Chapter 1

784 17 1
                                    

Bagong Buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bagong Buhay


Minulat ko ang aking mg mata at nakita ang aking sarili sa ilalim ng dagat. Tanging liwanag sa kalangitan ang nagbibigay tulong sa akin upang makakita. Mabilis akong lumangoy paitaas hanggang sa makarating ako sa dalampasigan. Hingal pa akong humiga sa buhangin dahil sa pagod. Mabilis din akong napabangon ng makita ang aking suot. Damit ito ng ng isang kasambahay. 


"Nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili dahil kanina ay nasa tulay lang kami. Normal akong tumayo at natanaw ang isang maliit na bahay sa malayo. Pumunta ako rito at simpleng kumatok. HIndi nagtagal ay bumukas ito at sumilip ang isang matandang babae.


"Sino po sila?" Agad niyang tanong sa akin habang pinagmamasdan ang aking kabuoan.


"Tanong lang po, nasaang lugar po ba ako?" Tanong ko dahil labis na ang aking pagtataka. Dapat ay nasa hospital na ako at naghihingalo dahil sa pagbasak namin sa tulay. Pero heto ako ngayon, maayos na humihinga at nakasuot ng uniform na para sa mga kasambahay.


"Nasa isla ka ng exur, hija." Tugon niya at balak na isara ang pinto ngunit mabilis ko rin itong pinigilan. Kita ko ang gulat sa kaniyang mukha dahil sa aking ginawa.


"Pwede po ba kong makahingi ng isang baso ng tubig?" Sambit ko dahil kanina pa ako nakakaramdam ng uhaw. Simple siyang ngumiti sa akin at marahan na sinara ang pinto. Muli itong bumukas at inabot sa akin ang isang baso ng tubig.


"Swerte ka, hija." Natigil ako sa pag-inom dahil sa bigla niyang pagsasalita. Ako? Swerte? Wala sa bokabularyo ko 'yan.


"Bakit niyo naman po nasabi?" Tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya na ako sinagot sa halip ay kinuha ang kapit kong baso at mabilis na sinara ang pinto. Ang weird naman ng mga tao rito.


Hindi na ako nagsayang ng oras at nagsimula na sa paglalakad. Nagtataka ako dahil wala masyadong tao sa paligid ngunit nabuhayan ako ng loob ng makasalubong ang isang babae. Nakasuot din siya ng pang kasambahay katulad ko. 


"Larisa! saan ka ba nanggaling? Bakit basa ka? Lagot ka kay madam niyan." Sunod-sunod niyang niyang sabi dahilan upang maguluhan ako. Idagdag mo ang pagtawag niya sa akin sa ibang pangalan.


"Hindi ako si larisa." Naiilang kong sabi, dahilan upang matawa siya. Hindi niya na ako pinagsalitang muli at hinila ako paalis sa lugar.


"Kaya ka madalas pagalitan, e." Saad niya habang patuloy sa paghila sa akin. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon