8
Paghalik
MATAAS NA NAMAN ang sikat ng araw kaya mukha akong tangang jejemon na naka-shades at naka-jacket dahil nasisilaw ang mga mata ko sa matinding liwanag at napapaso naman ang balat ko sa sikat ng araw. "Are you free this lunch?" tanong sa akin ni Caper nang sumapit ang break time. Marunong na itong magtagalog pero madalas pa rin itong mag-english.
"Uhm, sure! Wala naman akong kasama mamayang lunch,"
His facial expression brightened then his lips curved a smile. "Thank you," he said.
He stared at me like he was memorizing every part of my face. My cheeks flared up dahil naiilang ako sa pagkakatingin nito sa akin. "W-what?" tanong ko rito.
Nanatili itong nakatingin sa mukha ko, then he looked away. "N-nothing... you're just beautiful," Ramdam kong lalong nag-init ang aking mga pisngi kaya siguradong mas namumula na ang mukha ko ngayon. I feel like I have butterflies in my stomach. Nag-iba ang pakiramdam ng tiyan ko, siguro natatae lang ako. Tama ba?
+ + +
PAGSAPIT NG LUNCH time ay nagpunta kami ni Casper sa isang mapunong lugar. Hindi ko alam kung paano kami napunta rito dahil sinundan ko lang naman ang paglalakad nito kanina. I can smell the leaves everywhere. Naglatag si Casper ng blanket sa may damuhan saka niya inilapag ang basket na dala niya roon. Binuksan niya ang basket saka niya inilabas ang mga laman nitong pagkain.
Sabay kaming kumain ni Casper. Hindi pa nito nakakalahati ang pagkain nito ay itinabi na nito ang kanyang plato. "Oh, what's the matter? Busog ka na ba?"
He shook his head. "Hindi ko lang matiis ang lasa ng pagkain," sagot nito.
"Masarap naman ah," wika ko na puno ng pagkain ang bibig.
Hindi ito sumagot at ngumiti lang. Napaisip tuloy ako kung bakit hindi niya gusto ang lasa ng pagkain samantalang sobrang sarap naman noon. Hindi na ulit ito nagsalita kaya napatingin ako sa kapaligiran namin. Ngayon ko lang napagtanto na sa isang tagong lugar pala ako dinala ni Casper.
"Bakit dito mo ako dinala Casper? Para kasi tayong nagpipicnic, puwede naman sanang sa canteen sa school na lang tayo kumain," sabi ko sabay paglinga sa paligid.
Biglang naging malungkot ang ekspresyon ng mukha nito. "H-hindi mo ba nagustuhan ang inihanda ko para sa 'yo?"
Mukhang namisinterpret pa nito ang sinabi ko. "Hindi naman sa gan'on. Nagtataka lang ako kasi puwede namang sa canteen na lang tayo, 'di ba? Pero I appreciate your effort naman kasi nagprepare ka pa ng food. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit dito pa tayo sa isang mapuno at tagong lugar kailangan kumain."
Para tuloy bigla kong gustong itanong kung re-rape-in niya ako. Oh my god, I'm not ready.
Napalitan ng ngiti ang malungkot nitong mukha. "Akala ko kung ano na, 'yon lang pala," tila nakahinga ng maluwag na sabi nito. "Dinala kita rito kasi gusto kitang makasama ng tayong dalawa lang. You know, just the two of us," sabi nito sabay kindat.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko rito. Then again he looked at me like he was studying every part of my face. Napayuko ako bigla dahil naiilang ako sa tingin na ibinibigay nito sa akin. Baka kasi makita nito lahat ng imperfections ko. "Uhm.," pagbasag ko sa katahimikang namamayani sa gitna naming dalawa. "S-salamat sa pagkain. N-nabusog ko."
"You're welcome," nakangiting sagot nito. His happiness was obvious because his blue eyes are shining. Bumalik ulit ang katahimikan. He stared at my face for a long time. Para akong matutunaw sa mga tingin nito. My cheeks are burning and I can feel the fasy beating of my heart. "Will you be my girlfriend Rica?"
"Oo nomon!" Bigla kong natutop ang sarili kong bibig. Putek kasing bibig ko! Mas malandi pa sa akin! Iniayos ko ang sarili ko. ''Uhm, I mean, seryoso ka ba? B-bakit mo naman ako tinatanong ng g-ganyan?"
Gumapang ito sa blanket papalapit sa akin. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Isang maling galaw lang ay maaaring maglapat ang mga labi namin. His eyes caught mine. "Don't you feel the spark between us Rica?"
Natameme ako. Ano ba 'yung spark? He held my hand. Nang magdampi ang aming mga balat ay para akong dinaluyan ng isang kuryente. Ang pakiramdam ba na 'yon ang nagsasabi na may spark sa pagitan naming dalawa? Pagka-ground naman 'ata ang naramdaman ko hindi spark.
He leaned closer to my face. His lips went down to mine. Bahagya akong napapitlag dahil parang napaso ang mga labi ko nang dumikit ang mga labi niya sa akin, pero hindi naman ako pumalag sa paghalik na ginagawa nito sa akin.
Dahan-dahang itinuloy ni Casper ang halik. Banayad lang ang paggalaw ng labi nito dahil parang pinakikiramdaman nito ang reaksiyon ko. Saglit din akong hindi nakagalaw. The next thing I knew is sinasagot ko na ang mga halik nito. Unti-unting gumalaw ang mga labi ko at pilit na sinasabayan ang halik nito.
Mayamaya ay narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Inilayo ko ang mukha ko sa mukha nito. "What?"
He smiled. "Nothing, it's just that---" Tumikhim muna ito bago ituloy ang sinasabi. "You don't know how to kiss properly." Parang sasabog ang ulo ko sa kahihiyan. Oo hindi ako marunong humalik dahil ang first kiss ko ay kinuha ng stranger na nasa panaginip ko. I'm not a bad kisser right? If I am, sana kainin na ako ng lupa! Nakakahiya! "It's okay. I am happy to be your first kiss."
Pero hindi siya ang first kiss ko. Hindi nga ba?
_________________________
DON'T FORGET TO VOTE 😀
BINABASA MO ANG
Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]
General FictionHIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa lalaking hindi niya...