Pagkakataon
Nagising ako sa isang madilim na lugar habang nakatali ang aking kamay at paa sa isang upuan. Nilibot ko ang aking paningin at walang nakitang tao.
"Pakawalan niyo 'ko!" Sigaw ko habang sinusubukang alisin ang tali sa aking kamay. Sobrang higpit nito at hirap akong alisin.
Matapos kong sumigaw ay bumukas ang ilaw at nakita ko si bea na naka-upo sa aking harapan. Dalawa lang kaming nandito sa kwarto.
"Para saan 'to, bea?" Irita kong sabi sa kaniya. Normal siyang tumayo.
"Kilala mo nga ako, paano?" Seryoso niyang sabi habang naglalakad papunta sa akin.
"Wala ka ng pakealam doon." May diin kong sabi sa kaniya. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin. Malakas na sampal.
"Ano pang alam mo? at sino ka ba talaga?" Sunod-sunod niyang tanong habang diretsong nakatingin sa akin. Kukuhain ko na itong pagkakataon upang malaman ang totoo.
"Bakit gusto mong mamatay si iris?" Tanong ko sa kaniya at mabilis na nagbago ang ekpresyon ng kaniyang mukha. Mukhang tinamaan ko ang target.
"Hindi ko siya pinatay!" Sigaw niya sa akin at binunot ang baril mula sa kaniyang likod. Tinutok niya ito sa akin na nagbigay sa akin ng kaba. Hindi pwedeng patayin niya ako.
"Wala akong kinalaman sa pagkahulog niya sa tulay, sadyang minahal ko lang si thomas!" Sigaw niyang muli habang nakatutok pa rin sa akin ang hawak niyang baril. Sabay kaming napatingin sa pinto dahil bigla itong bumukas. Bakas sa mukha ni thomas ang gulat dahil sa kaniyang nakikita.
"Hoy! Bea, bitawan mo 'yan." Sambit niya at mabilis itong ginawa ni bea at lumapit sa lalaki.
"Sinasabi niya na ako ang pumatay kay iris." Saad ni bea kay thomas. Hindi siya pinakinggan ni thomas at kinuha ang hawak niyang baril.
"Hindi mo dapat hawak 'to." Ani ni thomas at tinago sa kaniyang likod ang baril. Napahilamos si bea ng kaniyang mukha dahil sa irita na nararamdaman.
"Narinig kita sa CR, anong plano ang sinasabi mo?" Sambit ko habang hindi nakatingin sa kanila.
"Planong hindi na dapat mabuhay si iris." Seryoso niyang sambit dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano nasasabi ni bea ang mga bagay na ito. Hindi pwedeng dala ito ng pagmamahal dahil maraming nagkakagusto sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Rebirth Mistress [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content Mistress Series 2 Lumaki na maganda ang itsura at buhay ni IRIS VILLATRAZO ngunit magbabago ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan niya. Nagising na lamang siya na nasa ibang katawan na siya at ang malala pa ay kabit s...