Chapter 16

346 10 7
                                    

Akala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Akala

Habang nasa kusina ay natigil ako dahil sa pagdating ni thalia. Agad na nagmadali si becila upang puntahan siya.


"Becila, larisa, mag-ayos kayo ng mga damit niyo." Saad niya habang palipat-lipat nang tingin sa amin. Si becila ay nagulat pa ngunit ako ay hindi. Marahil tungkol ito sa ticket na nakita ko sa kaniyang kwarto noong isang araw.


"Saan po pupunta ma'am?" Tanong ni becila habang diretsong nakatingin kay thalia.


"Mag-i-stay tayo sa tequila sunrise beach." Tugon ni thalia at balak na sanang umalis ngunit natigil dahil sa pagtatanong ni becila.


"Ngayon po ba icecelebrate ang anniversary niyo ma'am?" Tanong ni becila at nasilayan namin ang ngiti sa labi ni thalia. Ngiti na nagdulot nang galit sa akin dahil buong akala ko ay hindi na matutuloy ang okasyon na 'yon ngunit nagkamali ako.


"Ngayon namin icecelebrate at nagpa-usapan namin na kasama ng mga bata, kasama kayo dahil walang mag-aalaga sa kanila." Saad niya at tuluyan na siyang umalis.


Mabilis na umalis si becila at agad na pumunta sa kaniyang kwarto samantalang ako ay naiwan sa kusina at tinituloy ang aking niluluto. Nang matapos ay pumunta na ako sa aking kwarto upang maghanda na nang mga damit. Hindi ako masyadong nagdala nang marami dahil hindi naman ako mahilig maligo sa dagat. Habang nag-aayos ay rinig ko na ang pagbaba ng mga bata.


"I miss the beach!" May galak na sabi ni tatiana. Tinignan ko si seven at busy lang siya sa pagtipa sa kaniyang cellphone. Tila nasanay na ako sa ganitong gawain niya. Tumingin siya nang bahagya kay tatiana bago magsalita.


"Always wear your sunscreen." Simple niyang sabi at bumalik sa pagtipa sa kaniyang cellphone. Napa-iling na lang ako dahil dito.


Naunang sumakay ang mga bata sa van at sumunod kami. Ang mag-asawa ay sa unahan sumakay samantalang nasa ikatlong upuan kami at nasa unahan namin ang mga bata. Naging mabilis ang aming byahe dahil hindi naman masyadong traffic. 


Nauna kaming bumaba nang van upang dalhin ang mga bag ng bata at ng mag-asawa. Gusto ko nang sumuko sa mga pagkakataong ito dahil ang bigat nang kanilang mga bag. Dapat lalaki ang mga nagbubuhat nito, e.


Napatingin ako kay aziel at mukhang nakita niya akong nahihirapan kaya simple siyang lumapit sa akin at kinuha ang isa sa mga bag na aking dala, bag ito ni thalia.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon