19
Salpukan
NAIINTIMIDATE PA RIN ako kay Vernice. Pero kapag kasama ko naman ito sa classroom namin ay wala naman itong ginagawa sa akin na hindi kaayaaya. Binilinan na lang ako ni Casper na dumistansiya rito dahil una sa lahat, ito ang pinaghihinalaan namin ni Casper na naglalagay sa akin sa kapahamakan. At pangalawa, wala naman kaming sapat na ebidensiya para sabihing ito nga ang nasa likod ng lahat ng aking muntikan nang pagkamatay.
Wala akong alam na magandang motibo para gawin ni Vernice ang lahat ng iyon sa akin, o baka naman may lihim itong itinatago? Wala rin itong ginagawa para linawin ang kanyang pangalan kaya may duda talaga ako rito. Kasama ko na si Casper ngunit napapadalas din ang pag-alis nito. Abala pa rin kasi ito sa kanyang sariling pamamaraan ng pag-aaral. Sana palagi na lang siyang nasa tabi ko para hindi ko na kinakailangan pang mag-alala.
I inhaled deeply. I miss him so much. Lately, hindi na kami nakakapagbonding. I tried to reach him through my mind. "Casper," pagtawag ko rito. Hindi ito sumasagot. Siguro mali ang ginagawa ko, kaya inulit ko na lang. For the second time, I tried to reach his mind again. "Casper," muling pagtawag ko. "Casper, Casper, Casper, Casper, Casper," pangungulit ko na ng ayaw pa rin nitong sumagot. I sighed deeply. Hindi pala ako marunong.
"What?" biglang tanong nito.
Napangiti ako. "Bakit ang tagal mong sumagot? Mahina ba signal d'yan sa lugar mo?"
"Uhm, no. I was taking a nap." Ramdam kong napailing pa ito dahil nasa isip niya rin ang isip ko. "By the way, why did you try to reach me? Any problem?"
"Wala naman, namimiss lang kita," nahihiya kong sagot.
Napatawa ito. "What? You miss me?" Excited ang tono ng boses nito habang nagsasalita, lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkahiya habang kinakausap ko ito. "I'm sorry if I'm too busy this past few weeks. I promise I'll make it up to you okay? When I have the time to spend with you, what do you want us to do?"
Nag-isip ako ng puwede naming gawin kapag may libre na itong oras. Kung maggala na lang kaya kami sa mall, hilig ko kasi 'yon eh. Pero baka napapagod ito sa mga pinaggagagawa niya, siguro mas maganda kung relaxing na lang ang gagawin namin. "Eh ano kaya kung magswimming na lang tayo? Tamang tama, summer naman. Gusto ko may hippo sa pagsu-swimmingan natin ha?"
He chuckled. "Okay, okay. I'll try to look for a place where we can bathe with hippos."
"Hmm, sige," sagot ko na lang. Hindi ko na kinausap pa ito dahil gusto kong makapagpahinga na ito. Nagpapahinga na nga kasi kanina, ginising ko pa. Pero ano ba ang magagawa ko? Wala rin naman kasi akong ibang makausap dito sa school. Maghapon na naman yatang mapapanis ang laway ko.
Kakatapos ko lang kumain. Balak ko sanang ubusin ang oras ko sa pagkain ng lunch pero hindi ko naman matiis ang mga nakakaintimidate na titig sa akin ng mga kasama ko sa cafeteria. Naisipan ko tuloy na magpalakad –lakad na lang muna habang hinihintay kong dumating sina Leighton at Mikeinel para sunduin kami ni Vernice. Ang linis ng hallway, para tuloy gusto kong humiga. Inaantok na kasi ako. Kayo ba, hindi ba kayo inaantok sa pagbabasa nito? Ang writer kasi ng story na ito ay madalas na inaantok kapag sinusulat niya ang kuwentong ito. Kaya malamang sa malamang inaantok na rin ang mga nagbabasa nito.
Nagtungo ako sa library para sa lugar ko na lamang na 'yong gugulin ang aking libreng oras. Kumuha ako ng vampire book, 'yong para sa anatomy ng mga vampire. Curious kasi ako eh. May protein-deficiency daw ang mga bampira kaya umiinom sila ng dugo ng ibang tao. Sanhi raw ng virus ang pagiging vampire. Transition from human to vampire takes twenty-four to twenty-eight hours daw. Ano ba naman itong libro na 'to, ang boring. Wala bang Fifty Shades of Grey dito?
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...