Lasing
Hindi ako nagtagal sa kwarto ni aziel dahil baka mahuli kami ni thalia na magkatabi. Ang mahalaga ay sigurado ako na hindi sila matutuloy. Normal akong bumaba at nagulat nang makasalubong si becila. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Hindi ko na sana siya papansinin ngunit natigilan ako dahil sa kaniyang pagtatanong.
"Saan ka nanggaling?" Seryoso niyang tanong. Ang mga ganitong tanong ay madali lang sagustin dahil kahit anong sagot ay pwede na.
"Tinignan ko lang ang mga bata kung gising na." Tugon ko at lalagpasan na siya ngunit muli siyang nagsalita.
"Hindi mo naman ginagawa 'yan dati." Sambit niya dahilan upang mapaharap ako sa kaniya. Totoo, madaling sagutin ang tanong na iyon ngunit mahirap kapag nakahanap na sila nang butas na pwede nilang magamit panlaban sa'yo.
"Nagbabago ang tao, becila." Saad ko na ikinagulat ko rin dahil hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon. Hindi na siya nakapagsalita kaya tuluyan ko na siyang tinalikuran. Simple akong napangiti habang pabalik sa aking kwarto.
Naghintay lang ako ng ilang oras bago dumating ang oras na pinakahihintay ko.
"Becila!" Rinig naming sigaw ni thalia sa taas habang nag-aayos kami ng kanilang almusal. Hindi maiwasang lumabas ng aking mga ngiti dahil sa nangyayari. Dali-dali kaming umakyat ni becila at pumunta sa kwarto ni aziel, kung saan nanggagaling ang sigaw.
"Ano pong nangyari?" Natatarantang tanong ni becila. Nadatnan namin si thalia na sinusubukang gisingin si aziel habang umiiyak. Siguro ay iniisip na patay na ang kaniyang asawa.
"Tumawag kayo ng ambulansya." Saad niya habang patuloy sa pag-iyak. Naunang bumaba si becila upang tumawag samantalang ako ay pasimpleng sumampa sa kama at hinawakan ang pulso ni aziel kahit alam ko na nakatulog lang siya.
"May pulso pa siya." Seryoso kong sambit at tila nabunutan ng tinik sa puso si thalia dahil sa aking sinabi. Bumaba ako sa kama at bumalik sa orihinal kong ginagawa kanina. Hindi nagtagal ay dumating ang ambulansya. Dinala nito si aziel sa ospital. Hindi na ako sumama dahil alam ko naman na magiging okay ang lagay niya.
Agad na nagtaka ang magkapatid nang hindi nila kasabay ang kanilang mga magulang. Wala na akong nagawa kundi ang magsinungaling.
"Sa labas sila kumain, gusto nila makatikim ng ibang luto." Saad ko kay tatiana habang nagsasalin ng tubig sa baso. Mukhang nakumbinsi ko siya sa aking sinabi at tinuloy na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
The Rebirth Mistress [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content Mistress Series 2 Lumaki na maganda ang itsura at buhay ni IRIS VILLATRAZO ngunit magbabago ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan niya. Nagising na lamang siya na nasa ibang katawan na siya at ang malala pa ay kabit s...