12
Dominic
"CASPER ANO BA?! Nasasaktan ako!" Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Casper sa braso ko. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay mababali ang aking buto. Nang makita ko ito sa bahay ay tumakbo agad ako ngunit naabutan ako nito kaagad dahil ginamit nito ang kanyang pambampirang bilis. Nang maabutan ako nito ay napapikit ako sa takot at napatili ng malakas, pagdilat ko ng aking mga mata ay nakatayo na ako sa kuwarto namin.
Galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito. "Sinong nagsabi sa'yo na umalis ka?! Paano ka nakatakas?! Sinong tumulong sa iyo?!" sunud-sunod na galit na tanong nito. Tila ba yumayanig ang buong kuwarto dahil sa lakas ng boses nito. Nanlilisik ang mga matang nakatitig ito sa akin. Ramdam kong ginagamitan ako nito ng kung anong kapangyarihan para halungkatin ang isip ko at maghanap ng mga kasagutan sa tanong niyang hindi ko gustong sagutin.
"Casper!" mangiyak-ngiyak kong sabi. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko dahil naghalo na ang lungkot at takot na nararamdaman ko. Patuloy pa rin ang paghalungkat ni Casper sa mga kasagutan sa isip ko, ngunit nang mapansin nitong lumuluha na ako ay tumigil na rin ito.
Mula sa nanlilisik nitong tingin ay naging maamo na ang mata nito. "P-patawad. P-patawarin mo ako, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Iniupo ako ni Casper sa kama at masuyo akong niyakap habang patuloy ako sa paghikbi. "Ipagpaumanhin mo ang ikinilos ko, hindi ko sinasadya," wika nito sa masuyong tono saka ako hinalikan sa noo.
Lumipas ang ilang saglit bago ako tuluyang tumigil sa pag-iyak. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanog nito sa malambing na tono. Hindi ko ito pinansin. Tumayo ako at naglakad palapit sa bintana. Sinundan ako ni Casper at tinangka nitong hawakan ako ngunit hinawi ko ang kamay nito. Malakas na napabuntung-hininga ito. "Hahayaan muna kitang mapag-isa. Kung may kailanganin ka man, hanapin mo na lang ako sa labas." Naglakad na ito palapit sa pinto. "Tandaan mo Rica, kasal tayo at asawa kita. Nakatali ka na sa akin kaya hindi ko hahayaan na basta mo na lang ako iwan." Iyon ang mga katagang huling iniwan nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Ang gulo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga nangyayari sa akin. N'ong una ay nag-iinuman lang kami ng mga kabarkada ko. Tapos naligaw ako at hindi sinasadyang napunta sa isang lumang simbahan at doon ikinasal sa lalaking hindi ko kilala. Akala ko panaginip lang ang nangyari dahil sa sobrang kalasingan, hanggang sa sapilitan akong dalhin nito sa kanyang tahanan. B-bakit ba nangyayari ito?
I felt my stomach burning. Tila ba tuyung-tuyo ang labi at lalamunan ko, mahapdi rin ang pakiramdam ng aking tiyan. D-dugo, siguro kailangan ko na namang uminom n'on. Sabi ni Casper puntahan ko lang siya sa labas kung may kailangan ako, pero ayaw ko. Hindi ko gustong uminom ng dugo ng kung sino man. Para maiiwas ang aking sarili sa pag-iisip tungkol sa aking pagkauhaw ay tinitigan ko na lamang ang aking repleksiyon sa salamin.
Nag-iba talaga ang hitsura ko. Nadagdagan ang haba ng buhok ko at mas naging maputi ang kutis ko. Mas naging malalantik din ang mga pilik mata ko at mas mapula na ngayon ang labi ko. Nangyari lamang ang lahat ng ito nang gawin akong bampira ni Casper. Mas tumindi ang paghapdi ng tiyan ko kaya hindi ko na napigilang pansinin iyon. I clutched the part of my abdomen where it hurts the most. Napapikit ako at mariing napakagat sa labi dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman ko.
Lumabas ako ng kuwarto at hinanap si Casper. Hawak ko pa rin ang tiyan ko nang libutin ko ang bahay para hanapin ito. Hinanap ko si Casper sa room kung saan nakita kong may kinakausap siya rati. When I opened the room's door, doon ko lang napansin na opisina pala iyon. Inilakad ko ang aking mga paa sa loob, siya namang pagkarinig ko sa sunud-sunod na pag-ungol ng isang babae. Agad akong napalingon sa direksyon ng pinangagalingan n'on. Nakita ko si Casper na may kahalikan na ibang babae. He was kissing her hungrily. Patalikod ang ayos ng sofang kinapupuwestuhan nila kaya mula sa kintatayuan ko ay ang ulo hanggang hubad na balikat lang ng mga ito ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...