Chapter 11

350 8 5
                                    

Fashion Show

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Fashion Show


Kailangan na nang pera ng kapatid ni larisa kaya pumunta ako sa sa lugar kung saan pwedeng mag-online transfer ng pera. Sa convenience ako nakakita kaya normal akong pumasok sa loob. May maliit na machine sa gilid kaya doon na lang ako nagpadala ng pera. Mabilis na natapos dahil madali lang naman itong gamitin.


Lalabas na sana ako ngunit pinigilan ako ng isang babae.


"Larisa, ikaw ba 'yan?" Sambit niya, kinikilala ako. Simple akong ngumiti sa kaniya. 


"Kilala mo 'ko?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Nagugulat ako sa pagkakataong may nakakakilala kay larisa. Hindi ko alam kung kaibigan ba niya o kaaway.


"Ako 'to, si mira." Natatawa niyang sambit na tila sigurado siya na makikilala ko siya.


"Hindi kita matandaan, e." Naiilang kong tugon at nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at dinala sa isa sa mga upuan. Wala na akong nagawa kundi ang umupo na rin.


"Nagpagupit kasi ako kaya hindi mo siguro ako makilala, ako 'yung suki mo sa kakanin noon." May galak niyang sabi habang diretsong nakatingin sa akin.


"Ahhhh, ikaw pala 'yon." Natatawa kong sambit.


"Kumusta ka naman?" Pagsasalita kong ulit


"Ito, humihinga pa rin." Pabiro niyang sabi at napatawa na rin ako. Matagal kaming nag-usap at wala akong ginawa kundi ang sumang-ayon sa bawat sinasabi niya. Bumili pa siya ng makakain namin para hindi naman daw boring ang pag-uusap namin.


"Kunin mo ang number ko kapag kailangan mo ng kausap." Normal niyang sabi at kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa. Tinipa niya ang kaniyang number at nakangiting binalik sa akin ang aking cellphone.


Nagpaalam na kami sa isa't isa at bumalik na ko sa bahay ng mga cortez. 


Habang naglilinis ay narinig ko ang pagtawag ni thalia. Marahan akong pumasok sa loob ng kaniyang kwarto. Nakita ko siyang naka-upo sa kaniyang mini sala. Itunuro niya ang upuan sa kaniyang harapan kaya mabilis akong umupo dito.


"Larisa, may event ako bukas. Gusto ko nandoon ang mga anak ko kaya dapat nandoon ka rin." Panimula niya at tumango lang ako. Ano kayang event ang sinasabi nito?

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon