16
Impakta
BUONG UMAGA AKONG babad sa panibagong mga subjects. Sobrang advance na halos wala akong maintindihan. Parang ang kinukuha kong curriculum ay halos pang college na. Sumasakit na ang ulo ko sa kakapilit na intindihin ang mga itinuturo sa akin. Sayang naman kasi ang ipinapaaral sa akin ni Casper kung hindi ko pagbubutihin ang pag-aaral ko.
"Mahal ko, 'wag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Kung hindi mo na kaya, magpahinga ka na," sabi ni Casper sa nag-aalalang tono. "Mas mabuti pa kung magsasaya ka sa unang araw ng pagpasok mo. Subukan mo munang maghanap ng kaibigan."
"Oo, sige. Susubukan kong makipagkaibigan sa mga bago kong kamag-aral," pagsang-ayon ko. Tumayo ako at naglakad sa direksiyon ni Vernice kung saan nagkumpulan ang iba naming kamag-aral, sikat pala ang babae sa unibersidad na pinapasukan namin dahil kasintahan ito ni Dominic. Nang nasa harap na ako ng mga kaibigan ni Vernice ay nginitian ko ang mga ito. Dapat babatiin ko ang mga ito ngunit naunahan na ako ng kasama ni Vernice.
"Are you a bitten or not?" salubong na tanong nito sa akin.
"B-bitten?" balik tanong ko. "What 'bitten'?"
"She's bitten like me," ani Vernice. Nang sabihin niya iyon ay parang biglang nandiri sa akin ang mga kasama nito. "Yes, she's not natural. But treat her well because she is Casper's wife."
Nanlaki ang mga mata nito nang malamang asawa ako ni Casper. Tanging "Oh," lang ang nai-usal ng lalaking nagtanong sa akin kung bitten ako o hindi. Ano ba kasi 'yon? Hindi ko gets. Saka bakit parang ayaw ng mga ito sa akin. Siguro dahil kay Vernice, impakta talaga itong babae na 'to.
Tumayo si Vernice. Hinawakan ako nito sa braso saka ako nito hinila palabas ng silid. "Come with me," anito. Hila nito ang braso ko hanggang makarating kami sa gawi ng bulwagan kung saan walang masyadong nagdaraan. "Stay away from my friends," utos nito.
"What? A-ano, bakit naman? Vernice, gusto ko lang namang makipagkaibigan sa mga kaklase natin. Wala naman sigurong masama kung makikipag-usap ako sa kanila hindi ba?"
"Ayaw nila sa'yo!" may diing sabi nito. Napapikit ito saka humugot ng malalim na hininga bago magsalita. "Look, Rica. Ang mga kaklase natin ay mga matapobre katulad ko. They are all snobs, actually. Nakita mo naman kanina kung paano ka nila tingnan nang malaman nilang kinagat ka lamang, hindi ba? Hindi ka natural na bampira katulad nila kaya ayaw nila sa'yo. Mababa ang tingin nila sa iyo, papakisamahan ka lamang nila dahil asawa ka ni Casper."
Napailing ako sa mga sinasabi nito. "Imposible 'yan. Kung totoo na ayaw nila sa kinagat na katulad ko, bakit nakikipagkaibigan sila sa iyo?"
"Because I'm a bitch," tanging sagot lang nito bago ako layasan at magsimulang maglakad palayo.
"Oo bitch ka nga, ang sama ng ugali mo!" wika ko nang makalayo na ito.
Kahit nakalayo na ito, lumingon pa rin ito sa akin at naglakad ito pabalik sa direksiyon ko. "Ulitin mo ang sinabi mo," utos nito. Nakahalukipkip na tinitigan ako nito ng masama.
Patay, hindi ko naman inasahan na maririnig pa niya ako. Hindi ako makatingin ng diretso rito kaya nakayuko akong sumagot. "P-pasensiya na."
Pumalatak si Vernice. "Baka akala mo matatakot ako sa iyo dahil asawa ka ni Casper," anito. "'Wag kang masyadong kampante Rica, hindi kita sasantuhen. Kayang-kaya kitang ilampaso, pati ang asawa mo."
"P-pasensiya na, hindi ko sinasadyang sabihin ang mga salitang nabitawan ko," paumanhin ko rito. "Pasensiya na talaga."
Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad palayo. Grabe, akala ko magsasapakan na kami. Jusko, dapat hindi malaman ni Casper ang tungkol dito. Baka mag-away na naman sila ni Dominic.
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...