa akin.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon