Chapter 18

351 8 8
                                    

Anay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Anay


"Pumasok ka na sa loob, tatiana." Seryosong saad ni thalia sa kaniyang anak. Hindi inalis ni tatiana ang tingin sa akin habang papasok nang kanilang bahay.


Naramdaman ko ang pagdating ni aziel. Hinawakan niya ang aking balikat habang diretsong nakatingin kay thalia. Saglit siyang napatingin sa nagkalat na pera sa sahig.


"Thalia, pag-usapan natin 'to." Normal na sambit ni aziel ngunit ramdam ko na walang balak si thalia na gawin 'yon.


"Ang lakas naman ng loob niyo," Sambit niya habang matalim na nakatingin sa amin. Hiyang-hiya na ako dahil sa sitwasyon na meron kami. Mas nagpadurog pa sa aking puso ay ang galit ng mga bata.


"Pasalamat ka nga sampal lang ang inabot mo, ayokong madumihan ang kamay ko." May diin niyang sabi at balak na umalis ngunit mabilis akong lumuhod sa kaniyang harapan habang umiiyak.


"Ma'am, ayoko pong malayo sa mga bata." Wika ko habang nagmamakaawa sa kaniya. Ayokong umalis sa lugar na ito. Bukod kay aziel ay gusto ko pang makasama ang mga bata.


"Para kang anay larisa, sinisira mo ang pamilya namin." Saad niya at tuluyan na kaming tinalikuran. Tinulungan ako ni aziel sa pagtayo. Pinunasan ko ang aking mga luha at hinila ang aking mga maleta papunta sa kotse ni aziel. 


Hindi ko alam kung saan ako titira ngayon. Sa probinsya nakatira ang pamilya ni larisa at hindi ko rin alam kung paano makapunta doon. Wala akong plano, blangko ang isip ko. Napatingin ako kay aziel na tahimik na nagpapatakbo ng sasakyan.


"Anong plano natin?" Malungkot kong sabi sa kaniya. Saglit siyang napatingin sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang mukha. Tila ako lang ang nakakaramdam ng sakit dahil sa nangyayari.


"May condo ako, doon ka muna mag-i-stay." Tugon niya sa aking tanong. Wala na akong choice kung hindi sundin ang bawat gusto niya. Siya naman ang nagdala sa akin sa sitwasyon na ito. Siya rin dapat ang lumutas ng bawat problema na aming kakaharapin.


Tumigil kami sa isang building at sigurado ako na dito naka-locate ang kaniyang condo. Wala akong lakas kaya siya ang nagbuhat nang mga dala naming maleta. Sumakay kami sa elevevator at pumunta sa hindi ko malamang palapag. Tumigil kami sa isang kwarto at pinagmamasdan ko lang si aziel habang hinahanap ang susi sa kaniyang bulsa.


Nang makita ay tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Pinauna niya pa ako dahil mayroon siyang mga dala. Pinagmasdan ko ang kaniyang condo. Halata na matagal ng walang tumira dito dahil sa dami ng alikabok. Napatingin ako kay aziel na nakakasara lang ng pinto.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon