Chapter 8

396 8 9
                                    


Patawad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patawad


Hinatid ako ni aziel sa bahay dahil ayaw daw makita ni thalia ang aking mukha. Hindi ko siya masisi dahil ako naman talaga ang may kasalanan dito.


Pumasok ako sa aking kwarto at umupo sa aking kama. Tumabi sa akin si aziel at hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya dahil dito.


"Bakit ba hindi mo tanda na bawal si tatiana sa gatas?" Normal na tanong sa akin ni aziel habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.


"Nawala sa isip ko, hindi ko ginusto ang mga nangyari. Tugon ko at simpleng yumuko. Hinawakan niya ang aking pisngi at inangat papunta sa kaniya.


"Alam ko na hindi mo gusto ang nangyari, alam ko na mahal mo ang mga anak ko." Seryoso niyang sabi at hindi na ako nagsalita. Nagtama na ang dalawa naming labi. Natutunaw ang aking puso dahil sa kaniyang sinasabi dahil kahit sa maikling panahon na nakilala ko ang mga anak niya ay napamahal na rin ako rito.


Mabilis siyang tumugon sa bawat kong halik. Naglalabay ang kaniyang kamay papasok sa loob ng aking pang-ibaba. Napasinghap ako dahil naramdaman ko ang kaniyang daliri na hinihila pababa ang suot kong panty. Ang isang kamay niya ang nilalamas ang aking dibdib kahit may suot pa akong damit. Balak na niya sanang hubarin ang suot kong damit ngunit natigil dahil sa isang katok na mula sa pinto. Mabilis akong nag-ayos bago binuksan ito.


"Larisa, where's mommy?" Tanong ni seven habang pinupunasan ang kaniyang mata, halata mo na bagong gising. Naramdaman ko ang pagtayo ni aziel at paglapit sa lugar namin.


"Seven, bumalik ka na sa kwarto mo." Seryosong sabi ni aziel at  nakita ko ang gulat sa mukha ni seven dahil sa biglang pagsasalita ni aziel. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na nandito sa kwarto ko si aziel.


Lumabas si aziel at binuhat si seven paakyat sa taas. Habang paakyat sa hagdan ay seryosong nakatingin sa akin si seven. Iba ang utak ng batang ito kumpara sa ibang bata. Sana ay hindi siya naghihinala sa amin ni aziel.


Hindi nagtagal ay bumalik na si aziel dala-dala ang isang paper bag. Inabot niya sa akin ito at normal kong tinignan.


"Make-up 'yan, mas maganda ka kapag may make-up. Saad niya dahilan upang mapangiti ako. Tinignan ko pa ang ilan bago binalik sa paper bag. Tumingin ako sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang pisngi.


"Gagamitin ko 'to, promise." Sambit ko at hinintay ang muli niyang sasabihin.


The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon