Birthday
Naglalagay pa ako ng minimal make-up ng biglang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang taong tumatawag.
"Iris! Nasaan ka na?" Iritang sabi ni bea sa kabilang linya. Naghintay ako ng ilang segundo bago siya sinagot.
"Papunta na 'ko." Pagsisinungaling ko sa kaniya at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Sis, kanina pa nagsisimula ang party, 'wag kang feeling VIP." sambit niya ngunit ngayon ay seryoso na ang kaniyang boses.
"Alam ko, papunta na nga." Saad ko at binabaan siya ng tawag.
Kakagising ko lang kasi at nagmadali na sa bawat kilos ko. Muntikan ko na ngang makalimutan na birthday ngayon ni bea. Nag-spray lang ako ng pabango at kinuha ang sling bag ko na nakapatong sa aking shelf.
Mabilis akong lumabas at sumakay sa aking sasakyan. Pinaandar ko ito at pumunta sa sa bar kung saan nagaganap ang birthday ni bea.
Pagbaba pa lang sa sasakyan ay may iilan ng tao sa labas na sigurado akong inimbitahan ni bea. Feeling close sa lahat 'yon, e.
Inayos ko muna ang aking suot na dress bago pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa akin ang alon ng mga tao at maingay na musika. Hinanap ng aking mata si bea at nakitang naka-upo sa VIP table.
"VIP naman talaga tayo." Irita kong sabi kay bea bago tuluyang umupo sa kaniyang harapan. Napatingin pa ang ilan naming kaibigan sa akin.
"Pero hindi mo dapat kami pinaghihintay." Tugon niya at inabot sa akin ang isang bote ng alak. Tinanggap ko ito ngunit mabilis din na pinatong sa lamesa. Ayokong mabilis na malasing sa pagkakataong ito
"Bea, kumusta ka naman?" Napalingon ako sa aking katabi dahil sa bigla niyang pagtatanong.
"Ito, maganda pa rin." Natatawa kong sambit at kinuha ang bote ng alak. Uminom ako ng kaunti at tinignan ang kaniyang reaksyon dahil sa aking sinabi. Natawa rin siya kahit papaaano.
Lumalim ang gabi at medyo marami na akong nainom pero nasa tamang isip pa naman ako. Napairap na lang ako ng makita si bea na wala sa aming table. Siguro ay gumagawa na ng milagro ang babaeng iyon. Tatlo na lang kaming naiwan sa table.
"Bea, may boyfriend ka na?" Tanong ng lalaki na nasa aking tabi. Diretso akong napatingin sa kaniya at napansin ang pamumula ng kaniyang pisngi.
BINABASA MO ANG
The Rebirth Mistress [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content Mistress Series 2 Lumaki na maganda ang itsura at buhay ni IRIS VILLATRAZO ngunit magbabago ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan niya. Nagising na lamang siya na nasa ibang katawan na siya at ang malala pa ay kabit s...