Paalam
"Anong sinabi mo?" Saad niya sa akin. Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa.
"Bingi ka ba? O tanga ka?" Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Gusto ko ulitin mo ang sinabi mo." May diin niyang sabi sa akin. Naghanap muna ako ng mga salita bago sabihin ang mga nasa loob ko. Wala ng mawawala sa akin ngayon. Pwede ko ng gawin ang mga bagay na gusto ko.
"Kahit siya ang dahilan kung bakit namatay ang bestfriend mo." Pag-u-ulit ko sa aking sinabi. Mukhang nakuha na niya ang aking ibig sabihin.
"Ano bang alam mo?" Tugon niya habang diretso pa ring nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Natigilan siya dahil sa pagdating ni mira.
"Larisa! ang tagal mo, nilalapitan na 'ko ng isang lalaki do'n." Iritang sabi ni mira at nagulat nang makita ang sitwasyon namin ni bea. Lubos na lumapit sa akin si bea at may binulong.
"Hindi pa tayo tapos." Saad niya at iniwan kami ni mira sa lugar. Mabilis na lumapit sa akin si bea na puno ng pagtataka.
"Anong problema no'n?" Nagtatakang tanong ni mira habang nakatingin sa kaka-alis lang na si bea.
" Wala, lasing lang 'yon." Tugon ko at inaya na si mira pabalik sa aming table. Habang pabalik sa aming table ay napatingin ako sa table nila bea at wala na sila doon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. Kahit malapit kami ni bea ay hindi ko pa rin alam ang tumatakbo sa kaniyang isip.
Hindi na kami nagtagal sa bar dahil masyado nang nalasing si mira. Kaya naman daw niya ang kaniyang sarili kaya hinayaan ko na lang siya umuwi mag-isa. Maayos naman akong naka-uwi dahil hindi naman ako masyadong nalasing. Idagdag mo pa ang naging usapan namin ni bea.
Natatakot akong malaman ang totoo. Natatakot akong malaman na si bea ang dahilan kung bakit ako namatay.
Nang makarating sa condo ay pabagsak akong humiga sa kama. Ang tahimik ng buong lugar na lalong nagpalungkot sa akin. Dati kasi ay puro ingay ng mga bata ang aking naririnig. Ngayon ay wala kahit isa. Mabilis akong nakatulog dahil sa alak at sobrang pag-i-isip
Naging paulit-ulit ang buhay ko sa condo ni aziel. Isa sa isang linngo lang siya pumunta sa aking condo kaya ang bar ang naging sandalan ko. Hindi ko alam kung paano akong muling babangon mula sa pagkabagsak. Mabuti na lang ay nakakapagpadala pa rin ako sa mga kapatid ni larisa dahil sa tulong ni aziel. Isang bagay na pinanghahawakan ko.
BINABASA MO ANG
The Rebirth Mistress [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content Mistress Series 2 Lumaki na maganda ang itsura at buhay ni IRIS VILLATRAZO ngunit magbabago ito dahil sa isang aksidente na kinasangkutan niya. Nagising na lamang siya na nasa ibang katawan na siya at ang malala pa ay kabit s...